Chapter Ten
Nakalipas na ang ilang araw ngunit wala pa rin siyang balita kung nasaaang lupalok na si Rio. Ilang beses na niyang kinukulit si Irene para lang malaman kung mgay updates na ito sa wareabouts nung hitad nay un. Naiinip na siya at naiiinis. Mukhang pinagtataguan pa siya nito. Ngunit kahit ganoon ay hinde pa rin niya maiwasan ang mag-alala sapagkat mamaya ay kung anon a ang nangyare ditto. Sana naman ay ligtas ang hitad nay un. Dahil pag nagkita ulit sila ay sisiguraduhin niyang masasabi niya ang lahat ng nararamdaman niya para ditto. Habang wala pa ito at hinde bumabalik ay magpapakasenti muna siya.
“Hoy! Ano ka ba Misha Andrea Andrade Madrid. Ang ganda ganda ng araw ng kasal ko tapos ganyan ang itsura mo. Sigurado ka ban a kasal ang aattenan mo at hinde burol ng kung sino?” pagmamaktol ng kaibigan niyang si Nikki. Araw na ng kasal nito at excited na excited ito samantalang siya hayun nasa outerspace ang utak at iba ang iniisip.
“Psensiya naman diba! Wow! Di ko napansin bagay pala sa iyo itong gown sure ako na masusurprise niyan si Mark.” Bati niya sa kaibigan na halata namang ikinatuwa nito.
“Salamat best! Sayang wala si Marga. Pero okay lang naman atleast andyan ka. Don’t worry girl. Magkikita din kayo ni Rio at ikaw na ang susunod na ikakasal.”pakonswelo nito sa kaniya sabay niyakap siya ng napakahigpit.
“Best wishes girl. Hayaan mo kapag inaway ka ni Mark ako gugulpi diyan! Hahahaha at nagtawanan silang dalawa.” Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan nila at nakita nilang pumasok si Allyson kasama nito ang model na si Horace na mukha nanamang galit sa mundo.
“Hoy! Kayong dalawa ano ba? Mag-aaway na lang ba kayo lagi. Ikaw Ace kasal ko oh. Ba’t ganyan ang itsura mo di maipinta?’ tanong ni Nikki habang nakapamewang at kinurot ang pisngi ni Horace.
“Kasi naman eh, ilang beses ko na siyang pinagsasabihan na wag kukuha ngmga stolen shots ko.” Inis na sabi ni Horace kay Nikki.
“Pinsan. Babayaran ka naman niyang alaga ko eh. Pabayaan muna. Tignan mo nga si Isha na ang pinagtriripan niya. Don’t worry hinde lang niya sayo yan ginagawa.” Sabay hawak sa balikat ni Horace na hinde pa din maipinta ang mukha.
“CLICK!” tunog na ikinagulat ni Isha. Wala siyang kamlay malay na habang hinde siya nakatinggin ay kinukuhaan ata siya ng litrato ni Allyson.
“Salamat sa Piktyur another collection ko nanaman ito para sa exhibit ko. Ngayon naman time a para magpiktyur ang bridesmaid at ang isang masungit na abay at ang ikakasal! Compress guys. 123/…Click! Nice shot.Lalabas muna ako baka may Makita pa akong ibang pwedeng piktyuran nga pala labas ka na din boss magsisimula na!”
Ilang minuto lang ay nagsimula na ang kasal. The wedding was a garden wedding theme ata talagang napakapayapa ng araw ngayon. Marami ang ibetado mula sa mga kaibigan ng pamilya nila hanggang sa mga designers na tumulong sa kanila. Habang pinagmamasadan niya ang dalawa ay kinikilig siya at naiingit sana siya din. Kung bakit naman kasi wala pa si Rio eh! The moment of truth na sinabi na ng pari na you may kiss the bride at ayon.. Hagisan na ng bulaklak at wala siyang balak na makisali kaya hinde siya masyadong lumapit sa mga makikisali sa agawan ngunit sa kaniya pa din bumagsak ang mga bulaklak na talagang ikinagulat niya. Kaya naman ay pinagtinginan siya ng mga tao at nagpalakpakan sila at may ilang nagsasabi na susunod na siya na kinaiinis naman niya sapagkat hinde naman niya sigurado kung darating din siya sa stage nay an.
