Pages

Saturday, September 24, 2011

Fate Chapter 6:Red na payong at red na shirt

Sabado ngayon malamang kung highschool pa ako ay walang pasok pero college na ako eh. Nakakainis naman. Ayaw ko pumasok ngayon. Tinatamad ako. Magmamakeup classes na lang ako sa susunod. Hinde naman kawalan yun eh. Basta gusto ko lang magpahinga at maglakwatsa. Nako Jules Saavedra, ang tamad mo talaga! Nalilito ako kung gusto ko pumasok o hinde. Pero buo na pasya ko hinde ako papasok.

Ilang oras na ang lumipas at pasado 12pm na ng hapon at ayun. Nakahiga pa din ako magiisip kung saan ako maglalakwatsa ng mag-isa? Alam ko na sa eastwood na lang. Naghanda na ko sa paglalakwatsa ko mag-isa. Minsan kasi masarap maglakwatsa lalo na kapag mag-isa ka lang.

Ang sarap ng tulog ko pero kailangan pumasok. Nasaan na ba yung bible ko. Kailangan ko munang magbasa ng kahit anong verse at magtuloy-tuloy ang magandang araw ko. Feeling ko kasi kapag hinde ako nakakabasa kahit iusang verse lang sa buong araw ang pangit  na ng pakiramdam ko.

Bessie: Nat! Kamusta?
Natalie: Ayun ang saya natupad ni Jules yung isa kong sign!

Bessie: We di nga>? Ang taray ha!
Natalie: Ang galing nga eh.
Bessie: Teka sure ka ba na wala kang pinagsabihan na kahit na sino niyang mga wish wish mo na yan?
Natalie: Well ginawa ko kasi tong mga wish na to nung kinder pa ata ako. Kung meron man siguro akong napagsabihan eh. Malamang nakalimutan na niya yun.
Bessie: Ang taray mo ha! Kinder ka pa lang kung anu-ano na ang pinagiisip mo.
Natalie: Eh! Basta. Pumasok na nga tayo. Mamaya magalit pa prof natin.
Bessie: Oo na!

Hinde talaga ako nagkakamali eh. Ang sarap maglakwatsa minsan ng mag-isa. Nakakarelax! Saan kaya ako susunod na pupunta? Sine! Oo nga bakit hinde ako manuod ng sine ay teka wala namang magandang palabas? Alam ko na sa National Bookstore na lang .

Habang naglalakadlakad ako sa mall ay nabangga ako ng isang babae na may hawak na coke float! Nabasa yung white tshirt ko. Kadiri na tignan buti na lang at may extra shirt akong dala. Saka may biglang pumasok sa isip ko kung bakit red na tshirt ang dala ko. HInde malinaw sa alaala ko pero may nagsabi sa akin nung bata ako na gusto niya makakita ng lalakeng naka red na tshirt kapag lumaki na siya. Weird nanaman kasi hinde ko matandaan kung nangyare ba talaga yun oh. Imagination ko lang kasi gutom na ako. Bago nga ako pumunta sa National bookstore kakain nga muna ako.

After kung kumain ayon didiretso na talaga ako sa National Bookstore at titingin ng mga libro.

Natapos din ang boring na klase namin at kailangan kung pumunta sa mall para bilhin ang librong kailangan.
Bessie: Sorry Nat! ha hinde kita masasamahan ngayon may remedial classes pa ako eh.
Natalie: Sige okay lang basta kapag maaga kang natapos sumunod ka sa akin ha.
Bessie: Sure, text na lang kita kung makakasunod pa ako.

Mag-isa nanaman akong maglalakwatsa ano ba yan? Sayang naman. Saan kaya ako pupunta sa East wood lang naman ang pinakamalapit dito eh. Doon na nga langs.

Jules: Ang ganda ng libro na to ah! Mabili nga.
Natutuwa ako may bago nanaman akong libro. Para naman akong bata. Gusto ko pang magikot at ayun mabilis akong naglakad ng naglakad at nang may nakita akong isang pamilyar na mukha na tumitingin tingin din ng libro at nilapitan ko siya. Si Natalie! Bakit ba lagi na lang kami nagkikita? Ito na ba yung tinatawag na destiny? Kaso ayaw ko naman maniwala doon. Coincidence lang siguro.

Ring...ring..ring...
Natalie: Oh, Jules bat napatawag ka?
Jules: Wala lang gusto lang kita makausap.
Natalie: Adik! Bakit nga?
Jules: Feeling ko kasi medyo magaling akong manghula ngayong araw eh. Gusto mo hulaan kita?
Natalie: Hhaahahahhahaha...hinde ko alam kung ano ang trip mo ngayon pero sige nga.
Jules: Huhulaan ko naka skinny jeans ka na black and naka chekered polo na red and may white na sando or tshirt sa loob?
Natalie: Nice! Paano mo nalaman?
Jules: Secret! Gusto mo hulaan ko pa.
Natalie:Sige nga?
Jules: Hmmm..nasa east wood mall ka ngayon and right  now nasa National Bookstore standing in the Science section?
Natal;ie: Wow! Paano mo nalaman lahat yan?
Jules: Sabi ko sayo marunong akong manghula eh.
Natalie: Wee? Paano nga Jules.
Jules: Secret! By
Natalie: Hoy!

