Pages

Monday, August 29, 2011

Chapter 3 Isha: The gorgeous car racer

Chapter Three
“Pare ayus ka ha! Naaya mo si Isha. Palakpakan!” tuwang tuwang sabi ni Syd.
“Ikaw lang naman walang tiwala sa akin eh!”
“So ano nang balak mo ngayon?” Tanong ni Syd.
“Sa ngayon SECRET! Bakit ko sasabihin sayo? Suhol muna bago sabi.” Patawang sabi ni Rio.
“Alam mo seriously Dude! Nakakatakot ka na. Ang korni mo na eh.”
“Ewan ko sayo basta ako may napagtritripan na ako.”
“Baliw ka na nga! Teka pre total Baliw ka na nga! Sasakyan na lang kita. Ano pustahan kung magiging girlfriend mo si Isha o hinde?” sabi ni Syd.
“Hmmm..pagiisipan ko..sandali lang ah!...Hmmm.. sige ba!”
“Magkano?” tanong ni Syd.
“Tatlo dos gusto mo?” sabi ni Rio.
“Lolo mo! Ano nga pustahan?”
“Tatlo dos nga pusta ko!”
“Ay ewan ko sayo pare! Bahala ka nga diyan. BALIW!”
“Tatlo dos nga pusta ko ayaw mo pa. Ikaw na nga pinagbibigyan ayaw mo pa!” pahabol ni Rio.

Hinde malaman ni Rio kung anong sumpa ang dumapo sa kaniya at naatim niyang tanggihan ang pustahan nilang magkaibigan. Baliw na nga ata talaga siya o sadyang sinumpa lang siya ni Isha! Hinde niya malaman kung paano nangyare pero talagang interesado siya kay Isha. Kailangan na nga niya yata talagang paconfine sa ospital o kaya naman parehab na lang siya para matigil ang kalokohan niya. Kaya nga lang saying naman ang gwapo niyang mukha kaya mas okay ng mabaliw sa kakaisip kay Isha kaysa makulong o maconfine sa ospital.

“Nakakainis naman tong mukha ko! Ang gwapo ko talaga. Nako!” tuwang tuwa sabi ni Rio.
“Kuya! Pacheck-up  ka na nga   sa doctor nakakaawa ka na.”
“Shut up! Mind your own business Kean!”
“K” pang-aasar nito.
“Bakit ba ang mga kapatid ko pambasag ng trip?”
“Eh kasi naman hinde naman kasi makatotohanan”. Sagot ni Andrea.
“Kaya nga kuya! Sa susunod kasi yung kapanipaniwala naman.” Sabi ni Kean.
Ewan ko sa inyo! Ibabalik ko kayo sa tiyan ni mommy eh.”
“Hinde na kami tatanggapin dun. Hinde makakayanan ni mommy kakulitan ko!” pagmamalaki ni Kean.
“Whatever! Matulog ka na nga Kean. Hoy! Andrea ano sasabay ka bas a akin?”
“Nope! May susundo sa akin.”
“Sige! Gotta go!”
“Ang ganda mo girl!” paghanga ni Marga sa kaniyang kaibigan.
IKR, matagal na no.” sabi ni Isha.

Habang naguusap sila ay may ilang kababaihan na ang nagkukumpulan sa labas na wari may isang prinsipeng paparating. Bawat babae ay impit ang tili habang naglalakad ang isang lalake na akala mo parang si Prince William ang dating. Nang papalapit na yung lalake biglang nawala lahat ng papuring iniisip niya para rito. Isang prinsipe nga ang dumating. Prinsipe ng  Underwold. Ang hinayupak niyang partner na si Rio.

“Wow! Ang ganda mo ha. Bagay talaga tayo. Bagay na bagay.” Sabi ni Rio.
“Alam mo ang korni mo. Hinde uubra sa akin iyang pick-up lines mo.”  Pagtataray ni Isha.
“Ito naman. Hinde mo ba ko babatiin?” tanong ni Rio?
“Kahit birthday mo o kung ano pa yan hinde kita babatiin. Maliban na lang kung ibuburol ka na.” sarkastikong sabi ni Isha.
“Grabe ka naman. Nakakapagtampo ka naman.” Malungkot na sabi ni  Rio.
Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin nito ngayong gabi ngunit ng Makita niya ang reaksyon nito ng sabihin niya ang mga kataghang iyon ay bigla siyang naguilty. Alam naman niyang hinde masamang tao si Rio pero sadyang mayabang lang talaga ito at babaero. Hinde naman siguro masama kung papakitaan niya ito ng kunting kabaitan, kahit unti lang. Unti lang talaga.

