Ilang days na rin ang nakakalipas ng makilala ko si Natalie. Well unlike any other girls ang sarap niyang kasama wala siyang arte sa katawan and to begin with siya yung taong kahit wala kayong gawin at magtitigan lang buong maghapon ay masarap kasama. I don't know but ibang iba siya kay Bianca. Well Bianca is my first love pero iba talaga eh. Mahal ko na ba si Natalie o infatuation lang to? Ayoko naman kasi na manligaw ako sa kaniya tapos sa bandang huli marerealize ko na hinde ko naman pala talaga siya gusto? Ewan ko ba basta masaya ako sobrang saya pagkasama siya pagwala naman siya I miss her. Bakit ganoon?
Chase: Oh, pare kamusta naman parang hinde na kita nakikita sa campus ha.
Jules: Grabe naman to. Hinde ka lang kasi tumitingin pakala-kalat lang ako diyan eh. Oh, bat ang lungkot mo naman Drew?
Chase: Nag-away sila ni Reina.
Jules: Wow! Seryoso ka na talaga kay Reina ha!
Drew: Oo naman mahal ko yun eh.
Jules: Oh, eh bakit hinde mo suyuin.
Chase: Torpe eh!
Drew: Hinde ako torpe nagiisip lang ako ng magandang approach.
Jules: Haranahin mo! Baka effective.
Chase: Maiba ako kamusta ka naman Jules at si.. si Natalie?
Jules: Okie lang were friends.
Chase: Friends? Parang may laman iyang pagkakasabi mo ha I think inlove ka sa kaniya.
Jules: Hinde ko alam pare eh ayaw ko magpadalosdalos sa damdamin ko.
Chase: Pero sa tinggin ko talaga inlove ka sa kaniya.
Jules: Halata ba?>
Chase: Yep. Look sino ba tinetext mo ngayon diba siya? Puntahan mo na kasi
Jules: Sige na nga.
Hinde ko alam pero gusto ko siyang surpresahin. Susunduin ko siya ngayon and siguro aayain na ding maglakwatsa. Medyo malayo ang biyahe pero okay lang. Kaya naman nagdala na din ako ng bulaklak. Paghinto ko sa FEU nakita ko na siya sa may labas na may kausap na lalake. Hinde ko alam pero parang biglang nagselos ako. Alam ko wala akong karapatan pero yun ang nafefeel ko eh. Laking tuwa ko na umalis na yung lalake na kausap niya.
Jules: Natalie!
Natalie: Oh, Jules! Anong ginagawa mo dito?
Jules: Um... wala lang gusto lang kitang sunduin. Nga pala para sayo.
Natalie: Uy, salamat! Kaso hinde pa ata ako makakauwi. Dadaan pa akong simbahan eh.
Jules: Okay lang samahan na kita. Tapos kung okie lang sayo punta tayong park. May gusto kasi akong sabihin sayo eh.
Natalie: Sige!
Jules: Ahh..may tanong lang ako sino nga pala yung lalake mong kausap kanina?
Natalie: Ah, si Dex kaklase ko yun.
Jules: Nanliligaw ba siya sayo?
Natalie: Huh? Paano mo nalaman?
Jules: Wala lang nasense ko lang..pero gusto mo siya?
Natalie: Sa totoo lang hinde eh. Sinabi ko naman na sa kaniya pero ayaan patuloy pa din siya. Teka bat mo naman tinanong?
Jules: Wala lang! Sige halika na pakasal na tayo sa simbahan... ay este magdasal na tayo sa simbahan.
No comments:
Post a Comment