“Bakit naman kasi ang tagal mo Rio may iba ka nab a?” tanong na nasa kaniyang isipan. Lumayo siya sa maraming tao at pumunta sa may mini bar ng reception. Sa bahay nina Mark sa Laguna ginanap ang reception ng kasal. Maganda ang ambiance ng bahay nito kaya ang gaan ng pakiramdam niya ngunit mas lalo naman niyang naiisip si Rio sa mga oras nay un.
“Ms. Isha smile!”nagulat siya sa tunog ng kamera at ng boses na tumawag sa kaniya. Iyon pala ay si Allyson lang ito.
“Ang lalim ata ng iniisip mo?” tanong nito habang inaayos ang lens ng kamera niya.
“Wala lang, ang sarap lang kasing mag-isip kapag ganito kaganda ang lugar.”pagdadahilan niya upang hinde mapansin nito na nalulungkot siya.
“Nga pala! Yung photoshoot natin sa Sabado wag mo kakalimutan ha.”masiglang pagpapaalala nito.
“Siyempre naman! Teka nga ano bang theme ng photoshoot?”tanong niya.
“Ako nang bahala dun ko na lang sasabihin sayo pag nasa Tagaytay na tayo. Nga pala kung may hinihintay ka huwag kang mag-alala. Darating din yun, babalik yung hinihintay mo. Sige bye! Una na ako madami pa akong pipiktyuran.” Sabi ni Allyson bago tumalikod at bumalik sa mga panauhin nina Nikki.
Naguluhan si Isha sa mga sinabi ni Nikki. Paano kaya nito nalaman na may hinihintay siya. Ganoon ba kaobvious na may hinihintay siya o sinabi ni Nikki ang problema niya ditto. Dyahe naman oh. Nagmumukha tuloy siyang tangnga
Patuloy pa din niyang pinagmasdan ang mga taong nagsasaya sa kasal ng kaniyang kaibigan hanggang sa nagring ang kaniyang cell phone.
“Hello?”
“Hello Isha! I got news about Rio kaso…”
“Kaso ano?” kinakabahan na siya sa sasabihin ni Irene sapagkat baka may masamang nangyare kay Rio.
“Ayaw niya sabihin kung nasaan siya and baka matagalan pa daw siya. Sorry Isha ha! Ayaw niya kasi talaga sabihin eh.” Malungkot na sabi nito. Batid ni Isha na lahat na ng paraan para mahanap si Rio ay nagawa na ni Irene. Siguro ay wala na siyang magagawa kundi ang maghihintay na lang sa pagbabalik ni Rio.
“Ayos lang Irene. Sobra-sobrang pabor na ang ginawa mo para sa akin siguro talagang kailangan ko na lang maghintay.” Mahina at nalulungkot niyang sabi.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay naisipan niyang maghintay na lang kahit walang kasiguraduhan ang paghihintay niya. Natapos na ang party at nagsiuwian na lahat ng bisita at siya na lang ang huling bisita na naroroon.
“Nga pala Congratulations ulit sa inyong dalawa ha! Mark alagaan mo si Nikki kung hinde makakatikim ka sa akin.”pabirong pagbabanta niya.
“Huwag ka mag-alala Isha. Aalagaan ko yan.”tatawang sagot naman nito.
“Magkikita din kayo ni Rio.”pahabol pa nito.
“Oo nga! Teka nga saan ka na nga pala didiretso?” tanong ni Nikki sa kaniya.
“Sa rest house ko muna sigurong Tagaytay. Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin and besides dun din naman yung photoshoot naming ni Allyson.”sagot niya sa kaibigan.
“Mag-ingat ka ha! Wag ka mag-alala magkakaroon ka din ng happy ending. Ingat! Bye!” masayang pagpapaalam nito sa kaniya.
Ginantihan naman niya ito ng isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi. Matapos niyang magpaalam ay sumakay na din siya kay Becephalus at tuluyan ng umalis patungong Tagaytay. Duamting si Isha sa Tagaytay ng matiwasay at dumiretso agad siya sa kwarto niya. Pagod na pagod siya mula sa mahabang biyahe kaya wala siyang gustong gawin kundi ang matulog at magpahingnga at hilingin na magkita na sila ni Rio. Gusto pa niya sanang mag-ayos ng mga gamit niya ngunit masyado na siyang pagod para gawin iyon kaya unti-unti ng sumara ang kaniyang mga mata.
