Pages

Monday, August 29, 2011

Chapter 4 Isha: The gorgeous car racer

Chapter Four
“Pumayag kang makipagdate sa kaniya?” Gulat na tanong ni Marga.
“Oo, bakit hinde naman siguro masama kung kikilalanin ko yung tao no?” sagot naman ni Isha.
“I have no doubts for Rio! Boto ako sa kaniya.” Singit ni Nikki.
“Okay lang naman din sa akin kaso mamaya mafall ka don ah! Sasabunutan ka talaga naming. Maniwala ka kasi sa akin sa mga ganyan kasi nagsisimula iyan.”
“Nako girl. Never ako mafafall sa kaniya besides date lang naman friendly date nothing will happen after that date and in the end of the day si Mark pa din ang gusto ko.”
“Ewan ko lang talaga sayo ha!”
“Oo na lola!”
Alam ni Isha na may punto yung kaibigan niya kaso ang problema nakapangako na siya kay Rio and may isang salita siya at ayaw na ayaw niyang sumisira sa usapan and besides wala naman talagang mangyayari sa date nila. It’s just a friendly date and hinde date ng mag MU.

“Hi, Babes!”
“Hinde mo ba ko titigilang tawaging Babes! Umayos ka nga”
“Masama ba? Ito naman. Teka ready ka na sa date natin?”
“Teka magdadate na tayo right now?”
“Yup! And I’m sure you’ll never forget this date ever!”
“Teka hinde ko dala si Becephalus ko. Anong sasakyan ang gagamitin ko?”
“Ayos ka lang ba? Saan ka nakakita ng date na magkahiwalay ng sasakyan na gagamitin?”
“Wala.”
“Yun pala eh so halika na isasakay na kita kay Berto.” Patawang sabi niya.
“Sigurado ka bang hinde mo papalitan ng pangalan iyang sasakyan mo?” tanong ni Isha.
“Hinde bakit gwapo naman ang pangalang Berto ah!”
“Oo na lang. Teka saan ba tayo pupunta?”
“Basta maghintay ka lang.”
Habang nasa biyahe sila hinde niya akalain na mabilis din pala itong magmaneho kagaya niya. Naisip niya tuloy kung matatalo niya to eh di malaking sampal sa mukha nitong mayabang na to ang effect. Ilang sandali lang ay tumigil sila sa harap ng isang 5 star hotel.
“Andito na tayo.”
“Sandali lang ha anong ginagawa natin sa hotel?” pagtatakang tanong niya.
“Dito tayo magdadate? Saan pa ba?”
“Umayos ka! Gusto mo bang masapak ha! Dito mo ba talaga dinadala ang mga babae mo? Bwiset ka bata pa ko. Ayuko ng ganito. Uuwi na lang ako.” Pagalit na sabi ni Isha.
“Alam mo ang Green mo! Mukha ba ko ganong tao. Nako pagamot ka na babes mamaya may Sapak ka na! Hinde ko talaga akalain na green minded ka. Tsk..Tsk..Tsk.. Pero pwede din andito naman tayo sa hotel eh. Gusto mo ba?”
“Eh loko loko ka pala eh! Asaan ba yung kutsilyo ditto. Mapapatay kita ng wala sa oras eh. Ang sarap mong patayin. Hinde ako nakikipagbiruan sayo ha!” inis na sabi ni Isha.
“Biro lang naman kasi eh! Bilis kaya naman kasi dinala ditto is because ditto ang favorite ni mom. Masarap ang pagkain nila ditto. Super masarap promise ko sayo.”
“Siguraduhin mo  lang ha! Kundi kakaltukan kita ng Malakas!”
“Yes ma’am!”
At umakyat na sila sa pinaka mataas na floor ng building di niya malaman kung ano ang gagawin dahil sa totoo lang first time niya ang makipagdate sa isang hotel. Lagi kasing restaurants or somewhere out of town ang nagiging date niya. So this time kakaibia nga talaga.