Rio, Biro lang yun. Ano ang gwapo mo ngayon.” Sabi ni Isha.
“Alam ko matagal na since the world began pa nga eh. Pero ang sakit pa din sa damdamin biruin mo sasabihin mo sa akin yun? It hurts you know.” Pagiinarte ni Rio.
“Sorry na nga eh! Ikaw kasi eh ang yabang yabang mo.” Sabi ni Isha.
“Tignan mo. Tignan mo nagsosorry ka na nga tapos sasabihin mo pang ang yabang ko! Aray to the 100X sa Heart. Pag naheart attack ako ikaw may kasalanan habang buhay mo pagsisisihan iyan.”

“Ang arte mo naman nagsosorry na nga yung tao eh. Tapos ayaw mo pa tanggapin.” Sabi ni Isha.

Mukhang nasaktan nga niya talaga ng husto si Rio. Patay  siya ngayon. Ayaw na ayaw pa naman niya nakakasakit ng tao kahit na ba napakaarogante nitong si Rio ay tao pa rin naman ito. Patay na talaga siya.

“Ano ba Rio, sorry na nga eh! Hinde ko naman sinasadya eh. Ganito na lang babawi na lang ako sa iyo. Kahit ano…ummm.. basta ngayong araw lang ah. Gagawin ko para sayo.” Sabi ni Isha.

“Talaga?” paninigurado ni Rio.
“Oo nga I have my one word!”
“Hmm.. makipagdate ka sa akin ng 1 week para mapatawad kita.” Kondisyon ni Rio.
“1 WEEK? Ang tagal naman nun. Pwede bang 2 days lang?” angal ni Isha.
“Sinaktan mo ego ko eh. Kung ayaw mo edi bahala ka ikaw naman ang maguguilty eh.” Pangongonsensiya ni Rio.
“Sige na nga kahit 2 weeks pa. Payag na ako.”
“2 weeks? Talaga? Ows.. hinde nga! Nasa WOW MALI ba ako nasaan yung kamera?” di makapaniwalang sabi ni Rio.
Oo na nga eh!”
“Ang galling ko talaga umarte! YES!YES! YES!”
“What?”
“ Pwede na bang pang best actor?” tanong ni Rio.
Hitad ka talagang lalake ka all this time akala ko nahurt ko ung feelings mo tapos …tapos.. hinde pa la nakakainis ka talaga! ARGGGG.. bakit pa kasi may school disciplinarian nanaman ditto at bakit ba may Human Rights! Nakakainis na dapat sayo binibitin patiwarik o kaya kaladkarin o kaya pagulungan ng ten wheeler truck.
Bakit pa kasi natanggal ang BATAS NI HAMMURABI! Di sana lahat ng tao matino. Sana NAKO! Bwiset ka talaga sa buhay ko. Bwiset. Bwiset.” maiyak-iyak na sabi ni Isha.

Inis na inis si Isha na parang gusto na niyang sumabog sa galit. Alam niyang napakasimpleng bagay lang nito para iyakan pero talagang napuno na siya sa lalakeng ito. Ayaw niya kasi sa lahat ang niloloko siya lalo na kapag paniwalang paniwala siya. Badtrip talaga ang araw na to para sa kaniya. Kung totoo lang sana na may mangkukulam o kung may Makita man siyang berdugo kahit saan eh Ipapatadtad na niya ng buhay ang  kalahating hitad na Hapon na yon. Sa sobrang inis niya ay lumabas na lang siya ng hotel at sa may garden nagmukmok.

“Isha. Sorry na. hinde ko naman kasi alam eh!” sabi ni Rio.
“Lumayo ka nga sa akin. Alam mo bang pinakaayaw ko sa lahat ay yung niloloko ako.”
“Sorry na nga eh! Bati na tayo please.”
“Sabing lumayo ka sa akin eh! Baka kung ano pa magawa ko sayo.”
“Sapakin mo ako! Kahit ano. Sige na wag ka lang umiyak. Walang disciplinarian ditto ngayon. Kaya sige na tumahan ka lang.” Nakokonsensiyang sabi ni Rio.

Ginawa nga ni Isha! Binigwasan niya ang lalake na to ng napakalakas sa abot ng kaniyang makakaya. Sinapak niya, inapakan niya. Lahat na hanggang sa mapagod siya. At nang nakatayo na lang silang dalawa ay bigla siyang niyakap nito.

“Gusto mo bang dagdagan ko pa yang ginawa ko sayo? Bitawan mo nga ako.” Sabi ni Isha.
“Shh…wag ka nga munang maingay may sasabihin ako.”
“Sabihin mo na!”
“Salamat at hinde mo sinira ang napakaganda kong mukha. Salamat talaga!”
“Bwiset ka talaga eh no. Hanggang ngayon nabugbog na kita at lahat ang yabang mo pa din bitawan mo na nga ako!”
“Hinde sandali! Sorry nga pala ikaw kasi eh. Ayaw mo namang magopen up para sa akin. Lagi mo akong tinatarayan. Wala naman akong ginagawang masama sayo.”
“Hitad ka kasi babaero, sinungaling at loko-loko”.
“Oh. Ako na ako na hitad.. ako na lahat iyan. Basta wag ka nang iiyak ulit ha! Ayukong nakikita kang umiiyak.”
“Ewan ko sayo. Bitiwan mo na nga ako.” Pagpupumiglas ni Isha.
“Para makabawi ako sa iyo. Halika bilis sumama ka.” Pag-aaya ni Rio.

