Pages

Sunday, September 25, 2011

Fate Chapter 8: Aaminin ko na!

Palapit na ng palapit ang oras ng paghihintay. Magtatapat na ako. Malapit na kinakabahan naman ako.Please guide me oh Lord!

Natalie: So ano na ang susunod nating gagawin?
Jules: Laro tayo sa play ground swing or seesaw ?
Natalie: Nagiging mentally retarded ka ata ngayon.
Jules: Hinde ah, I just want you to know the real me na sa kabila ng yaman and everything  ay marunong din naman akong magrelax.
Natalie: Hinde naman kita crinicritisize eh. Don't worry.
Jules: Wala lang trip ko lang. Basta I want you to know the real Jules Saavedra.

Nakakatuwa si Jules. Hinde ko alam pero sana tama ANG KUTOB KO NA MAY GUSTO DIN SIYA sa akin!

Habang tumatagal ang oras ay mas lalo akong nagkakaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Natalie na may gusto ako sa kaniya. I don't know but I think it is the right time na.

Jules: Ummm.. Nat! Punta tayo dun sa may lake side I think oras na para sabihin sayo ang dapat sabihin.
Natalie: Alam mo kinakabahan ako sa gusto mong sabihin. Mamamatay ka na ba? Huling araw mo na? Ano?
Jules: Surprise doon ko na lang sasabihin.

Naglakad kami ng sabay at dahan dahan.... hawak niya ang kamay ko at bahagyang pinipisil ito. Ni hinde kami nagiimikan na dalawa at halata ko sa kaniya na kinakabahan siya. Pagdating namin sa may lakeside ng park ay nagpakawala si Jules ng malakas na hingga at hinarap na niya ako.

JUles: Ummm.. Natalie?
Natalie: Bakit ka ba nakaluhod diyan?
Jules: Natalie, alam mo ang dami kong gusto sabihin sayo. Hinde ko alam ang uunahin ko pero. Basta bahala na nga. Well before I saw you my world is a little mess well matagal na akong nagpaparamdam sa isa kong best friend but she turned me down that was when I get your notebook. Magiging honest na ako sayo ha. Binasa ko yung mga laman na yun and then parang naamaze ako sayo well it's because hinde ko akalain na may babae pang nagsusulat ng WISHLIST or anything pero basta iba it felt like matagal na kitang kilala nung makita pa lang kita. And ayun well I never believe in destiny or fate but nung mga biglaang pagkikita natin. Medyo naniwala na ako. Dati para sa akin Love is your choice ngayon hinde na Love is a choice, destiny and fate. To make the story short I loved you at Nat can you be my girlfriend. Kung hinde ka pa handa ...Hihintayin kita just say na may pag-asa ako.

Hinde ako nakapagsalita sa dami ng sinabi niya. Ang nagawa ko na lamang ay ang umiyak. Hinde ko inaasahan ang pagtatapat niyang yun kaya naman niyakap ko siya. I don't even care my signs anymore I just know na ang taong nasa harapan ko at nakaluhod ay ang taong mamahalin ko for eternity.

No comments:

Post a Comment