Chapter Eight
Kinagabihan ay may kumakatok sa pintuan niya. Hinde pa naman masyadong gabi at saka doon niya naalala na kailangan pa pala niya ipresent ang mga designs ng mga suits sa hotel nito. Nagulat siya na sa pagbukas ng pinto niya ay nakita niya si Rio na may dala-dalang pagkain.
“Ano nanaman ang ginagawa mo ditto?” Tanong niya. Habang tinitignan ang mga dala ni Rio . Nakangiti naman ito na sumagot sa kaniya at nagpatiuna nang pumasok.
“Room service di mo ba nakikita. Dito na tayo mag-usap ditto mo na lang ipakita yung mga designs mo at sabay na tayo kumain.” Komportableng sabi nito habang inaayos ang mga pagkain. Siya naman ay naiwang nakatinngin lang sa binata na nag-aayos ng pagkain at tsaka lang niya natantong bagong gising pa lang pala siya.
“Sandali lang! Hinde pa ako nakakapag-ayos bagong gising lang ako.” Sabi niya kay Rio . Ngunit di naman ito alintana ng lalake at patuloy pa din ito sa pag-aayos ng kanilang kakainin.” Lumapit na siya rito at hinampas ang balikat nito at inulit ang kaniyang mga sinabi at sa wakas ay napansin na rin siya nito.
“It doesn’t matter anymore. Okay lang naman kung ganyan ang itsura mo eh. Ako lang naman ang nakakakita sa iyo ngayon kaya don’t worry unless kung guso mong magpaganda para sa akin.” Natatawang sabi nio habang umupo lamang sa sofa.
Nakakainis pa din talaga ang kayabangngan ng lalakeng ito kahit kalian ay hinde na yata magbabago ito lalo na pagdating sa kayabangnan.
“Che! Bakit ako magpapaganda para sa iyo. May boyfriend ako no.” kontra naman niya rito. Mga ilang sandali rin ang namagitan sa kanilang dalawa. Kung bakit ay hinde niya din alam. Pagtinngin niya sa itsura ni Rio ay napansin niyang biglang lumungkot ang mga mata nito at bigla ring ngumiti kaya naman inakala niya na guni-guni lang nito ang lungkot sa mga mata nito.
“Buti naman at may nagkagusto sa Amasonang kagaya mo? Tinutukan mo siguro ng patalim.” Pang-aasar nanaman nito habang kumakain sila. Naiinis nanaman siya sa pang-aasar ng lalaking ito. Parang gusto nanaman niya itong sakalin.
“Eh kung suntukin kita diyan. Bakit kaya di mo na lang tignan tong mga designs na to at ng matigil ka sa mga hirit mo!” paasik niyang sabi ditto. Ngunit tinatawanan lang talaga siya ng lalaking ito.
“Oo na! Ganoon ka ba talaga kagalit sa akin Isha?” seryosong tanong ng lalaking ito.
“Oo, bakit may problema ka?” maangas niyang sabi sa lalaking Ito na hinde niya matukoy kung seryoso ba talaga o hinde.
“Pwede naman sigurong kahit ngayon lang maging mabait ka sa akin.”
“Siguro? Nga pala kamusta na kayo ni Irene?”
“Kami? Ayos lang plano na nga naming magpakasal eh.”
“ah ganun ba?” Biglang may kung anong kumirot sa puso niya na hinde niya maintindihan. Para bang bumagsak lahat ng sabihin ito nito. Pero hinde naman dapat kasi siya naapektuhan kasi hinde naman na niya mahal ang lalaking ito. Biglang nagsalita si Rio na ikinagulat niya.
“So ano meron pa bang mga ibang designs na naiisip ka para sa project natin ngayon?” seryosong sabi nito habang nagsasalin ng tubig sa baso niya.
“Kulang pa ba? Dadagdagan ko.” Seryosong sabi din niya. Hinde niya alam kung anong nangyare pero biglang nagging civil ang usapan nila ng mga oras na iyon na gusto naman talaga niya pero bakit iba na ang nararamdaman niya.
“Hinde ayos na naman nga pala bukas pupunta tayo dun sa hotel para Makita kung ano pa ang dapa na mga designs na idagdag.”
“Sige!”
