Pages

Saturday, August 27, 2011

Chapter 2 Isha: The gorgeous car racer

Chapter Two


Para yan sa babaeng sinaktan mo kanina! Akala mo kung sino kang gwapo inde naman. Feeler ka. Alam mo hinde lang dapat yan ang gawin sayo eh. Dapat death penalty na. Peste kasing human rights iyan eh! Sa susunod na idamay mo pa ako sa mga kalokohan mo hinde lang yan ang aabtin mo.” Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Rio ang mga salitang iyan. Na challenge talaga siya sa babaeng ito dahil kakaiba to sa lahat ng mga babaeng nakasalamuha na niya na kunyare pakipot pa gusto naman din pala. “Isha Madrid, yare ka talaga sa akin hinamon mo ako ha!” nakangising sabi niya.
“Hoy, Rio Gonzales ano ba yang nginingiti mo diyan?” tanong si Syd isa ring babaero sa campus.
“Do you know Isha Madrid?” tanong ni Rio?
“ The gorgeous car racer? Bakit? What’s with her?”
“Car racer?” pagtataka ni Rio.
“Oo siya yung pinaguusapan sa buong campus na babaeng  kung magpatakbo ng sasakyan ay kasing bilis ng kidlat”.pagmamalaki ni Syd.
So that was her forte huh! What do you think Syd? Sa tingin mo pag hinamon ko siya matatalo ko siya?”

“Rio naman kelan ka ba natalo sa car racing?” Tanong ni Syd?
“Never in my whole life”  pagmamalaki ni Rio.
So anong ikinatatakot mo don’t tell me pare uurungan mo ang isang babae, Come on dude your Rio Gonzales tapos ganyan ka kung matakot.”

“Dude hinde ako natatakot! Sinisigurado ko lang na matapos ko hamunin ang babaeng iyon ay mapapasaakin siya!” sabay tawa ni Rio.
Pagiging kontrabida baka gusto mong salihan pwede ka nang maging artista” sabad ni Andrea.
“Nice suggestion sis! Bat di natin itry gwapo naman ako, macho,matangkad,matalino pwede nga”.
“Sasangayon na sana ako sa iyo eh kaso dinagdag mo pa yung salitang macho! Wag na lang”. patawang sabi ng kapatid niya.
Umalis ka nga ditto panira ka ng trip ha!” asar na sabi ni  Rio
Aalis na nga bye bro!”
“Bye Andrea! Ang ganda mo talaga.” Pahabol ni Syd.
Biglang napatingin si Rio kay Syd dahil kahit kalian ay hinde pa niya narinig na magsabi ang kaibigan niya nito sa ibang babae.
Hoy ano yun Syd tapatin mo nga ako? May gusto ka bas a kapatid ko?”
“Ha? Wala kung anu-ano pinagiiisip mo. Masama bang bumati sa kapatid mo?”
“Ayusin mo lang ha! Kung may gusto ka sa kaniya okay lang basta wag na wag mong sasaktan ha! Kundi mararanasan mong magulpi nitong katawan kong may  six pack  abs!”
“Abs? asaan pre? Wag ka nga nagbibiro masama yan ha!”
“Magsama nga kayo ni Andrea mga panira sa trip! Kumain na nga lang tayo.”