Hinde niya namalayan na nakatulog nap ala siya agad kagabi ng hinde man lang nakakapagpalit ng damit kaya naman pagkagising niya ay agad siyang naligo at naghanda ng makakain. Balak niyang mamasyal at magshopping sa Tagaytay bago sumapit ang sabado para sa kaniyang photoshoot. Nagmadali siyang kumain at maya-maya ay lumabas na siya ng kaniyang bahay at umalis na papunta kung saan.
Una niyang pinuntahan ang park sa Tagaytay dahil trip niyang magHorse back ridding ng mga oras na iyon. Gagawin niya yun upang kahit papaano ay hinde niya masyadong maisip si Rio at para hinde na din siya mastress mahirap na baka magkawringkles pa siya. Sa pangangabayo niya ay marami siyang iba’t-ibang nakikita sa paligid niya. Mga makukulay na paninda mga turista at lalo na mga magkasintahan na sweet na sweet na magkahawak ng kamay at dahil doon ay naisip nanaman niya si Rio.
“Nakakainis naman oh! Bakit ba ang daming magsyota ditto. Pwede bang ipaban muna ang magsyota sa park na ito. Nako naman.”sabi niya sa kaniyang sarili. Pinagpatuloy na lang niya ang kaniyang pangangabayo hanggang sa mapagod siya. Pagkatapos niya mangabayo ay pumunta naman siya sa iba’t-ibang mga tindahan upang bumili ng kahit anong matritripan niya. Habang namimili siya ay may isang pamilyar na lalake siyang nakatabi. Ito ang modelo na si Horace at gwapong-gwapo ito sa suot nitong plain white t-shirt at maong shorts.
“Hello! Ikaw si Horace diba?” tanong niya rito.
“Yes, and you are the friend of my boss right?” tanong nito sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay hinde niya ito nakakitaan ng kasungitan at isang ngiti ang sumisilay sa mukha nito. Good mood ata ito ngayon.
“Ah, oo nga pala anong ginagawa mo ditto?”tanong ni Isha.
“Work! May photoshoot ako dun sa makulit na babaeng iyon.” Nakangiti niyang pagsasabi sa kaniya. Sa napapansin ni Isha ay parang may ibang nararamdaman pa si Horace kay Allyson kaya nga lang ayaw niya ng manghimasok at baka mamaya ay siya pa ang kagalitan nito. Nagpaalam na si Horace sa kaniya at naiwan nanaman siyang walang kausap. Naglakadlakad ulit siya at saka niya natandaan na ditto pala sila ni Rio unang nagaminan ng feelings nila sa isa’t-isa. Marami silang memorable moments sa Tagaytay. Bakit pa kasi ditto ang venue ng photoshoot nila. Ang dami tuloy na pumapasok sa isipan niya na nagpapalungkot sa kaniya. Pinagpatuloy pa din niya ang paglalakad hanggang sa tumunog ang cell phone niya.”
“Hello? Isha? Andyan ka nab a sa Tagaytay?” tanong ni Allyson sa kabilang linya na mukhang excited na excited para bukas.
“Yup. Kahapon pa ako nandito inagahan ko na para makapgikot man lang ako before akong bumalik sa Switzerland.” Sagot niya kay Allyson habang naglalakad lakad.