“Sige mauna na ako. Papaligpit ko na lang to sa mga chambermaids ditto.” Sabay tayo habang mabilis na lumabas sa pinto ng kaniyang kwarto. Naiwan lang siyang nakamasid sa likod nito na papaalis. Nagulat siya kung bakit ganoon ang nangyare sa kaninang maganda nilang usapan at pang-aasar nito.
Hinde malaman ni Rio kung bakit nasabi niya ang ganoong mga bagay kay Isha. Bakit sinabi niyang sila parin ni Irene. Naapektuhan lang siguro siya sa mga sinabi ni Isha at sa pagsasabi nito na may boyfriend na ito. Parang nawawalan na siya ng pag-asa. Habang nakatanaw siya sa bintana niya. Agad namang nagring ang cellphone niya.
“Hello, Rio how are you.?” Tanong ni Irene sa kabilang telepono. “Kamusta ang pagkikita niyo ni Isha?” pagpapatuloy nito.
Isang napakahabang hinga lang ang naisagot niya kay Irene nang tanungin siya sa mga bagay na iyon.
“Haba ata ng hinnga mo? Hinde ba maganda?” tanong nito na parang nag-aalala.
“May boyfriend na siya eh. Ano pa magagawa ko?” panghihina niyang sagot. Biglang nagkaroon n katahimikan at bigla niyang narinig ang malakas na boses ni Irene na parang galit pa.
“Baliw ka pala eh! Hinde pa naman sila ikakasal may pag-asa pa yan. Lalake ka ba talaga. Nako naman ngayon ka pa nawalan ng lakas ng loob eh Ang lakas lakas ng loob mo kapag nambababae ka at kapag pinupuri mo sarili mo! Pag bumalik ka ditto sa opisina nako sisikmuraan kita kahit nab a buntis ako.” Galit nag alit na sabi nito sa kaniya. Kilala niya si Irene at sa mga sinabi nito ay nasisigurado niyang seryoso to. Pero salamat na rin sa kaniya at nabuhayan pa din siya ng loob.
“Irene! Salamat Promise magiging kami ulit ni Isha.”
Nakahiga naman si Isha sa kaniyang higaan habang iniisip ang lahat ng mga nangyayare. Batid niya na kagaya ni Rio ay malapit na rin siya ikasal. Malapit na siyang mag-asawa ngunit ang tanung niya s akaniyang isipan ay kung mahal nga ba niya talaga si James? Ewan niya. Napapitlag nanaman siya ng may biglang kumatok sa pintuan niya. Laking gulat niya ng Makita niya si Allayne na luhaan.
“Bakit ka umiiyak?” agad naman niyang tanong habang inaakay papasok ang kaniyang sekretarya.
“Nakipaghiwalay na sa akin yung boyfriend ko.” Umiiyak na sabi nito.
“Kailan? Pa to?” tanong niya sa sekretarya. Naaawa siya ditto dahil kahit nasa ibang bansa ang boyfriend nito ay nagging loyal ito sa kaniya.
“Bakit naman daw?” patuloy pa din niyang tanong habang pinapatahan si Allayne.
“Hinde na daw niya ko mahal at narealize na for fun lang daw ang lahat sa amin. Ma’am I gave him everything kahit katawan ko ibinigay ko sa kaniya. Lahat lahat na! Pero…pero…”
“hush Allayne! Saan niya sinabi iyon? Hinde siya deserve ng iyak mo. Andito ba siya? How aweful of him you gave her everything and yet that is the way na igaganti niya sa iyo. Nasaan siya tell me?” commandment was in her voice naiinis siya ng tunay ngayon. Gusto niyang sampalin ang nanakit na lalake kay Allayne dahil hinde naman talaga dapat na sabihin sa kaniya na just for fun lang siya. Sa totoo lang ay nakakrelate kasi siya kay Allayne dahil ganoon din ang nangyare s akanila ni Rio .
“He is here! Kababalik lang niya.”
“Halika puntahan natin siya! Akala niya you deserve a better explination.” Mabilis niyang hinila ang kamay ni Allayne at dirediretsong bumaba sa hagdanan at nagpunta sa pool side kung nasaan ang sinasabing lalake ng kaniyang sekretarya at laking gulat niya ng makilala niya kung sino ang lalake ang boyfriend niyang si James pala ito.
“Hi babe! Anong….” Hinde na nito naituloy ang sasabihin sapagkat agad ng dumapo ang palad niya sa pisngi nito. Sinampal niya ito nang pagkalakaslakas.