Bumalik ulit sila sa lobby ng hotel kung saan ginaganap ang party. Iniwan siyang saglit ni Rio sa upuan nila at pumunta si Rio sa stage para kausapin ang DJ na palitan ang kanta. Ang kaninang  party party na tugtog ay napalitan ng sweet song.

“Oh? Anong pakulo iyan?” tanong ni Isha.
Pambawi sayo. Isasayaw kita.”
“Ayoko sumayaw!”
“Sige na para makabawi lang ang gwapong lalake na to sayo. Para tuloy na din yung date natin. Please”

“Bahala ka nga!”

“Alam mo Isha.. ang ganda mo sobra”. Sabi ni Rio.
“Alam ko!” sgot ni Isha
“Bakit ba ang sungit mo?”
“Eh, bakit ang yabang mo?”
Ayoko na nga magtanong hinde ka naman sumasagot ng maayos”.
“Buti alam mo!”
“Basta tuloy date natin ah.”
“Oo na”.

Nagpatuloy lang silang sumayaw. Hinde akalain ni Isha na kahit pala ang yabang ng lalakeng ito ay may sweetness nature pa naman ito kahit paano. Kahit papaano ay gumaan ng unti ang loob niya sa lalakeng ito. Natapos na ang gabi at medyo gumaan na ang loob niya kay Rio ang dating lalakeng puro hangin ang dala ay may kasweetan din pa lang itinatago ang taong ito.
Ano? Na? tanong ni Rio.
Anong ano? Pagtataka ni Isha.
Ayos ba yung ginawa ko? Kinilig ka siguro no?
Ba’t naman ako kikiligin? Boypren ba kita? Nanliligaw ka ba? Sunod-sunod na tanong ni Isha.
Ito naman.. Bato ba talaga ang puso mo. Aminin mo na kasi kinilig ka lang eh. Pangungulit ni Rio.
“Hinde nga kasi sabe. Saksakan ka ng kulit ah” sabi ni Isha.
“Fine..Fine..Fine.. kaw na di kinilig! Pero aminin mo sweet ko no?”
“Ikaw na Ikaw na sweet kaw na romantic. Kaw na the best..sasabitan ka na ng medal.”
Patawang sabi ni Isha.
“Sa Wakas!” sabi ni Rio.
Anong sa wakas?”
“Sa wakes ngumiti ka na rin sa akin, lagi mo na lang kasi ako sinusungitan eh. Mas maganda ka kapag nakangiti tapos cute ka pag naiinis!”
“BOLA mo!”
“Hinde yun Bola ah!”
“Lolo mo!”
“Asa simenteryo nahihimlay. Bakit gusto mo gambalain?” patawang sabi ni Rio.
“Eh? Korni? Tama na nga kailangan ko na umuwi”.
“Hoy! Tuloy date natin Ms. Iyakin ha!”
“Iyakin? Sinong iyakin” tanong ni Isha.
“Ah! Basta tuloy ang date tapos ang usapan.”
“OO  na may isa akong salita.”
“Ano? Ihahatid ba kita?” tanong ni Rio.
“Wag na idadaan ko pa si Becephalus sa mekaniko niya eh”.
“Becephalus?  May pangalan yung sasakyan mo.”
“Oo naman! Bakit sayo ba wala?”
“Meron ngaun ko lang papangalanan.”
“Anong pangalan?”
“Bertong Bilis. HAHA..ang ganda noh? Bagay sa Becephalus diba?
“Eh? Kawawa naman yung sasakyan mo. Ambaho.Any ways lalake si Becephalus ko.”
“EH di bakla si Bertong Bilis!”
“Kadiri ka umayos ka naman kawawa ang sasakyan mo. Bahala ka na nga diyan.”
“Love you!”
“Huh?”
“sabi ko babye BABES!”
“Baliw! Babes ka diyan!”

Nakakatuwa ang araw na iyon para kay Isha dahil ang inaakala niyang may Kaltok na lalake ay meron din pa lang kabaitan sa katawan. Natuwa tuloy siya ngayon kay Rio at medyo tumaas ang tingin niya rito. Alam na niya ngayon kung bakit ang daming nagkakagusto sa lalakeng  to. Bukod sa aminin na nating gwapo siya, matalino, mabait, matangkad, medyo gentleman at sweet. Kaya siguro namimiss understood ng mga babae ang kasweetan nito kasi sa ugali nito parang ayaw niyang may nakikitang umiiyak na babae pero sigurado siya at may tiwala siya sa feelings niya na kahit anong kasweetan ang ipakita nito sa kaniya ay hinde siya maiinlove ditto.

No comments:

Post a Comment