“Babalik ka na ng Switzerland eh? Paano si kuya Ri…ano ay ewan. Sige bye”
Naguluhan siya kay Allyson sa mga oras na iyon parang nabanggit nito ang pangalan ni Rio ngunit imposible naman yatang mabanggit nito ang pangalan nung tuod nay un. Guni-guni lang niya siguro. Gutom lang siguro siya kaya kung anu-ano na lang ang naririnig niya. Humanap siya ng isang restaurant na makakainan at sakto naman na may nakita siyang isang sea food restaurant. Mabuti iyon pra sa kaniya dahil matagaltagal na din siyang hinde nakakakain sa isang sea food restaurant at sa palagay niya masarap ang mga pagkain sa restaurant na iyon. Pagpasok niya ay parang Japanese style ang restaurant sa loob. Agad siyang umupo sa pinakagilid na mesa ng may pumasok na isang hinde naman gaanong katandang babae na parang pamilyar sa kaniya. Ang katulong nina Rio sa Rancho nila si Manang Ising. Gusto sana niya itong lapitan kaso naunahan na siya ng hiya kaya sinundan na lamang niya ito ng tingin na sakto namang dumaan sa harap niya kaya itinaas niya ang menu ng restaurant para hinde siya mapansin ng matanda. Sinundan niya ito ng tingngin hanggang sa Makita niyang nakikipagusap ito sa may ari ng restaurant at dahil nga sa malapit lang siya sa dalawa ay hinde niya sinasadyang marinig ang lahat ng usapan ng mga ito
“May malaking handaan bukas sa rancho magpropropose na si Sir Rio sa babaeng mahal niya. Kailangan daw na yung mga pagkain niyo ay nandoon na. Sige ito na ang listahan.”
Nagulat siya sa kaniyang narinig. Hinde niya inaasahan na ganoon anng maririnig niya. So bumalik nap ala si Rio sa kung saang lungga man siya nagtatago at magpropropose na sa babaeng pinakamamahal nito. Mukhang may pumalit nap ala sa puso ni Rio sa kaniya. Nalilito siya sa kaniyang nararamdaman sabi sa kaniya ni Irene siya lang ang minahal ni Rio pero bakit ganoon biglang magpropropose na ito sa ibang babae parang ang sakit naman sa puso. Siguro nga ay hinde sila para sa isa’t-isa hinde sila ang tinadhana, pero bakt ganoon ang sakit talaga eh. Nararamdaman na niya ang pagtulo ng mga luha niya na kaniya namanng pinipigilan. Siguro magsisilbi na din iyon na isang lesson para sa kaniya na kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao ay hinde pa ring maiiwasan na mawala ito once na hinde mo pinahalagahan. Nasayang lang ang pag-asa niyang magiging sila pa ulit, sana ay hinde na lang siya umasa. Naulit nanaman ang nangyare dati puro sana, puro regrets nanaman ang kaibahan nga lang sa pagkakataon na ito totoo na ang lahat hinde na set up ng kung sino. Pero meron talaga siyang isang pinakapinagsisisihan sa lahat. Pinagsisisihan niyang kahit sa huling pagkakataon ay hinde niya nasabing minahal niya ito. Hinde na lang siya umorder ng pagkain at dire-diretsong umalis sa restaurant at umuwi na lamang siya. Hinde niya gustong malungkot pero kahit anong gawin niya ay yun pa din ng yun ang nararamdaman niya. Hinihiling na lang sana niya na matapos na ang araw naa iyon at matapos na din ang photo shoot niya. Pagkatapos ng lahat ng mga dapat niyang gawin ay babalik na talaga siyang Switzerland at ng mapanatag na ang loob niya. Huwag lang sana niyang makikita si Rio.
“Ring..ring…ring..” malakas na tunog ng cellphone niya na nagpagising sa katawang lupa niya. Ayaw niya sanang pansinin sapagkat napuyat siya sa pagluluksa para sa kaniyang unang pag-ibig. Hinde niya mapigilang umiyak nung nakaraang gabi kaya naman heto siya ngayon mugto ang mata. Saka lang niyang naalala ng marinig ang tinig sa telepono na may photoshoot pala siya sa araw na iyon.
“Ms. Madrid asaan ka na? Hinihintay ka na namin.” Tanong ni Allyson sa kabilang linya.
“Ah….pasensiya na nakalimutan kong may photoshoot pala ako. Sige sandali lang ha. Hinde na lang ako masyadong mag-aayos. Pasensiya na talaga. Bibilisan ko na lang.”
inaantok niyang sabi kay Allyson.
“Oh, sige basta bilisan mo ha.”