“What the hell! Ano ba James. I thought you are different. I thought matino ka and yet hinde pala. Babaero ka din pala tulad ng iba. Don’t explain anything to me. Wag kang magpapakita sa akin dahil baka mapatay lang kita. Two timer!” galit na galit niyang sabi kay James. Ngunit kahit isang luha ay walang pumapatak. Nasaktan lang ang pride niya pero parang narelieve siya sa nangyare at nagpapasalamat siya na nawala na sa buhay niya ang isang lalakeng katulad ni James.
“Allayne wanna punch him or anything else. Kasi baka pag ako gumawa baka mapatay ko yan? Ano?” tanong niya sa kaniyang sekretarya. Hinde naman nagatubili si Allayne at sinampla ng pagkalakaslakas ang lalaking nang loko sa kanilang dalawa at sabay na silang bumalik sa reception.
“Ang sarap sa pakiramdam ma’am nga pop ala sorry boyfriend niyo pala yung mokong na yun.” Paghinngi ng depensa nito sa kaniya.
“Ayos lang iyon. Mabuti nga nalaman natin na parehas tayo ng boyfriend diba? Akala niya maloloko niya tayo. Nako. Anyways magpahinnga na tayo marami pa tayong gagawin bukas and last day na natin here bukas. Goodnight!” Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto nila.
“Isha! Good morning how was you’re night?” magandang bati ni Rio sa kaniya. Ayaw niyang sabihin ditto ang nangyare dahil sigurado siyang kaaawaan lang siya nito. Nakakasigurado siya na matatapakan nanaman ang ego niya kapag sinabi niya ditto ang ginawang panloloko sa kaniya ng boyfriend niyang palekero. Kaya naman magsisinungaling na lang siya hinde rin naman nito malalaman ang lahat.
“Ayos lang! Wala namang ibang nangyare kagabi.” Komportable niyang sagot habang tinitignan ang ibang mga papeles para sa kanilang trabaho.
“Ganun ba? Kamusta naman ang gabi mo Allayne.” Baling naman nito sa sekretarya niya na nasa harapang upuan niya.
“Ayos lang naman. Ayun nakipagbreak na sa boyfriend kong palikero. Nakakainis kundi pa naming ni Ma’am na…..”sasabihin n asana ni Allayne kay Rio ang lahat kaya bigla siyang sumabat sa usapan.
“Kung di lang naming nalaman na may iba pa pala yung girlfriend maliban kay Allayne nako.” Hinihingal niyang sabi kay Rio .
Nagtataka naman itong tinignan siya na hinde niya nagustuhan kaya tinaasan niya ito ng kilay.
“Oh? Bakit ka nakatingngin?” mataray niyang tanong ditto.
“Nakisali ka sa away nila? Kahit kelan talaga napakawar freak mo!” natatawang sabi nito sa kaniya na kinainis naman niya kung alam lang nito ang nangyare sa kaniya.
“Ang epal mo eh no? Siyempre empleyada ko siya at hinde ako makakapayag na inaagrabyado ang empleyada ko.” Pagmamalaking sinabi niya.
“Halika na nga sa loob mamaya may Makita ka pang lovers diyan na mag-away sa kalye pakialaman mo pa din.” Pang-aasar na sabi nito.
“Alam mo…..Ang sarap mo talaga pakuha kay Shomba kung pwede lang eh. Pinakain na kita don. Naku!” inis na inis na sabi niya rito habang ito ay mukhang wala lang pakialam kung naiinis na siya oh nagagalit.
“Bakit close kayo? Pakilala mo naman ako.”patawa pa nitong sabi. Sa sorang inis niya ay inunahan niya ito sa paglalakad at hinarangan ang dadaanan nito.
“Rio ..”
“Bakit?”
Akala ni Rio ay kung anong gagawin ni Isha yun pala ay tatapakan lang pala nito ang kaniyang paa. Napaaray ang binata sa ginawa niya. Ikaw ba namang apakan ng high hills hinde mapapaaray. Napasigaw ito sa sakit na tinawanan lang naman niya.
“Ulitin mo pa akong asarin hinde lang yan gagawin ko sayo. Akala mo! Hmp..:”
sabay sakay sa elevator kasama ang kaniyang sekretarya.
