Pages

Wednesday, August 31, 2011

Chapter 7 Isha: The Gorgeous car racer


Chapter Seven
7 years later…
“Welcome home! Isha, honey.” Sabay bigay nang mahigpit na yakap ng kaniyang mommy.
“I miss you mom! Kamusta nasaan si Papa?”
“Ayun oh!”
“Dad! I miss you. Kamusta ang kompanya?”
“Okay lang naman iha! Actually hinihintay ka na ng mga empliyado ko at naghihintay na ang office mo. Namiss ka nila anak.”
“Dad, nagwowork pa din naman ako kahit nasa ibang bansa ako ah! Remember I gave up car racing for our company. Well. Gusto ko na agad magtrabaho.”
“Honey wag muna gusto muna kitang makasama. Please!”
“Makakapaghintay pa naman ang project na pinagtratrabahuan mo. Sige na pagbigyan mo muna ang mama mo.”
“Thanks Dad! Halika mom! Saan mo gusto shopping tayo namiss ko din magshopping ditto sa Philippines ha.”
“Halika na nga!”

Sa wakas nakauwi na ulit siya sa Philippines. Ang tagal din niyang nagtagal sa Switzerland para mag-aral and the same time magtrain sa branch ng kompaniya nila doon at ngayon she is staying for good. Marami na ding nangyare sa buhay niya simula ng umalis siya sa SMU para magmove on at kung hinde dahil dun sa pagmomove on niya ay hinde niya matututunang maging independent thanks to that guy at natuto siya kahit papaano. Kamusta na kaya ang lalakeng iyon. Kamusta na kaya ang lalakeng hitad nay un… Teka nga bakit nga ba niya inaaalala ang ganung lalake?
‘Gosh Isha! Cut that out.”
“Honey? May sinasabi ka ba?”
“W..WAla mommy.”
“Anyways kamusta nap ala si James?”
“Okay lang  mommy! Umm.. tinatapos lang niya yung workniya dun and susunod siya sa dito.”
“Bakit ba hinde na lang kayo magpakasal ang tagal niyo na din ah.”
“Mom, wala pa sa isip ko ang kasalan. Darating din kami diyan mom.”
“Sabagay! Anyways gusto ka Makita nina Nikki and Marga. They really miss you a lot.”
“I know it mom kaya nga pagkatapos ko magshopping pupuntahan ko sila sa trabaho nila.”
“Wait what time is it nab a?”
1:00 PM Why mom?”
“Shocks! May meeting pala ako with Dr. Mira paguusapan naming yung sa mga bago niyang beauty products.”
“Go on mom! Pupuntahan ko na lang sina Marga and Nikki!”
Ang sarap pala talagang makabalik sa bansa. Parang ang daming nagbago ah! Isa lang naman ang hinde pa nagbabago eh. Ang hatred niya sa lalaking nangloko sa kaniya. Anyways sana hinde na niya Makita ang lalakeng iyon. Ngayon naman pupuntahan na niya sina Nikki at Marga. Her two bestfriends.
“Nikki!”
“Isha? Is that you>? Gosh! I miss you so much.”
Isa nang editor ang babaeng ito sa isang sikat na sikat na magazine.
“It has been ages! Ang ganda mo pa rin ah! How are you?”
“Siyempre naman ako pa! Maganda na ako matagal na. Okay lang naman ito engage na.”
“Engage? Kay James? Paano na si Rio. Diba siya pa din yung..” bago pa maituloy ni Nikki ang sasabihin niya ay tinakpan na agad ni Isha ang bibig niya.
“James is a good guy and I.. I love him.”
“Sigurado ka nab a?”
“ Oo naman.”
“Ewan ko sayo! Girl pero sa totoo lang huwag mo nang saktan ang sarili mo. Si Rio pa rin naman ang mahal mo ngayon? Right?”
Rio? Sinong Rio. Nako huwag na nga nating pagusapan iyan. Nasaan ba si Marga?”
“Ayun nasa around the world trip kasama nung boyfriend niya. Ako na lang naman walang lovelife sa inyo eh.”
“Anong walang lovelife nililigawan ka nga ni Mark eh.”
“Alin yung babaerong yun. Nako wag na lang.”
“Ito naman mukha namang seryoso sayo yung tao eh.”
“Mukha lang tama na nga. Libre mo kong Starbucks kadarating mo lang eh.”
“Sige ba!”