“Were here!” pagmamalaking sabi ni Rio.
Inikot ni Isha ang paningin sa kaniyang paligid. Laki gulat niya n gang kuwarto ay parang nasa outerspace. Hinde siya makapaniwala na may ganitong hotel sa loob ng pilipinas. Sobrang ganda.
“Lupet! Ang ganda.” Paghangnga ni Isha.
“Sabi ko sayo eh! Ang ganda ditto well this is my family business anyways.”
“What? Sa inyo itong hotel?”
“Yup! And ikaw pa lang ang unang babaeng dinala ko ditto ha!”
“Maniwala ako sayo. Pakainin mo na nga lang ako!”
“Sige ba!”
Habang nag-uusap sila walang humpay na tawanan at kulitan ang ginawa nilang dalawa. Hinde niya akalain na sobrang kulit pala nito at sobrang hyper. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa maubos nila ang kanilang pagkain.
“Alam ko na ngayon kung bakit madaming babae ang nagkakagusto sayo.”
“Given naman na iyon ah! G.M.M kaya ako!”
“Anong G.M.M?”
“Gwapo. Mabait. Mayaman.”
“Eh? Hahahaha.. Oo na lang. Teka kelangan ko na ata umuwi.”
“Sandali ihahatid na kita! Teka bago ka umuwi ito pala para sayo.”
“Ano to?”
“Red roses malamang! Bulag ka? Bulag?”
“Pilosopo ka ring loko-loko ka no? Ang ibig ko sabihin para saan to?”
“Wala lang I just feel like giving you flower.”
“K.” tipid na sagot ni Isha.
“Binigyan ka na nga ng flowers yan lang sasabihin mo?”
“Thank you for the flowers. Masaya ka na?” sarkastikong sabi ni Isha.
“Ito talaga!”
“Sayo na lang flowers mo. Ikaw na nga lang namimigay gusto mo pa may kapalit. Ayan na kainin mo.” Sabay bat okay Rio ng bulaklak.
“Isha! Sandali lang naman biro lang eh.”
Rio, halika ditto.”
“Bakit babes?”
“Akin na kamay mo bilis may ibibigay ako sayo.”
Biglang bumilis ang kabog ng puso ni Rio. Hinde niya malaman ang gagawin ano kaya ang ibibigay sa kaniya ni Isha?
“Ano to? Limam piso? Para saan to?”
“ Pera pambayad mo humanap ka ng kausap mo ha.”
“Ikaw gusto ko kausap eh.”
“eh ayoko sayo eh.”
“Ganito na lang pustahan tayo.” Seryosong sabi ni Rio.
Napaisip si Isha akala ata ng mokong na ito nafall na siya ditto noh. Pwes hinde papatunayan niya na kahit kalian ay hinde siya mafafall ditto at hinde siya papatalo ditto.
“Game ano ang deal nay an?”
“Maunang mainlab between sa ating dalawa talo! Ano deal.”  
“Akala mo ba maiinlove ako sayo sige ba DEAL!”
“Humanda ka sa akin lagi kitang kukulitin at maiinlove ka din sa akin.”
“Mukha mo! Hinde ako maiinlove sayo kahit kelan NEVER!”

Hinde alam ni Isha ang gulong pinasukan niya pero kompiyansa siya sa sarili niya na kahit kalian ay hinde siya maiinlove rito. Kabaliktaran naman nang kay Rio. Dahil ang alam ni Rio ay inlove na siya kay Isha.

Rio Gonzales naman eh! Ano bang pinasok mong pustahan. Bahala na nga si LORD!”