Naiwan naman ang binatang nag-iisa sa lobby ng hinde pa masyadong natatapos na hotel sa Tagaytay. Nagulat siya sa ginawa nito dahil sobrang sakit noon . Pero natatawa pa rin siya dahil napatunayan niya na hinde pa din nagbabago si Isha at may posibilidad pa ding mahalin siya nito ulit. Basta hinde niya ito susukuan.
“Kahit may boyfriend ka na! Andito pa din ako para sayo. Magbrebreak din kayo nun. Di hamak naman na mas gwapo ako kesa doon.” Kompiyansang sabi niya sa kaniyang sarili.
“Hoy! Kuya Rio. Mamaya mapagkamalan kang baliw diyan kausap mo nanaman ang sarili mo.” Saway sa kaniya ni Andrea na may hawak hawak na chocolate na halata namang galling kay Syd. Nakalipas ang ilang taon ay niligawan din kasi ni Syd si Andrea kaya naman masayang masaya siya para sa kapatid dahil sigurado siyang hinde ito sasaktan ni Syd.
“Wow! Chocolates,. Penge nga boy.” Tuwang tuwa niyang sabi habang ginugulo nito ang buhok niya. Na halata namang ikinainis nito.
“Kuya naman eh! Nahirapan akong magayos nito tapos guguluhin mo lang. Palibhasa kasi wala kang lovelife!” asik nito habang inaayos ang ginulo niyang buhok.
“Sinong nagsabing wala? Meron kaya. Una na ako sis!” nagpaalam na siya sa kaniyang kapatid at sumakay na din sa elevator.
Naglalakad si Isha sa may hallway ng may makasalubong siyang isang pamilyar na mukha. Si Irene ang babaeng pinili ni Rio kaysa sa kaniya. Alam niyang darating ang araw na maghaharap din silang tatlo kaya naman pinaghandaan na niya ito kaya naman magiging professional siya sa paghandle ng trabaho na ito. Unting panahon na lang din naman at matatapos na niya ito at babalik na din siya sa Switzerland dahil mukhang mas matatahimik pa ang buhay niya doon kaysa ditto.
“Oh, Hi Isha! How are you, it’s nice to see you.”
Nagulat siya sa warm reception ni Irene at para bang nagbago ang itsura nito for the past few years. Habang tinitignan niya ito ay napansin niyang nagdadalang tao na ito and that hit her heart with arrows a million times. Buntis na si Irene at si Rio ang ama. Hinde niya lubos maisip na magiging tatay na si Rio at kinukulit pa din siya nito. Hinde siya handa sa tagpong ito kaya naman kailangan niya sandaling makapag-isip ng maayos,
“Congratulations!” sabi niya habang nakatinngin sa Tiyan ni Irene.
“Thank you! Nga pala invinted ka sa kasal ko ha. Please don’t miss it medyo madami kasi akong atraso sayo eh.” Masayang sabi nito.
“Hinde ko lang alam ha,. Kasi after this project babalik na akong Switzerland . Teka nga pala nasaan na yung mga kwartong may designs na. Gusto ko na siyang Makita.” Casual niyang sabi ditto.
“Ah, oo nga pala halika sumunod ka sa akin.”
Sumunod sila kay Irene. Habang nagssalita at nagpapaliwanag si Irene ng tungkol sa mga ibat-ibang kwartong nadadaanan nila ay hinde siya nakikinig. Sapagkat nasa malayo ang isip niya. Iniisip niya na buti pa si Irene at Rio ay napakasaya na samantalang siya bigo pa din sa pag-ibig not that na dahil niloko siya ni James. She got over it with that guy kaso nga lang natapakan ang pride niya doon ngunit dahil kay Rio . Hinde niya kasi ito maintindihan. Sinabi niya kasi na ikakasal na sila pero parang may iba pa din siyang nararamdaman tungkol kay Rio . Iba kasi yung feeling na pinapakita ni Rio sa kaniya. Baka naman nagiilusyon lang siya bahala na nga. Habang naglalakad lakad sila ay nasalubong na nila si Rio .
“Nakita mo nab a Isha yung mga ginawa mong designs! You are great siguradong maraming tatangkilik nitong hotel namin.” Tuwang tuwang sabi nito.