Lumabas na nga silang dalawa para magkape walang humpay na kwentuhan ang pinaggagagawa nila. Pero isa lang ang nasa isip ngayon ni Isha. Paano kaya kung tama ang sinabi ni Nikki na mahal pa din niya si Rio sa kabila ng kataksilan nito.

Lumipas na ang pitong taon at ayon back to wrong doing nanaman si Rio. Babaero nanaman siya. Bakit nga naman niya sasayangin ang buhay niya sa iisang babae lamang na iniwan lang siya. Pero kahit ganun mahal pa din niya si Isha. Badtrip naman kasing tadhana eh. Siya pa ang napagtripan. Pero pagnakita niya talaga si Isha ulit. Hinde na niya papakawalan ang pagkakataon nay un. Ibabalik niya ang dapat na realasyon nila.
“Boss, umm.. Andrade company wants to have an appointment with our company para daw mapagusapan ang project na pinepresent nila sa project ng dalawang kompanya.”
“Sure Kelan daw?”
“Maybe mga by Tomorrow 2pm.”
“Check mo sched ko. Meron bang ibang appointment bukas.”
“Wala sir bali free ang araw mo bukas.”
“Sige payag ako. Gusto ko sa 9 waves ang meeting.”
“Sige sir tatawagan ko sila para ipaalam.”
Hay.. wala naman siyang gagawin kundi ang magtrabaho ng magtrabaho. Okay lang naman gwapo pa rin naman siya eh. Ayos lang at mukhang okay ang magiging kausap niya bukas babae. Sana maganda para masaya at magamit naman niya ang kamachohan at kagwapuhan niya. Ayos din yung venue namin sarap magrelaax at madaming babae.
“Hey! Kamusta ang businessman?” tanong ni Irene na bagong pasok sa opisina niya.
“Ito loveless pa din mula ng sinira mo ang maganda kong lovelife.” Pabirong sabi ni Rio.
“Ito naman! Past is Trash na nga diba? Sorry na sa mga ginawa ko kasi naman eh that time I’m so young and so naïve pa at nagayuma mo ako ng kagwapuhan mo.” Patawa niyang sabi habang inaayos ang mga papeles sa lamesa ni Rio.
“I know right! Anyways buti ka pa maayos ang pagsasama niyo ni Ian buti kayo nagkabalikan. Kawawa naman ako.”
“Tama na nga naguguilty ako sa mga pinagsasasabi mo eh. Parang ang sama-sama ko tuloy na tao.”
“Hinde ba? Joke lang.”
“Ikaw talaga boss kasalanan mo din naman diba hinde mo kasi siya sinundan. Duwag ka Mr. President.”
“Hinde ah! Bahala na ang destiny at faith sa amin. Tignan mo pag nakita ko ulit yun ibig sabihin kami talaga.”
“ Oo na Mr. Destiny/ Faith..pero bago mo intindihin iyan intindihin mo muna ang partnership mo with Andrade company.”
“Yes, miss project manager! Hinde ka ba sasama bukas?”
“Nope, leave ko bukas at may date kami ni Ian ko.”
“Wag ka na nga mangingit!”
“Naiingit ka pala . Hinde halata GMM ka diba? Tsaka Flirt ka din Boss imposible namang maubusan ka ng girlfriends.”
“Oo na..Oo na! Ikaw na Ikaw na inlababo. Ikaw na may lovelife.”
“Hmmmm..wag bitter mamaya ikamatay mo yan. Sige na boss gotta go may appointment pa ako sa asawa ko.”
“Goodluck!” pahabol niya.
Buti pa si Irene masaya na sa buhay niya. Kung bakit naman kasi hinde niya matanggal sa puso niya si Isha. Kakainis naman madami namang nagkakagusto sa kaniya pero bakit si Isha pa din. Buhay nga naman oh parang life ay ewan. Basta ang alam niya Gwapo siya.