Adik tong si Jules! Binabaan agad ako ng telepono. Nako lagot ka sa akin kapag nakita kita.

Nagulat ako bigla ng may biglang tumakip na mga palad sa mata ko.
Natalie: Bessie? Ikaw ba yan? Bakit lumaki ata yung mga kamay mo?
Jules: Nope! Hulaan mo?
Natalie: Hmmmm...teka? Jules?
Jules: Yup!

Pagkatalikod ko ay nakita ko si Jules na nakangiti nanaman ang gwapo niyang mukha at naka......nakared na tshirt?

Natalie: Huwag mong sabihin na favorite mo din ang red tshirt?
Jules: Hinde ah! Ntapounan kasi kanina yung white shirt ko kaya ayon. Buti na lang at may dala akong reserba. Teka ano nga pala ginagawa mo dito?
Natalie: Kailangan ko kasi bumili ng libro para sa isang subject namin. Kaya yun andito ako. Eh ikaw?
Jules: Wala naglalakwatsa lang. May pupuntahan ka pa ba pagtapos nito?
Natalie: Wala naman!
Jules: Samahan mo na lang muna ako!
Natalie: Sige ba!

Oh, my gosh! 2nd sign red tshirt! Hala ano ba! Natupad  nanaman niya yung sign. Bakit ba ganoon>? Does it mean na siya na talaga?

Natalie: Teka nga saan naman tayo pupunta?
Jules: Nuod tayo sine! Treat ko naman wag ka mag-alala.
Natalie: Ikaw bahala!

Ano ba to date na ba to? Ano ka ba Nat! Wag ka nga friendly date lang to! Don't worry.
Nang nasa loob na kami ng sine ay napili namin panuudin ang A WALK TO REMEMBER! WeLL hinde ako ang pumili pero siya. But I really want to watch that movie kaya naman sige go lang ako.
Habang nanunuod ay hinde ko maiwasan na tumingin sa kaniya lalo na sa scene na hinalikan ni Landon si Jamie sa play. Gosh kinikilig ako kaso nung bandang huli hinde ko mapigilan na umiyak. Wala na akong pakialam sa itsura ko basta umiiyak na lang ako.

Jules: Hahahahaha...hoi! BA'T KA UMIIYAK?
Natalie: Hinde mo ba napansin? namatay si Jamie oh! nakakaiyak kaya.
Jules: Hahahahha..ang sensitive mo naman!
Natalie: Sasasapakin kita eh.
Jules: Oh ito panyo. Ang pangiut mo na tignan eh. 
Natalie: Wala akong pakialam!

Nagulat ako sa ginawa ni Jules dahil bigla niya akong niyakap. Bogsh kumakabog ang puso ko ang lakas sana hinde niya marinig.

Jules: Tama na ! Nat! wag ka na umiyak papanget ka na niyan eh. Smile na.
 Natalie: Oo na! Nadala lang talaga ako eh.
Jules: Libre na lang kita ice cream. Kain tayo.
Natalie: Ginagawa mo naman akong bata!
Jules: Sige na try mo you will feel better.
Natalie: Sige na nga.

Nagulat talaga ako sa ginawa niya ha! I never expect na yayakapin ako ni Jules! Kinabahan na ako doon ha. Sayang at kailangan nanaman matapos ng araw na to.

Jules: I didn't know na cry baby ka pala!
Natalie: Cry baby ka diyan.
Jules: Joke lang! Halika na nga uwi na tayo!
Natalie: Sige!
Jules: Hatid na kita sa inyo.

Paglabas namin sa mall ay bigla naman bumuhos ang ulan at hinde pala dala ni Jules ang sasakyan niya at pareho pa kami walang payong.
Jules: Halika bili tayo ng payong ayun oh.

Nagwiwish na sana ako na ang dadamputing payong ni Jules ay yung color red. Kaso dinampot niya yung Blue at nagbayad na. Sayang yung 3rd sign. Pagkabukas niya ng payong ay sira pala ito kaya naman bumalik ulit siya dun sa bilihan At pinalitan yung payong na binili niya ng red. Bingo! my third sign! RED UMBRELLA!

Jules: Sayang yung blue na payong ang ganda pa naman. Mamaya kidlatan ako nito eh. PULA na nga tshirt ko pula pa payong ko.
Natalie: Okie lang naman ang Pula ah! Ang ganda nga eh. Mukha ka lang bakla! Bakla!
Jules: Bakla ka diyan! Bakla pala ah! 

At ayon binitawan ni Jules ang hawak niyang payong at kiniliti niya ako. Para kaming mga bata na naglalaro sa ulan. Naghabulan kami ng naghabula and that was the craziest thing na nagawa ko kasama agn isang lalake well it is fun. Ang sarap ng pakiramdam yun nga lang basa kami.

Pero atleast that was fun! Natupad na niya ang 3 signs 2 more at masasabi ko ng siya na ang soulmate ko. Kaso mukha naman ako lang ang may gusto sa kaniya eh? Sana may gusto din siya sa akin.                          

 

 

  




 

No comments:

Post a Comment