“Maraming salamat Rio ! Sa wakas natapos na din tong project na ginagawa natin makakapagpahinnga na ako nga pala by the way congratulations sa inyo ni Irene you’re going to get married and she is having you’re baby. Sayang hinde ako makakapunta sa kasal niyo because I’m going back to Switzerland and maybe stay there for good. So goodbye for now.” Sabi ni Isha at mabilis na sumakay sa elevator kasama ang kaniyang sektretarya. Habang nasa loob ng elevator ay gusto niya sanang umiyak kaso kasama pa niya ang kaniyang sekretarya kaya nanahimik na lang siya at naghintay na makababa sila sa garahian ng building pagdating nila sa groundfloor ay agad siyang sumakay kay Becephalus ang pinakapaborito niyang sasakyan at doon ay nagkulong ng ilang sandali. Parang nagyari na din ito dati yun nga lang umiiyak siya ngayon dahil hinde sa katangahan kundi sa kalituhan at sakit pa din ng damdamin. Ngayon lang niyang napagtanto na mahal pa pala niya si Rio at masakit sa kaniya na Makita na ikakasal na sila ni Irene at higit sa laha magkakaanak na sila. Mas masakit pa yata ang nangyayare sa kaniya ngayon kaysa sa mga nangyayari sa kaniya noon . Ngayon mapapatunayan niya sa kaniyang sarili na It’s time to move on na and forget the past. Kaya naman babalik siya ulit sa Switzerland para doon na gamutin ang sugat niya sa puso.
“Rio ? Anong ibig sabihin ni Isha awhile ago?” pagtatakha ni Irene habang kumakain ng cake sa isang cake shop kasama si Rio .
“She thought na tayo ang ikakasal at sa akin iyang batang dinadala mo.” Kampanteng sagot lang nito habang pinaglalaruan ang cake nito.
“Sumeryoso ka nga Rio bakit mo naman sinabi yun sa kaniya. Stop playing with that cake!” malakas na sabi nito sa kaniya habnag hinawakan nito ang kaniyang kamay para itigil ang cake na pinaglalaruan nito.
“Chillax! Irene naman. Nasabi ko lang yun kasi may boyfriend na siya at para naman hinde ako magmukhang kawawa sa harap niya.” Patawang sabi nito.
“Alam mo that is the problem with you. Napakaewan mo don’t you know na babalik na si Isha sa Switzerland and in my opinion mukhang naghiwalay na sila ng boyfriend niya and she is staying in Switzerland for good. Bawiin mo yun sa kaniya habulin mo siya.” Gigil na gigil na sabi nito na mistulang mananapak na.
“Easy! When is she going to take the flight?” Madling tanong nito.
“Ask her friend malay ko ba?” inis na sagot naman nit sa kaniya.
Nagmadaling umalis si Rio sa cakeshop na kinakainan nila at madaling naghanap ng taxi at habang naghihintay siya ay tinawagan niya si Nikki. Sa pagkakataong ito hinde na niya hahayaang makaalis pa ang babae na minamahal niya ngayon na nalaman niya na wala na itong boyfriend at pwede na maging sila.
“Hello Nikki! Nasabi ba sayo ni Isha kung kalian ang flight niya papuntang Switzerland ?” hinihinngal niyang tanong habang pumapara ng taxi.
“Ang alam ko ngayon bakit ba…” Hinde na pinatapos ni Rio ang sasabihin ni Nikki at agad na siyang nagpaalam ditto. Unti na lang ang oras niya at ayaw niyang sa mga huling sandali ng oras na iyon ay makawala pa sa kaniya si Isha. Kailangan na niyang magmadali. Sa wakes ay nakakita na din siya ng taxi at nagpahatid agad siya sa airport. Mga ilang oras pa ay nandun na sila sa airport nagmadali siyang bumaba at nagdasal n asana ay hinde pa nakakaalis si Isha. Ngunit ng nagtanong siya sa reception ng airport ay nakaalis na daw ang eroplanong biyahe ng Switzerland . Bigla siyang nanlumo at parang nawalan na ng pag-asa. Bakit kasi ang tangnga niya at sa ikalawang pagkakataon ay napakawalan nanaman niya ang babaeng pinakmamahal niya. Ang bobo niya talaga feeling niya ay siya na ang pinakamalas na lalake sa buong mundo. Lumabas na siya ng airport na nanlulupaypay mukha na siyang binagsakan ng mundo. Ngayon niya talaga naisip na sinumpa na ata siya pagdating sa pag-ibig dahil sa ikalawang pagkakataon ay nawala nanaman ang pinakamamahal niyang babae.
No comments:
Post a Comment