“Morning Ma’am” Bati  kay Isha habang naglalakad siya sa facility ng kompanya nila. Matagal tagal na din niyang inaasam na makapagtrabaho sa main branch ng kompanya ng Daddy niya. Hinde naman sa pagkukumpara pero mas masaya naman talagang pamahalaan ang sa mga kalahi mo kesa nung nasa Switzerland siya. Mababait naman din ang mga tao doon pero namiss lang talaga niya ang Philippines.
“Good morning din. Nasaan yung office ko?”
“Ma’am dun pos a banding dulo.”
“AH, salamat”
Naglakad na siya patungo sa kaniyang sariling kaharian/ opisina. Sino kaya ang magiging sekretarya niya. Sana naman makakasundo niya. Pagpasok niya ay nakita niya ang isang babae na kasingtangkad niya at kasing ganda na rin.
“Good Morning Ma’am! I’m you’re secretary Allayne Jimenez. Llayne na lang.”
 “Oh, and I’m Misha, Isha for short. Nice meeting you.”
“Ay nga pala ma’am ngayon po pala yung business trip niyo sa Gonzales company about the design of the hotel.”
“Ah, oo nga pala I forgot so where is the meeting place.”
“9 waves daw po. Nabooked nap o yung room no. niyo nasa room no. 201 daw.”
“Hinde ba masyadong pambata ang meeting place tsaka masyadong malapit.”
“Eh yun daw po ang gustong venue ng boss ng Gonzales Company eh.”
“Sige anong oras nab a?”
12 PM nap o.”
“Hinde pa naman ako nakakapaghanda. Well sige uuwi mo na ako and then ayusin mo na lang muna lahat ng dapat ayusin here sa office ko.”
“Sure ma’am! Have a nice trip po.”
“Thanks!”
Tuluyan nang umalis si Isha para maghanda sa gagawing pagplaplano nila ng company na kadeal nila. Sana ay maging maayos ang pakikipagusap niya sa boss ng companya nay un. Sana naman kasi It is her first project sa main branch ng kompanya nila and this one is a big deal. Kaya naman kailangan niyang makisama ng maayos sa magiging kapartner niya.  Kelangan niyang paghandaan lahat ng bagay na mga sasabihin niya. 2 weeks din silang tatagal dun sa nine waves ah, kaya naman magdadala siya ng madaming bathing suit. Sasamantalahin na rin niya ang araw na nasa nine waves sila. Salamat sa wakas  kahit papaano ay makakapagrelax siya ng 2 weeks and at the same time magtratrabaho. Binilisan na niya  ang pagkilos niya. Pinauna na niya si Allayne dun sa venue para kahit papaano ay maentertain niya ang kakameetingin nila doon. Mga ilang sandali na lang at umalis na si Isha sa kaniyang pad at tutungo na sa 9 waves.

“Excuse me? Ikaw ba ang secretary ng makakapartner ko para sa project na ito?” nakangiting tanong ni Rio habang umiinom ng milk shake.
“Yes! Sir I’m Allayne Jimenez. Nice meeting you Sir.”
“Nice name anyways I’m Rio Gonzales. I’m single and ready to mingle.” Patawa niyang sabi ditto habang patuloy pa din sa pag-inom ng kaniyang shake.
“Hahaha.. sorry sir my boyfriend na ako eh.” Mahinang sabi ni Allayne na para bang kinikilig.
“Buti ka pa, saying sabihin mo sa akin pag nagbreak na kayo para liligawan kita ha.” Pabiro niyang sabi kay Allayne habang pinagtritripan niya ang straw ng kaniyang milk shake. Habang masaya silang nagkukwentuhan ay biglang nagring ang cellphone ni Allayne.
“Excuse me lang sir ah, kakausapin ko lang ang tumatawag.”
“May bayad ang pagpapaalam mo ha!. Hinde biro lang.”
At kinausap na niya ang nasa kabilang linya na si Isha naman pala. Habang naguusap sila ay nakikinig ng taimtim si Rio. Narinig niya kasi ang isang napakapamilyar na pangalan kaya medyo naexcite siya. Sana nga tama ang hinala niya na ang makakapartner niya ay yung taong yun. Maya-maya ay ibinaba na ni Allayne ang cellphone at nagpaalam na susunduin lang niya sandali ang kaniyang boss sa may entrance upang mameet na niya. Pinayagan naman niya ito at mga ilang sandali lang ay bumalik agad ito kasama ang isang napakapamilyar at napakagandang babae. Ang babaeng minamahal niya ng totoo, ang babaeng pinapangarap niya at ang  babaeng nasaktan niya.