Binaba na niya ang kaniyang cellphone at binalingan ang maliit na alarm clock sa gilid ng kaniyang study table at napatayo siya bigla ng makita ang oras na nandoon pasado alauna na ng hapon. Napakahaba nap ala ng tulog niya at talagang late na late na siya para sa kaniyang appointment na ayaw na ayaw niyang nangyayari. Bakit niya ba kasi iniyakan pa si Rio ayan tuloy at namumugto ang mga mata niya. Mukha siyang nakipagaway ng sapakn sa itsura niya. Kailangan niyang magayos ng maayos upang maging presentable naman kahit papaano.
Pagdating niya sa location ng pagkikitaan nila ay nakita niyang halos wala ng tao noon, baka iniwan na siya nina Allyson paano na yon? Maya-maya ay may tmawag sa kaniyang pangalan at ng lingunin niya ay si Allyson ito.
“Sa wakas! Dumating ka na din, ano ba ang nangyare?” nag-aalalang tanong nito.
“Nasobrahan kasi ako ng tulog. Pasensiya na talaga ha .Nasaan na nga pala sila?”
Pagatataka niya ng walang kahit sinong tao ang naghihintay sa kanila.
“Pinauna ko na sila para kahit papaano naman ay maisetup na nila ang theme. Nga pala magkakaroon ka ng partner. Halika na.” sabay hila sa kaniyang kamay papuntang sasakyan ni Isha. Si Isha naman ay nagpatanggay lang sa paghila nito at pumasok na din sa kaniyang sasakyan upang tumungo sa lugar na pupuntahan nila.
Habang tinuturo ni Allyson ang daan ay parang kinakabahan siya. Alam niya ang daanang tinatahak nila. Papunta iyon sa rancho nina Rio. Hinde siya maaring magamali. Habang patuloy ang pagpapatakbo niya ay tinanong niya si Allyson.
“Allyson saan ba tayo papunta?” mahinang tanong niya.
“Papunta tayo sa rancho ng pinsan ko doon natin gagawin ang photoshoot. Siguradong magugustuhan mo doon.” Tuwang-tuwang sabi nito.
Madali lang sabihin para rito na mag-eenjoy siya roon sapagkat hinde naman nito alam na marami siyang mga nagging magagandang alaala na naganap doon. Mga alaalang dapat ng ibaon sa limot. Pagtapak pa lamang niya sa lupa ng rancho ay agad na nangulit ang tadhana at lahat ng masasayang pangyayari na nais na niyang kalimutan ay nagsibalikan agad.
“What’s wrong Isha?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Allyson ng mapansin siyang hinde gumagalaw sa kinatatayuan niya.
“Mukhang namumutla ka pa yata, You look so ill. May sakit ka ba?” pagmamalasakit nito. Hinde siya nakasagot agad dahil hinde niya alam ang idadahilan ditto. Hinde naman niya pwedeng sabihin na sa lugar na ito una niyang naramdamang umibig at sa lugar na rin na ito magtatapos ang lahat.
“Mukhang napagod ka ata sa biyahe.” Isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig na kung hinde siya nakahawak sa pinto ng kotse ay baka natumba na siya. She was not ready to see the face of the guy that he loved the most for the past few years. Hinde niya alam ang dapat na ikilos niya basta ang alam niya hinde maganda ang pakiramdam niya at ayaw niyang makausap si Rio.
“Mabuti pa Ally magpahingnga muna kayo. I think Isha needs a rest. Bukas na lang kayo magshoot total mahaba pa naman ang araw.” Sa mga oras na iyon ay ang tangnging hiling niya ay bumilis na ang oras para makaalis na siya sa lugar na iyon at magsimula ng panibagong buhay sa Switzerland. Nawala ang lahat ng kaniyang iniisip ng maramdaman niya na umangat ang katawan niya sa lupa. Nagulat na lamang siya ng maramdaman niya na buhat buhat na pala siya ni Rio at magkadikit ang kanilang mga balat. Hinde niya matanggi at pumalag sa pagkakadikit nilang iyon sapagkat alam niya sa sarili niya na ang mga oras na iyon ang huling oras na magkakadikit o magkakasama sila. She was like a little girl day dreaming of something kaya hinde niya napansin na kinakausap nap ala siya ni Rio. Nagulat na lamang siya ng tinapiktapik nito ang pisngi niya.
