Moment of truth na buo na ang pasya ko. Handa ko ng aminin sa kaniya ang nararamdaman ko. Hinde na ako paaawat mamaya mahuli nanaman at mabasted ako katulad kay Bianca. Okay lang kung sasabihin niyang hinde pa siya handa basta handa akong maghintay.
Jules: Matanong ko lang ha? bakit ba tayo pumunta ng simbahan hinde naman Sunday ngayon?
Natalie: Hinde naman kailangan o required na tuwing Sunday lang dapat pumunta ng simbahan ha. Kung may time nga lang ako eh araw-araw akong pupunta dito at araw-araw na magdarasal.
Jules: Hinde ko alam na religious ka pala?
Natalie: Hinde naman masyado basta para sa akin kapag may blessings kailangan agad ipagpasalamat.
Jules: So ano ngayon ang pinagprapray mo.
Natalie: Signs para masigurado ko na siya na nga ang soulmate ko.
Jules: Pwede ko bang malaman kung sino yang lalake na yan?
Natalie: Secret. Basta malalaman mo din yan sa right time.
Jules: Okie.
Natalie: Ikaw? Ano ba ang pinagprapray mo.
Jules: Basta. Sa amin na lang ni Lord yun.
Kung alam mo lang Jules, ikaw ang pinagprapray ko sana ikaw na talaga!
Kung alam mo lang Natalie, sana sagutin mo ako. Sana ako na lang yung soulmate na tinutukoy mo. Sana...ayaw ko mawala ka sa akin.
Natalie: Oh, halika na. Diba may gusto ka sabihin sa akin?
Jules: Ah, oo sige halika na ay teka hintayin mo muna ako sa labas may bibilhin lang ako.
Natalie: Sige, basta bilisan mo lang ha.
Laking gulat ko na pagbalik ni Jules ay may hawak siyang mga ballons. Well that is my 4th sign na not to mention nasa harap pa kami ng simbahan.
Natalie: Ano yan?
Jules: Balloons for you.
Natalie: Eh, bakit balloons mukha ba akong baby.
Jules: Balloons, hinde lang naman pang bata ang balloons ah. Para naman maiba lagi na lang kasi kita binibigyan ng fl;owers eh. So balloons naman.
Natalie: Nakakahiya namang maglakad na may hawak na balloons.
Jules: Yan lang ba ang problema mo? Eh di bibili pa ako ng isa para dalawa na tayong nakakahiya! You'll never know masarap din mapahiya paminsan minsan.
Natalie: You know what? Ang weird mo pero sasakyan ko na lang din ang trip mo ha.
Jules: Wala naman yan sa kung anong hawak natin eh. Basta ang importante right now ay magkasama tayo diba?
Nabigla ako ng hinawakan ni Jules ang mga kamay ko sabay hinila ako at tumakbo kami. Ang bilis ng kabog ng puso ko parang ang daming kabayo na nagsisitakbuhan. Hinde ako makapaniwala na Naghoholding hands kami ngayon at kung titignan ng ibang tao ay mukhang may relasyon kaming dalawa. Ang sarap ng moment na to. Bakit ganito every moment with Jules is a memorable moment.
Nilakasan ko na ang loob ko na hawakan ang kamay niya at hilain siya. Kahit papaano kinikilig din ako hinde ko lang pinapahalata kaya nakangiti na lang ako. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero ewan ang sarap lang ng feeling para kaming mga nasa movie. Siyempre ako ang leading man siya naman ang leading woman. Ako ang prnce siya ang princess. Mamaya na ang big moment. Aamin na ako!
Natalie: Jules! Jules! Sabihin mo nga sa akin kung bakit tayo tumatakbo?
Jules: Feel ko lang malapit naman na dito ang park eh. Ang sarap kaya ng feeling.
Natalie: Sandali ang sakit ng paa ko. Ipapaalala ko lang sayo ha nakahigh heels kaya ako.
Jules: Ay oo nga pala! Teka alam ko na. Bubuhatin na lang kita para romantic.
Bago pa ako makatanggi sa kalokohan ni Jules ay nabuhat na niya ako huli na ang lahat. Nakakahiya man tignan pero sweet pa din. Ewan ko pero I find it very romantic. Bahala na mapahiya basta kasama si Jules.
Jules: Andito na tayo
Natalie: Ibaba mo na kaya ako. Kaya ko na maglakad. Ano ba ang ginagawa natin dito.
Jules: Basta mamaya ko na lang sasabihin. Kain muna tayo nagutom ako sa pinaggagawa ko eh.
Natalie: Hahahahahahhaah...Buti naman at nagutom ka din.
Jules : Halika I feel like gusto ko ng barbeque.
Natalie: Sigurado ka?
Jules: Oh, bakit naman>?
Natalie: Akala ko kasi hinde ka kumakain ng street foods kasi mayaman ka.
Jules: Grabe ka naman! Kumakain din naman ako ha! Ang sarap kaya lalo na yung betamax at isaw.
Natalie: Naaamaze talaga ako sayo.
Jules: Marami ka pang hinde alam tungkol kay Jules Saavedra but soon enough malalaman mo na ang gusto mo malaman. Soon enough but in the mean time. Kain muna tayo gutom na ako pero wag tayo magpakabusog.
Natalie: Hahahahahahah.. sige na nga!
No comments:
Post a Comment