Nanlaki naman ang mata ni Isha ng Makita niya ang isang pamilyar na mukha. Ang mukha ng isang loko-loko. Kinusot kusot niya ang kaniyang mata upang soguraduhin na hinde siya nananaginip.
“Lord? Ano to trip mo ba ako ngayon? Namamalikmata ba ako o ano?”
Hinde niya alam kung paano kikilos sa kinatatayuan niya. Batid niya na ang lahat ng ito ay totoo at hinde siya nananaginip dahil kung panaginip nga ang nangyayari ay  marahil binabangungut na siya. Ayaw niyang gumalaw sa kinatatayuan niya dahil mamaya naman ay pagtaksilan nanaman siya ng kaniyang puso. Bakit ba tumitibok nanaman ito ng napakabilis. Bakit feeling niya may butterflies sa tiyan niya. Bakit imbis na inis at poot ang dapat na nararamdaman niya ay iba ang lumalabas sa sistema niya.
“Ma’am may problema po ba?” nagtatakang tanong ni Allayne habang buhat buhat ang ilang mga papeles.
“Wa..W..Wala naman, nasaan nab a ang ka meeting natin?” nanginginig na tanong niya.
“Ah, andun po siya si Mr. Rio Gonzales.”
KABOOOOOOOOOOM…………..yan na ang sitwasson ng kaniyang puso sa mga oras na iyon. Magsasama nananman sila ni Rio. Pagtitiisan niya ito ng 2 weeks. Ano ba ang nagawa niyang masama at ang ex pa niya ang makakapartner niya sa project na ito. Nagpakabait naman siya sa mahabang panahon. Wala rin naman siyang sinuway na batas. Mabuting mamamayan siya ng Pilipinas pero bakit nangyayare naman sa kaniya ito. Teka nga pala. Bakit nga pala siya nagpapaapekto. Past is Past na nga diba? Magiging professional na lang siya at magiging civil habang kasama ito.