“WHAAAAAAAAAT? Nakipagpustahan ka kay Rio.”
“Hinde..hinde baka ikaw ang nakipagpustahan?” sarkastikong sabi ni Isha.
“OA mo naman girl.” Dagdag ni Nikki.
“Hinde niyo kasi alam eh. Hinde dapat pinaglalaruan ang love. Sige ka Isha ikaw ang paglalaruan ng love sinasab ko sayo.”banta ni Marga.
“Nikki may problema na ata itong kaibigan natin?”
“Sinabi mo pa Isha padoktor na natin.”
“Hinde iparehab na lang siguro natin baka sakaling gumaling pa. patawang sabi ni Isha.
“Ewan ko sa inyong dalawa palibhasa wala kayong care sa love!” galit na sabi nito.
“Easy puso mo girl! Pustahan lang naman yun ah. There would be no harm.”
“Ah basta! Bahala ka! Teka here comes Rio.”
“Nagsimula na ang hitad.”
“ Hi ! Babes.”
“Tigiilan mo nga ako ang aga-aga eh.”
“Simula na yung deal natin sama ka sa akin mamaya ah! Bakasyon tayo weekends naman na bukas eh. Guys wanna come?”
“Pass! Wala akong panahon sa kalokohan niyong dalawa si Marga baka gusto niya.” Bored na sabi ni Nikki.
“Ayoko din baka paglaruan din ako ng pag-ibig. Mauna na nga ako.” Madaling sabi ni Marga.
“Ang cool ni Nikki ah! Bakit ganun si Marga.. weird!” tanong ni Rio.
“Eh di si Nikki ang ligawan mo at si Marga ganun lang talaga yun pabayaan mo na.” inis na sabi ni Isha.
“ayieeeeeeeeeeeee..selos siya! Aminin mo na kasi inlove ka na sa akin since birth.”
“Alam mo? Ang lakas talaga ng sapak mo eh no? Bakit ba nanggugulo ka ng ganito kaaga?” sabay dampot sa bag ng inis na inis na si Isha.
“ Para mainlove ka sa akin at para matalo kita.” Nakangiting sabi ni Rio.
“Yabang mo talaga hinde ako maiinlove sayo. Wait pero sasama ako sa bakasyon  ha! Dadalhin ko si Becephalus ha.”
“Sa Rancho tayo namin magbabakasyon masarap ang hangin dun at for sure maiinlove ka sa akin.
“Natawa naman ako sa sinabi mo. Sino pa ba ibang kasama?”
“Mga kapatid ko tapos si Syd ata. Magsama ka kung sino gusto mo.”
“Sige!”
“ Kita tayo mamaya ha!” nakangiting sabi ni Rio.

“Ano pareeeeeeeeeeee?” gulat na sabi ni Rio.
“Mr. Morales keep quiet.” Saway ng kanilang Professor.
Sorry ma’am!”
“Huwag ka nga maingay pre.”
“Alam mo bilib na ako sayo.”
“Ano sasama ka pa ba?
“Hinde na muna siguro brad! Kayanin mo nay an diskartehan mo na.”
“Sige dre! Salamat.”

Tuwang-tuwa at excited si Rio sa mangyayare sa kanila nitong bakasyon. Sisiguraduhin niyang maiinlove sa kaniya si Isha. At pag nangyare yun eh di instant panalo na siya girlfriend pa niya yung taong pinakagusto niya.

“Ang tagal naman nung Hitad na yon?” bagot na sabi ni Isha.
Habang siya ay naghihintay  bigla siyang may narinig na malakas na busina ng sasakyan at sa gulat niya ay bigla siyang napapitlag.
“Anak ng aso naman oh! Pwede ka namang bumusina ng mahina ah! Ano ba?”
kinakabahang sabi ni Isha.
“Hinde ko alam na magugulatin ka pala!” natatawang sabi ni Rio sabay baba sa sasakyan.
“Oh? Ano pang hinihintay mo si Superman. Wag na dumating na si Prince Charming eh”.
“Eh? Halika na nga! Paunahan tayo.”
“Parang alam mo kung saan ha?”
“Tange hanggang toll gate lang.”
“Sige ba matalo manlilibre ha!”
“Game!”