“Babe anong nangyare sayo? Nakakainis ka naman. Bakit mo pianapabayaan ang sarili mo?” habang tinititigan siya ng parang may bahid ng pag-aalala.
“Wala ka na don. Malayo pa ba tayo sa guest room. Kailangan ko ng magpahingnga.” Malamig na sabi niya kay Rio.
“Bakit hanggang ngayon ganyan ka pa sa akin? Magpahingnga ka na nga.” At ibinaba na siya sa kaniyang kama. Hinde alam ni Isha kung nananaginip ba siya o hinde ang alam lang niya ang sarap sa pakiramdam. Ng mga oras na iyon kahit alam niyang mawawalan din iyon ng saysay.
Kinabukasan ang nagising siya ng mga alaseis ng umaga at napagdesisyunan niyang lumabas ng kaniyang kwarto at magpaikot-ikot sa labas upang lumanghap ng hangin ngunit bago niya gawin iyon ay magtutungo muna siya sa kusina upang uminom ng fresh milk. Pagbaba niya sa kusina ay laking gulat niya na Makita doon si Rio na nagaalmusal na at didiretso na lang sana siya sa labas ngunit napansin siya nito.
“Uy, babes morning! Halika sabay na tayo magbreakfast.” Nakangiting sabi nito habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape.
Tatanggi pa sana siya na sumabay ditto ngunit biglang nagngulit ang tiyan niya na nagpapahiwatig na wala na itong laman. Kaya naman mas pipiliin na lang niyang lunukin ang Pride niya kesa naman magutom siya. Walang sabi-sabi na umupo siya sa tabi ni Rio at kumain.
“Huwag mo nga akong tawagin na Babes nakakaasiwa kaya.”natural na sabi niya kay Rio habang nagpapalaman ng tinapay.
“Pakipot Effect ka pa.!” pang-aasar nito. Ngunit sanay na siya rito kaya naman hinde na lamang niya ito pinansin at tulo-tuloy na kumain.
“Dahan-dahan lang mabulunan ka diyan pansinin mo naman ako.”
“Wala akong pakealam! Hinde ako pumunta sa kusina para pansinin ka, pumunta ako ditto para kumain.” Pagtataray niya.
NGinitian lamang siya ni Rio ng panguyam na ngiti at saka sumubo ulit ng pagkain. Nagpatuloy silang kumain ng tahimik hanggang sa nagsalita si Rio.
“Ano nga pala ang ginagawa mo ditto sa rancho namin? Binabalikan mo siguro ako no?” kamapanteng sabi nito habnag inaamoy ang kape.
“I mean business here Mr. Gonzales. Pumuinta ko ditto hinde para magpaasar sayo kundi para kay Allyson, na pinsan mo naman pala.”
“Ang sungit mo naman! I love you.”seryosong sabi niya na ikinagulat naman ni Isha.
“Tigilan mo nga ako! Nawalan na ako ng gana na kumain. Diyan ka na.” ngunit bago pa man makaalis si Isha ay nahagip na ni Rio ang kaniyang braso at marahas siyang hinila at hinalikan sa mga labi na talagang ikinagulat niya. Sa sobrang gulat ay nasampal niya si Rio.
“How dare you to do that to me! Malapit ka nang ikasal and yet ganiyan pa din ang ikinikilos mo!” sabay alis.
Ngatataka si Rio sa mga sinabi ni Isha tungkol sa kasal. Hinde pa naman siya magpapakasal ha. Hinde pa naman siya nagpropropouse kay Isha ha. Anong sinasabi non na kasal?
Mabilis na tumakbo papalabas si Isha at dali-daling hinanap si Allyson.
“Oh? Bakit ka tumatakbo?” nagtatakang tanong ni Allyson sa kaniya.
“Hinde pa ba tayo magsisimula sa photoshoot?” agad-agad niyang tanong.
“Maya-maya pa inaayos pa naming ang set up. Siguro mga afer lunch. Magenjoy ka muna sa loob maaga pa naman eh.”
Matagal? Mag-enjoy paano naman kaya niya magagawa yun kung ang makakasama niya ay si Rio. Si Rio na malapit ng ikasal at ang Rio na humalik sa kaniya. Baka masiraan lamang siya ng bait.