“Hi babes! Long time no see lalo ka atang gumanda for the past 7 years ha.”
Hinde parin pala talaga nagbabago ang kumag na ito. Masyado pa rin pala itong flirt kahit lumipas na ang pitong taon. Parang gusto niya itong dagukan at bugbugin o kaya naman ibato ditto ang suot niyang high heels.
“Excuse me Mr. Gonzales? Do we know each other? I don’t think na nagkita na tayo. Pasensiya na ha siguro nga nagkita na tayo. Kasi naman eh may short term memory lost ako sa mga bagay bagay na medyo hinde importante sa buhay ko. Well maybe we meet in college. Sensiya na Mr. Gonzales ha.” Nakangiti niyang sabi habang nakakakuyom ang mga kamao niya. Hinde niya kasi mapigilan ang pagkainis niya sa lalakeng ito. Gusto niyang maging cool sa harap nito kaso lang nagngingitngit talaga siya. Nabubuhay nanaman ang dugo niyang amazona dahil ditto.
“Babes naman nakalimutan mo na ako. Daya mo naman.” Nakangiti pa din nitong sabi habang nakalahad ang kamay niya para makipagkamay.
Wala namang balak si Isha na kamayan ito pero kailangan niya dahil nga sa Business partner sila nito ngayon. Iniabot ni Isha ang kamay niya kay Rio at ng babawiin na niya ito ay bigla naman itong pinisil ni Rio na ikinagulat naman niya.
“Mr. Gonzales could you please cut out the babes. Nakakahiya sa secretarya ko ang endearment nay un at isa pa ang pangit pakinggan.” Sagot niya ditto ng pormal na pormal.
“Pasensiya na Isha…well just call me Rio okay na ako dun babes ay iste Isha pala.” Sabay kamot sa kaniyang buhok na agad namang ikinabigla ni Isha. Dahil sa lumipas na pitong taon ay napakalaki ng ipinagbago nito. Kung gwapo ito noon ay mas gwapo na ito ngayon. Nako umiiral nanaman ang kapraningan niya hinde dapat iyan ang iniisip niya.
“Tumigil ka nga Isha, anak naman ng kung ano oh! Bakit iyan ang nasa isip mo dapat galit ka diyan sa lalakeng iyan at hinde siya guwapo panget siya panget.”
“May sinasabi ka ba?” tanong ni Rio habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa na para ba siyang isang model.
“Wala naman, halika na kumain na tayo. Medyo kasi nagutom ako sa biyahe kanina eh. Join us Allayne.” Aya niya sa kaniyang sekretarya na mukhang busy na busy sa katext.
“Ah, hinde na ma’am kumain na ako kanina eh. Busog pa ako siguro aakyat muna ako sa itaas para magpahinnga.”
“Sige sama na din ako.”
Nang akmang  lalakad na siya palayo ay biglang hinablot ni Rio ang braso niya at inutusan si Allayne na mauna na at ililibre pa niya si Isha. Patay na nakorner nanaman siya nang lalakeng ito. Ito nanaman ito at siguradong pagtritripan na siya nito.
“Kamusta Isha! Huwag ka namang ganiyan sa akin maha..este may pinagsamahan naman tayo kahit papaano.”
“Meron nga masalimoot naman. Bakit ba hinde na lang tayo maging civil at tapusin ang project na ito.” Sabi ni Isha habang pinaglalaruan ang kaniyang pagkain gamit ang tinidor.
“Come on Isha don’t make it hard on my part. Don’t be so cold like that hinde ako sanay.” Pakiusap niya habang kinakain ang kaniyang French fries.
“Dapat sanay ka na bakit ganito din naman ako nung una tayong magkakilala ha.” Natigilan siya ng may nasabi na siyang kakaiba. Nadulas siya! Hinde pa din niya nakakalimutan ang nakaraan patay ayan na. Aasarin nanaman siya nito.
“Ayieeeeeeeeee…naaalala pa niya yung una nating pagkikita. Sinasabi ko na nga ba eh. May gusto ka pa sa akin eh. Kung babalik ka naman ayos lang maluwag kitang tatanggapin with open arms pa.”
Ang taas pa rin ng ere ng lalaking ito. Akala niya nagging mature na ito sa haba ng panahon yun pala mas lalo lang nagkaroon ng saltik ang pag-iisip nito. Mas lalo lang yumabang.
“Gusto mo youre face! Tigilan mo nga ako. Try mo kaya minsan, kahit minsan lang kilabutan sa mga pinagsasasabi mo.” Inis niyang sabi rito habang pinangigigilan na yung spaghetting kinakain niya. Tinitignan nanaman siya ni Rio habang kumakain at nakangiti ito na lalo namang nagpagwapo sa binata.
“Patay gutom ka ba?” tanong niya rito habang patuloy pa din sa pagtinngin sa kaniya.
“Bakit? Dahil ba bubusugin mo ako sa pagmamahal?” Natatawa naman nitong sagot.
Hinde agad siya nakasagot dahil nandidiri siya sa mga pinagsasasabi ng lalakeng ito. Hinde niya malaman kung dapat nab a siya tumawag ng mental hospital o diretso bilibid na para maikulong na ang lalakeng ito.
“Alam mo nandidiri na ako sayo ang Korni mo naman. Isa pang kakornihan iiwanan talaga kita.”
“Oh, sige hinde na. Seryoso na alam mo ang ganda mo pa din. Lalo kang gumanda.”
“Bolero ka talaga eh no. Tigilan mo nga ako. Igalang mo naman ang pagkain kumain ka kung kakain ka nasa harapan ka ng pagkain kung ano ano mga sinasabi mo. Alam ko nang maganda na ako. Hinde mo na kilangang ulit ulitin.” Dirediretso niyang sabi. Maya-maya ay nakatinngin nanaman sa kaniya ang binata waring may sasabihin na pinagaalinlangan ilabas ng bibig.
“Nakakapika ka na ah! Kanina ka pa tingngin ng tingngin. Ano bang problema mo?”
Imbis na sumagot ay kumuha na lamang ng tissue si Rio at sabay ipinunas sa gilid ng labi ni Isha na siya namang ikinagulat nito. Hinde niya akalain na bibilis nanaman ang pintig ng balahura niyang puso. Sa pagkakataon nayun ay namula na talaga siya.
“UYYYYYYYY..nagblublush siya. Kinikilig.”
“Saan mo naman nakuha iyan? HALER! Ang init kaya sadya lang na rosy cheecks ako kaya namumula na ako.” Pagdadahilan niya sa binata.
“Nga pala maiba ako pagusapan na natin ang about sa work. Hinde ba gusto niyo ng perfect na room designs para sa mga suit sa bago niyong hotel?”
“Ah, oo nga pala ang plano kasi naming yung hotel parang may touch siya ng pagkaroyal. Alam mo na parang pangHari at reyna ang dating.”
‘Oh, so gusto mo yung pang pang England. We can work it out. Meron akong ilang designs na nagawa na. Siguro mamaya ipapakita ko sabihin mo na lang kung may gusto ka pang idagdag.”
“Isha namiss mo ba ko kahit unti lang?”
Tinitignan nanaman siya ng lalakeng ito na para bang mahal na mahal siya nito. This time tinignan na rin niya ito sa mata and then nakita niya rito kung gaano kasincere ito sa pagtatanong sa kaniya. Nako naman oh ano ba naman kasing lalake ito. Nakamove on na kasi siya eh? Ay hinde pa pala. Ah ewan na niya sa sarili niya. Iniwas na lang niya ang tinngin niya rito at ibinaling ang mata sa pagkain.
“Huwag na nga nating pag-usapan iyan. Sige aakyat na ako gusto ko na magpahinnga. Nga pala ano room no. mo?”
“Room 202 katapat lang ng room mo.”
“Sige papahinnga muna ako.”
“Isha, I love you!”
“Eh?”
“Joke lang!”
Tuluyan na ngang umalis si Isha doon at iniwan si Rio sa restaurant doon. Buti na lang at nakaiwas na siya sa ganong usapan dahil hanggat maaari ay iiwasan niya ang ganung usapan sapagkat sigurado siyang lilinlangngin nanaman siya ng epal niyang puso. Mamaya kung ano pang masabi niya kay Rio eh di huli siya na may pagtinngin pa siya rito. Napahinto siya ng pagiisip nang maalala niyang may boyfriend pala siya si James at sigurado naman siya na maha….basta gusto niya si James.