Sabay na silang sumakay sa sasakyan at biglang umarangkada ang kanilang mga sasakyan na akala mo ay parang kidlat kung tumakbo. Halos sabay lang silang magpatakbo. Ngayon lang nakahanap ng ganitong kalaban si Isha sa buong buhay niya mahirap maunahan ang lalakeng ito. Natutuwa naman si Rio sa kaniyang ginagawa. Magaling si Isha magrace magaling siya. Mahirap unahan bahala na.
Nagpatuloy pa ang kanilang pag-uunahan hanggang dumating sila ng sabay sa toll gate.
“Pano bay an sabay lang tayo?”
“Eh di walang talo?”
“Hahaha.. oo nga! Teka ako na magbabayad.”
“Malapit lapit na tayo!”
“oO na lang”

Nagpartuloy silang magmaneho ng sasakyan nila hanggang sa makarating sila sa isang napakalaking rancho. Pinindot ni Rio ang buzzer sa labas ng gate ng rancho. At bigla itong nagbukas. Manghang mangha siya sa nakita napakaganda ng rancho nila parang isang paraiso kung tutuusin.

“Andito na tayo. Ang ganda diba?
“Oo ang ganda.”
“Halika na pumasok na tayo papakilala kita kay lola!”
“Ilang babae nab a ang pinapasok mo ditto oh dinala mo?”
“Ikaw pa lang naman.”
“Porsigido ka talaga manalo sa pustahan natin no?”
“Oo naman.”
Kikiligin na sana si Isha sa sinabi ni Rio na siya pa lang ang unang babaeng dinala  niya rito kaso ito na rin ang mismong nagpaalala sa kaniya na hinde dapat magpadala dahil sa sagot nitong oo.
“Oh? Bakit?”tanong ni Rio.
“Wala lang.”
“Pasok na tayo sa loob.”

“Asaan si abuela?”
“Asa taas po kausap si Ms. Irene”
“Andito si Irene? Sandali lang Isha ha.”
Biglang may kumirot sa puso ni Isha na hinde niya malaman. Para bang nasaktan siya ng marinig yung pangalan na Irene at ng Makita ang ikinilos ni Rio. Hinde man lang muna siya inasikaso nito. Teka nga bakit nga ba niya iniisip ang ganung bagay hinde naman sila para mainis siya ha. BV na puso to feeler!

“Ah miss kayo po ba yung girlfriend ni Sir Rio?” tanong ng matandang babae.
“Ay nako hinde manang. Magkaibigan lang kami.” Pormal na sagot ni Isha.
“Ay sayang! Akala ko may kapalit na si Ma’am Irene!”
“Si Irene ba yung ex ni Rio?”
“Opo!”
“Ah, teka manang pwede po bang gumala ditto. Ayoko naman kasi maghintay lang ditto sa sala niyo.”
“Ah sige po ma’am gusto niyo doon tayo sa garden sa taas maganda doon.”
“Oh sige!”

Salamat naman at sa wakas mapagiisa na lang siya doon sa sinasabi nitong garden sa taas. Hinde kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya. Siya yung bisita tapos iniwan lang siya doon basta- basta.

“Nakakainis ka talagang tao ka! Isasama mo ko ditto tapos iiwan mo lang ako! Badtrip ka!” inis na inis na sabi niya habang hinahampas niya yung upuan.

“Sinong nakakainis?” tanong ni Rio.
Nagulat siya ng marinig niya ang boses ni Rio bigla siyang napapitlag pero agad naman niyang binawi ang gulat at nagsalita ng natural.
“Nakakainis kasi yung lamok kanina eh!” pagdadahilan niya.
Buti na lang at marunong siyang magtago ng galit niya kaya naman kahit papaano napagtakpan niya ang inis sa lalakeng ito.
“Bakit hinde mo ko hinintay doon sa baba?”
“Nakakainip eh! Tsaka saan ka naman nakakita ng bisitang iiwan na lang bigla.”
Patay nadulas siya nasabi niya ang di dapat masabi..
“Ang ibig ko sabihin baka kasi mainip lang ako dun kaya nagpaturo na lang ako sa katulong niyo.” Pagdadahilan niya ulit.
“Ganun ba! Halika na ihahatid na kita sa kwarto mo.”
“Sige kaya ko na! Hinde mo na ko kelangan hawakan.”
“May sakit ka ba ba’t parang iba ka ng dumating tayo kanina.”
“Wala. Wag ka nang lumapit.
“Sabi mo eh halika na!”
BV na talaga ang lalakeng ito kunyare may pakialam sa kaniya wala naman pala! Bakit pa kasi siya sumama rito eh hinde naman niya kilala yung mga tao ditto ang tangnga niya talaga. Habang pababa sila ay nakita niya ang isang  matandang palapit sa kanila. Nagulat siya ng bigla siya nitong niyakap.
Ang ganda mo naman iha! Ang galling talaga pumili ng apo ko.” Tuwang tuwang sabi ng matanda.
Ah, pasensiya nap o lola! Hinde po kasi ako girlfriend ng apo niyo eh. Kaibigan ko lang po siya.” Pagtanggi niya.
“Ganun ba iha! Sige basta feel at home ka lang ha.”
“Salamat po!”