Wala naman siyang ibang magagawa kung makakasama niya iyon,. Iiwasan na lamang niya ito. Sa bawat oras ay nilibang ni Isha ang sarili niya sa pagbabasa at panunuod ng TV sa sala ng mansion nina Rio. Buti na lamang at hinde nagpakita sa kaniya ng isang buong umaga na iyon. Papatayin na niya ang tv ng tinawag na siya ng kaniyang makeup artist upang maayusan na. Habang inaayusan siya ay hinde niya lubos maisip na ilang sandali na lang ay matatapos na ang lahat ng iyon at babalik na ulit siya sa Switzerl;and at kakalimutan na ng tuluyan si Rio.
Matapos siyang make-upan ay iniabot sa kaniya ang isang mini white casual dress.
Ilang sandali lang ay natapos na siyang ayusan at bihisan ay papunta na sila sa parte ng rancho na may lakeside.
Habang papunta sila doon na gamit ang isang karwahe ay manghang mangha si Isha sa kaniyang nakikita. Para kasing may ikakasal sa lugar na pupuntahan nila. It was like a fairytale setup. Pagbaba nila doon ay agad na bumungad si Rio at iniabot ang kamay sa kaniya.
“Anong kalokohan to Mr. Gonzales?” sabi niya habang tinabig ang kamay na inaabot sa kaniya ni Rio.
“Hinde to kalokohan babes. Tayo ang partner para sa shoot na to.” Nakangiting sabi nito habang sapo-sapo ang ulo.
“Isha sorry ha! Kasi nagkaproblema sa male model na dapat kapartner mo eh wala na akong ibang mahanap na replacement kaya pinsan ko na lang.” sabat ni Allyson habang inaayos ang kaniyang kamera.
Ano pa nga bang magagawa niya kundi ang gawin na lang ang trabaho niya sa mga oras na iyon. Ilang oras lang naman eh. Matatapos din ang lahat. Bahala na.
“Bahala na! Gawin na natin to para matapos na ang lahat. Teka ilang shots ba kailangan?” pormal niyang tanong habang inaayos ang kaniyang buhok.
“Mga 10 lang naman”.
Nagsimula na sila. Ang unang shoot ay sa may lakeside at kailangan siyang hawakan at isayaw ni Rio. Habang ginagawa nila iyon ay mabilis ang tibok ng kaniyang puso.
“Babes, kinakabahan ka yata?” pang-asar na tanong ni Rio.
“Shut up!” inis na sagot naman ni Isha. Maya-maya ay natapos na ang scene na yon ang sunod naman daw ay sa kanilang garden.
“Isha, lapit ka pa kay kuya Rio, dapat magmukha kayong sweet!”
“Sweet…Niloloko ba siya nito. Papaano siya magmumukhang sweet na kasama to eh. Malapit na nga itong ikasal tapos sweet pa ang gusto.
Pero wala naman din siyang magagawa kung di ang lumapit ditto. Ngunit kailangan niyang mag-ingat dahil malapit ng bumigay ang puso niya ditto.
Nagpatuloy ang pagkuha sa kanila ng litrato hanggang sa makarating na sila sa last venue ng shoot ang simbahan.
Pinagloloko na nga talaga yata siya ng tadhana kaya naman hinde na niya mapigilang malungkot sa mga oras na iyon. Maya-maya ay pinagpost na sila at laking gulat niya ng hapitin siya ni Rio at biglang hagkan sa mga labi.akiramdam niya ay huminto ang oras para sa kanilang . Hinde na niya kayang pigilan ang nararamdaman niya kaya naman nagpadala na lamang siya sa halik nito. Tutal huli na rin naman ito eh. Bakit hinde pa lubusin.
“Kuya Rio, Isha tapos na ang photoshoot!”
At naghiwalay na din sila ni Rio. Pagkatapos ng halik nay un ay hinde niya alam ang gagawin niya kaya tumakbo na lamang siya pabalik sa mansion at nagkulong sa kwarto. Hinde niya dapat ginawa ang bagay nay un. Lalo na at malapit ng ikasal si Rio sa iba. Bui na lang at tapos na ang photoshoot nay un at makakaalis na siya sa lugar na ito. Hinde na niya ipagpapabukas pa ang lahat kailangan na niyang makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon.