Naiwan namang nag-iisa si Rio. Natutuwa siya sa nangyare ngayon sapagkat muli na niyang nakita si Isha and this time pinagbigyan na siya ng tadhana kaya hinde na niya pa hihintayin o sasayangin ang panahon. Sisiguraduhin niyang magkakabalikan ulit sila ni Isha at pagkatapos ikakasal na sila sa kahit ilang pang simbahan.

“Ikaw na talaga Rio ang gwapo mo na! I love you woooooooo..Kaya ko to may lakas ng loob ako at tibay ng dibdib! Wala na akong sasayangin na panahon and this time I’ll make sure na magkakabalika na tayo.”

Nagloloko na ata ang puso ni Isha. Parang gustong mag-away ng isip at ng kaniyang puso sa mga nangyayare sa kaniya. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng makakabusiness partner ay si  Rio pa ang natiyempuhan niya. Ang sarapa nanaman maging amasona eh! Hinde na niya talaga maintindihan ang takbo ng puso niya daig pa niya ang lokaloka eh, kulang na lang atakihin siya sa puso kapag nakikita niya si Rio.
“Sandali nga lang? Hinde ba dapat galit ako doon. BV naman oh. Bad kang puso ka Bad..Itigil mo yan ang mahal mo ay si James at hinde si Rio. Tapos na kayo ni Rio at may girlfriend siya at may boyfriend ka na at ikakasal ka na.”
That thought of Rio having a relationship with someone made a tiny pain in her heart. Masakit kasi para sa kaniya na isipin na masaya na ito sa piling ng iba at lalong sariwa pa din sa kaniya ang sugat na iniwan ni Rio sa kaniyang puso ngunit sa kabila pa rin nito ay alam niya sa sarili niya na may pagmamahal pa din siya rito kahit papaano kaso hinde na pwede dahil malapit na siyang ikasal kay James. Patuloy pa din siya sa pag-iisip hanggang sa biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
“Hello?”
“Hi baby. How are you I miss you.” Masayang tinig ni James sa kabilang linya.
Nagulat siya sa boses na kaniyang narinig at hinde agad nasagot ang kasintahan.
“Baby? Still there?”
“Ah…oo baby kelan ka nga pala uuwi?”
“Siguro mga 2 days from now I’ll be going there to see you at pagdating ko diyan ipapaalam na natin na magpapakasal na tayo. Agad-agad.”
“Parang ambilis naman baby.”
“Hinde na kasi ako makapaghintay na maging apeylido ko ang apeylido mo. Anyways tumawag lang naman ako para mangamusta so well Bye now. I love you!”
“Bye baby! Ingat ka.”
Nagulat siya sa kaniyang sarili kung bakit hinde niya nasabi kay James ang salitang I love you. Marahil ay napapagod lang siya siguro kaya kung anu anon a ang iniisip niya. Okay lang naman siguro na hinde niya sagutin ng I love you ang kasintahan niya paminsan minsan. Nahiga na lamang siya at dahan dahang ipinikit ang mga mata hanggang sa makatulog siya.






















No comments:

Post a Comment