Matapos ng usapan na iyon ay nagmadali siyang umakyat sa hagdanan na agad naman siyang hinabol ni Rio.

“Isha inlove ka na sa akin no?”
“Ikaw ba hinde mo titigilan iyang pagtatanong mo sa akin kung inlove na ako sa iyo o hinde? Nakakarinde ka na eh!”
“Ito naman ang sungit kelan ka ba babait sa akin.”
“Pag pumuti na ang uwak at pagumitim ang kalapati.”
“Sus inlove ka lang sa akin eh!”
“Ewan ko sayo.”

At umakyat na siya sa kaniyang kwarto sa sobrang pagod niya ay agad siyang humiga sa kaniyang kama. Nais na lamang niyang itulog ang inis na nararamdaman niya sa babaeng inuna pa ni Rio kesa sa kaniya. Gusto pa sana niyang tumayo para maligo kaso hinde na niya talaga kaya kaya pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.

Maaga nagising si Rio hinde pa rin siya makapaniwala na naisama niya ang pinakamamahal niyang babae sa kanilang rancho. Sa sobrang tuwa niya siya na mismo ang pumasok sa kwarto ni Isha para ito ay gisingin. Pag pasok niya ng kwarto ni Isha ay nagulat siya dahil hinde man lamang ito nagbihis ng pantulog. Lumapit siya sa kama ni Isha gigisingin n asana niya ito ng Makita niya ang magandang mukha nito at  hinde niya napigilan na haplusin ang magandang mukha nito at ang titigan ang mga labi nito. Hinde na rin niya napigilan na halikan ito sa noo. At hinde pa nakonteto at hinalikan niya ito sa labi. Natagalan siya sa pagtitig sa dalaga. HInde siya makapaniwala sa sarili niya na nahalikan niya ang pinakamamahal niyang babae. Alam niyang hinde tama dahil hinde naman sila pero hinde niya mapigilan na matuwa dahil nahalikan niya ito.

“Ikaw na Rio talaga! The best ka ang galling mo ang tapang ng apog mo. Sa susunod totoong halik na ang ibibigay ko sayo Isha. Sana naman mainlove ka na sa akin. Kasi pagnainlove ka sa akin ikaw na pinakamaswerteng babae! Papakasalan kita agad kung gusto mo.” Pagtatapat ni Rio sa tulog na si Isha.
Pinagmasdan pa ng matagal ni Rio si Isha. Hinayaan lang nito na magising ito ng sa sarili niya. Maya-maya ay gumagalaw na ito at nagunat una at unti-unting minulat ang kaniyang mata.

“Good morning babes!” masayang bati ni Rio habang hawak hawak ang isang pirasong red roses.
“An gaga-aga mambubwiset ka nanaman?” inaantok pa na tanong ni Isha.
“Hoy! Hinde ah binibigyan na nga kita ng flowers eh. Tayo ka na mahal ko sabay na tayo kumain para masaya doon tayo sa veranda.” Pagyayaya ni Rio.
“Sandali lang maliligo muna ako. Mauna ka na lang kung gusto mo.”
“Hinde sige hihintayin na lang kita sa labas ng kwarto mo.”
“Bahala ka!”