Kinagabihan ay nagpaalam na si Isha kay Allyson na aalis na.
“Hinde mo muna ba hihinatyin si kuya Rio?” tanong ni Allyson.
“Hinde na din allyson kaialangan ko na kasing umuwi agad. Sige bye.!”
Tuluyan na siyang umalis sa rancho at sa araw na iyon ay tuluyan na rin niyang kakalimutan ang lalakeng minahal niya. Goodbye memories… Goodbye…Rio…
“Kailangan mo ba talagang umalis ha Isha?” tanong ni Nikki habang tinutulungan siyang magbuhat ng kaniyang mga bagahe.
“Para na din to sa ikabubuti ko. Para makalimutan ko na ng tuluyan si Rio.” Nakangiti niyang sagot. Ilang araw na rin ang nakakalipas ng umalis siya sa rancho nina Rio. Umalis siya doon ng hinde man lang nagpapaalam kay Rio.
“Basta mag-ingat ka dun ha! Makakahanap ka din ng hihigit pa kay Rio.” Nag-aalalang sabi ng kaniyang kaibigan.
“Oo naman Nikki!”
Habang nag-uusap sila ay bigla nilang narinig ang announcement sa airport na tinatawag ang pangalan niya.
“Miss Isha Madrid..Isha Madrid.. You left something in the lounge area….Please come here!”
Paulit-ulit ang page sa kaniya kaya naman pumunta na sila sa lounge area. Nang nasa lounge area na sila ay laking gulat niya ng Makita niya si Rio na may dalang mga bulaklak at mga stewardess na nakapalibot at may hawak na banner na nakasulat ay : I Love you Isha!
Hinde niya maintindihan ang nangyayare. Hanggang sa lapitan siya ni Rio.
“Ano to? Akala ko ba may naiwan akong something. Inaabala mo flight ko.” Garalgal na sabi niya.
“Meron ka ngang naiwan ako” seryosong sabi niya.
“Ano nanaman ang…..” ngunit bago pa siya makapagsalita ay hinalikan na siya ni Rio sa mga labi na ikinagulat naman niya.
“Please/….ako lang ang magsasalita. Mamaya ka na.”
Tango na lamang ang naisagot niya dahil sobra siyang nabigla.
“Hinde ko alam kung bakit pero..Ikaw lang talaga ang babaeng hinde ko malimot-limutan. Kinulam mo yata ako eh. But anyways Hinde mo alam kung gaano ako nangulila sayo simula ng iwan mo ako. Ako naguguluhan din ako sa sarili ko. Before I met you lokoloko ako madaming babae. I do have may girlfriends pero kahit isa ay wala akong sineryoso sa kanila until you came into my life. Everythings change. Parang hinde na ako ito. Nung nawala ka akala ko katapusan ko na! Pero inisip ko na lang na pagnakita uli kita ng hinde kita hinahanap ibig sabihin para tayo sa isa’t-isa and to my surprise nakita nga ulit kita at nawala ka ulit. Tapos ito ngayon nakita na ulit kita kaya hinde na kita papakawalan pa. Ipadeath penalty moman ako. Idemanda. Ipabugbog. Ibalik mo man ang Code ni Hammurabi o ipainbalsamo mo man ako. Hinde na talaga kita papakawalan. I love you Isha! With all my heart tagos-tagos hanggang sa ikalaliman ng universe!”
Hinde maipaliwanag ni Isha ang saying nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kaya imbis na magsalita ay hinalikan na lang niya ito sa mga labi.
“Nga pala yung inaakala mong ikakasal ako sa iba. Mali yun kasi yung babaeng papakasalan ko ay nasa harapan ko na pati pala yung photoshoot peke yun gusto lang kasi kitang makasama nun eh.”
“Nga pala I love you!”
Hinde na talaga mapigilan ni Isha ang saying nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Feeling niya ay sasabog na ang puso niya sa sobrang saya.
Sabi nga ng nakakatanda sa simbahan din ang tuloy ng dalawang pusong nagmamahalan kaya yun na nga ang drama ng dalawang tao na to. Kinasal din sila sa wakes and they live hapilly ever after.
No comments:
Post a Comment