“Bwiset talaga yung lalakeng yun! Nako! Grrrrrrrr,,….” Pagmamaktol ni Isha
“Easy lang girl! Lalaki lang yun. Wag ka paapekto.” Sabi sa kaniya ni Marga.”
“Nakakainis talaga eh.. akala mo kung sino siya. Sinong magiging girlfriend niya? Ako?  Ang kapal.”
“Easy lang kasi sige ka pag nakita ka ni Mark na badtrip baka di ka lapitan nun. Speaking of him palapit siya dito.”
“Asaan? Asaan? Maayos ba damit ko? Maganda ba ako? Ano?” tanong ni Isha sa kaibigan.
“Oo Isha!  Lagi ka namang maganda eh.”
Napapitlag si Isha ng marinig kung kaninong boses ang nagsalita. Iyon ay kay Mark Montanez . Ang kaniyang long time crush na varsity player ng skul. Isang gwapo, matino, gentleman, matalino,mabait at higit sa lahat  hinde babaero na lalake na hinde tulad ni Ri0 Gonzales.
“Ano nga pala ang kaliangan mo sa akin Mark?”
“Ah…dib a may opening party mamaya sa buong campus gusto ko sana na maging magpartner tayo kung okay lang sa iyo at kung wala ka pang kapartner.”
Sasagot n asana siya ng biglang may sumabat sa kanilang usapan.
Sorry dude partner na kami ni Isha para mamaya.”sabad ni Rio.
“Mark sa…”
“Okay lang Isha maybe next time na lang. So may utang ka pa sa aking isang date ha! Bye”
Badtrip! Andun na eh..bigla pang sumulpot tung lalake na to! Andun na eh. Kainis naman oh!
“Hoy Rio Gonzales. Ako ba hinde mo titigilan nakakainis ka ha! Andun na eh. Siinra mo pa!”
“So Mark Montanez pala is you’re type. Child abuse yun kapag pinatulan ka nun. Mas matanda sa atin yun ng isang taon.”
“Child abuse? May SAPAK ka no? Hinde na ko bata and yet bagay kami! Ano bang problema mo kung ikaw lang din ang magiging partner ko wag na lang din. No way na lang hinde na ko pupunta.”
“Hinde ka pwedeng tumanggi sa akin kapag tinanggihan mo ako it only means that talo ka sa akin at ako ang panalo.”
Bwiset talaga ang lalakeng ito sa buhay niya simula nang una niya tong makilala wala na itong ginawang maganda lagi na lang nito sinisira ang buhay niya lalo na ngayon na inaya na siya ni Mark para makipagdate dito ngayon pa siya  ginulo ng kolokoy na to . Sasapakin sana niya tong lalake na to kaso ang problema nasa school campus sila at may disciplinarian committee doon kaya  imbis na sapakin ay inapakan na lang niya ang paa nito at napaaray ito sa sobrang sakit.
ARAY!”
“Pasalamat ka nasa campus tayo kundi hinde lang yan ang aabutin mo baka sirain ko pa yang mukha mo nay an!”
“Galit ka ba talaga sa mga lalakeng gwapo at ganyan ka sa akin.”
“Gwapo saan banda? Wala akong nakikita? Makaalis na nga.”
“Sweet mo talaga babes! Kita tayo mamaya ha.” Pahabol ni Rio.
Che!”
“Pare ang dami namang ibang babae diyan bakit si Isha pa napili mong pagtripan eh. Mamaya mapatay ka niyan.” Tanong ni Syd?
Pare sino ba nagsabing pinagtritripan ko siya? Wala naman diba?”
“So you mean? Gusto mo si Isha?”
“Umalis na nga tayo may date pa akong paghahandaan”.

“Mare!  Bongga ka! Inaya ka na ni Mark tapos inaya ka din ni Rio. Shocks nakakainggit”
“Anong nakakainggit dun Badtrip nga eh! Sa lahat naman ng babae ako pa ang napagtripan niyang Rio nay an. Nakakainis andun na eh si Mark n asana partner ko. Kakainis talaga!”
“Mas bagay kayo ni Rio kaysa kay Mark and besides babaero din naman si Mark mas babaero.” Sabad ni Nikki.
“Hinde naman si Mark ang lumalapit sa kanila ha. Sila ang lumalapit kay Mark.” Depensa niya.
“The same as Rio din naman. Mga babae lang din ang lumalapit kay Rio he’s being generous lang naman by intertaining them and yet nagseset siya ng limitations unlike Mark kapag ayaw na niya iiwan na lang niya yung girl inshort paasa si Mark!”
“Bakit ganyan ka kay Mark? Nagging kayo ba? Nagtataka na ako eh. Ang dami mong alam sa kaniya?”
“Isha hinde nagging kami. Hello? School journalist to. Siyempre marami akong alam kaya ganito ko.”
“ Sabagay best. May point din naman si Nikki akala mo lang di babaero si Mark pero ganun din yun.”
“Nako magsama nga kayo nina Rio. Bahala na nga pupunta na lang ako sa mall para bumili ng mga damit. Sasama ba kayo or not?”
“No! party coordinator  ako marami pa akong aayusin and besides meron na akong dress mayvbe next time na lang girls. So mauna na ako”.
Bye!
“Halika na nga Marga.”

“Sis, sure ka pupunta ka sa party mamaya kahit ang kapartner mo ay si Rio
“Oh? Bakit naman hinde?”
“Wala lang kasi dib a nga BV ka sa kaniya.”pagtataka ni Marga.
“Oo nga BV ako sa kaniya but I don’t want him to ruin everything in my life no. Ano akala niya lahat ng babae mafafall sa kaniya. NEVER! Tuturuan ko lang siya ng leksyon.” Sagot ni Isha.
“Ano ka Fairy nako the! Napanuod ko nay an eh. Promise! Yung mga ganyang effect na hinde mafafall sus Luma nay an!”

“Luma ka diyan ikaw alam mo wala ka na kasing ginawa kundi manuod ng manuod ng romantic movies eh! Kaya yan napapala mo eh.” Sagot ni Isha.
“Sus. Maniwala ka sa akin tignan mo pagnagkagusto ka diyan dadagukan talaga kita ng malakas.”

“Alam mo! Bumaba ka na nga.” Banas na sabi ni Isha.
Parang di ka naman mabiro joke lang eh.”
“Pwes kung ikaw  nagjojoke ako hinde! Bumaba ka na nga..Baba.”
“Sorry na Isha. Hinde na ko magsasalita .Promise!” Takot na sabi ni Marga.
“Good!”
“May PMS ka lang kasi eh!” bulong ni Marga.
“Anong sabi mo?”
“Wala akong sinasabi ah. Tahimik na ko ditto.”

No comments:

Post a Comment