Hinde alam ni Isha ang iisipin niya. Sa tingngin niya kasi ay parang may humalik sa mga labi niya. Para siyang hinalikan ni Rio yun nga lang hinde niya alam kung panaginip ba o totoong nangyare. Nako mababaliw na siya bakit naman niya papanaginipan ang mga bagay na ganun. Wala naman siyang gusto kay Rio ah pero bakit ganoon na lang ang kabog ng dib dib niya ng Makita ang gwapng mukha ni Rio pagkagising niya. Nako ewan. Gutom lang ata yon. Naligo na siya ng mga ilang minuto tapos pumili siya ng isang hinde naman gaanong kaikling shorts at simpleng white t-shirt. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto niya.
“Wow! Asteg ha… ang ganda mo naman.”
“Baliw simpleng damit lang to.”
“Hinde nga Isha I’m serious ang ganda mo kahit simpleng damit lang ang ganda mo.”
“Alam ko since the world began maganda na talaga ko nasa lahi nanamin iyan.” Patawang sabi nito.
“Halika na kumain na tayo.”
“Sure!”
Nang makarating sila sa Veranda ay natatanaw niya mula rito ang  ang magandang hugis ng taal volcano. Sobrang nagagandahan siya rito kaya naman hinde muna siya magsusungit sa lalakeng ito.
“Pst…. Lakwatsa tayo mamaya punta tayong barn.”
“Sige ba! Anong gagawin natn?”
“Basta secret!”
“Teka nga sinong nagluto nito? Ang sarap eh.”
“Si manang Ising ang sarap no ito lagi namimiss ko eh.”
“Sinabi mo pa ngayon lang ako nakakain ng ganitong kasarap.”
“Ang takaw mo pala!”
“Huh?”
“Yung sauce nagkakalat sa labi mo.”
“Ay! Akina nga yung tissue.”
Imbis na iabot ni Rio ang tissue ay inilapit ni Rio ang kaniyang mukha sa mukha ni  Isha. Sa sobrang gulat ni Isha ay naheadbut niya ito ng hinde sinasadya at nahilo-hilo ito.
“May sa maniyak ka talagang lalake ka no? Kung kelan naman napagpasiyahan kong maging mabait sayo kahit papaano ay sinira mo nanaman. POSA! Yan lang ang nararapat sayo Manyak!”
Iiwan n asana niya ang lalakeng ito kundi lang niya napansin na parang hinde ito gumagalaw.
Rio! Hoy! Anu ba hinde magandang biro yan ah! Hoy!”
Nang hinde na ito umiimik ay nataranta na siya napatay niya ata si Rio. Nako ayaw pa niya makulong bata pa siya maraming pangarap.
Rio! Gumising ka naman na oh! Hoy! Ahhhhhhhhhhh….Patay ka nab a?”
Ginalaw-galaw niya ito ulit at ng makitang hinde talaga ito sumasagot ay nagsisisigaw na siya.
“Manang Ising! Manang! Si Rio po ayaw gumising! Tulong!”
Agad naman siyang narinig ng matanda at tinulungan siyang buhatin si Rio papunta sa kwarto nito. Pinahiga nila si Rio sa kaniyang higaan at pinaypayan ito ni aling Ising. Alalang alala naman siya kasi naman kasalanan niya ang nangyare kaya kailangang siya ang mag-alaga rito.
“Ano ba kasing nangyare sa inyong dalawa?”
Hinde niya malaman ang sasabihin. Nakakahiya naman kung sasabihin niyang naheadbut niya si Rio dahil sa paglapit nito sa mukha niya ng biglaan. Bahala na si Lord manghihingi na lang siya ng sorry sa ginawa niyang pagsisinungaling.
“Ah kasi po nagkauntugan kami..na…napalakas po ung impact sa kaniya  kaya yan.”
Pagdadahilan niya sa matanda.
“Ganun ba iha! O sige iwanan ko muna kayo pagluluto ko lang to ng lugaw at para mahimasmasan pagkagising.”
“Ay tutulong na po  ako ako naman po ang may kasalanan eh. Kaya naman ituro niyo na lang pos a akin yung recipe ng lugaw at ako na lang po magluluto.”
“O sige halika na!”
Sa totoo lang ayaw lang niya makaharap ito pagkagising kasi alam niyang siya ang sisisihin nito sa pagkahilo nito. Kaya naman tutulong na lang siya kay Manang Ising.
“Alam mo iha! Nakakatuwa ka bagay kayo ni Sir Rio.”
“Nako Aling Ising magkaibigan lang kami non.”
“Ewan ko lang ha basta Feel ko para kayo sa isa’t isa.”
“Nako Aling Ising! Tama na nga ho iyan. Ihahatid ko na to sa itaas baka gising na yon.”
Grabe din pala yung matanda na kasambahay nila. Makulit din eh parang yung amo. Anyways  ito na moment of truth.
Rio, gising ka nab a?”
“Grabe ka ang sakit sa ulo nung ginawa mo.”
“Ikaw naman kasi eh! Bakit ba kasi inilapit mo yung mukha mo sa mukha ko.”
“Wala lang trip ko. Teka ano yang dala mo?”
“Lugaw para sayo.”
“Pakainin mo naman ako oh! Nahihilo pa ako eh.”
Lumapit si Isha sa higaan ni Rio at inilapag yung lugaw dun sa maliit na lamesa ng katabi ng higaan nito. Nakatalikod lang siya sa  binata ng biglang  hinawakan ni Rio ang bewang niya at napahiga siya sa dibdib nito. Mabilis ang pintig ng puso niya hinde niya malaman kung anong gagawin. Yakap yakap siya ni Rio ng mga sandaling iyon. Gustuhin man ng isip niyang  magpumiglas  ay ayaw naman ng makulit niyang puso kontento na siya doon. Alam mo yun yung parang ang sarap ng feeling.
Rio!”
Isha.. wag ka munang magsalita.”
“……”
“Naririnig mo ba?”
“…….”
“Hoy! Tinatanung kita kong naririnig mo ba? Kinakausap kita ayaw mo magsalita.”
“Eh sabi mo wag ako magsalita eh!”
“AHHHHH.. Basta naririnig mo ba ang bilis ng tibok ng puso ko no?”
“Um…Oo!”
“Malapit kasi sa akin ang  babaeng pinakamamahal ko. Alam mo ikaw na ang nagmamay-ari niyang puso ko.”
“Bola mo! Tigilan mo nga ako. Nahihilo ka pa kaya mo yan nasasabi at isa pa akala mo ba  madadala mo ako sa bola mong iyan nako ewan ko sayo. Bitawan mo na nga ako mamaya may makakita pa sa atin sabihin kong ano ginagawa natin eh.”
“Ayoko nga nageenjoy pa ko yakapin ka eh! Mamaya na lang.”
“May sapak ka na talaga eh. Bitiwan mo na nga ako.”
“Bleeeeeeee.. Ayoko!” patawang sabi ni Rio at sabay kiniliti si Isha.
“Ah! Yan pala gusto mo ha! Itong sayo.” Sabay kiliti di si Ishakay Rio.
Umabot ng ilang minuto ang kilitian nila ng biglang napagod na lamang sila at biglang nagkatitigan. Mali ang move na ginawa ni Isha kasi ng tinitigan niya ang lalakeng ito ay biglang nagwala ang puso niya. Hinde niya alam ang gagawin ng paunti-unting lumapit sa mukha niya ang mukha ni Rio at mukhang hahalikan siya nito sa labi. HInde niya maintindihan ang kaniyang sarili. Gusto niyang umalis at bigwasan ito but at the same time gusto niya rin halikan ito. Palapit na ng palapit ang mukha ni Rio unti na lang at malapit na maglapit ang kanilang mga labi ng biglang may pumasok sa kwarto ni Rio ang bunsong kapatid nito na si Kean.
“Kuya Rio! Ayyyyyyyyyyyyy.. sorry! Rated PG pala yan sensiya na ha! Tuloy niyo lang lalabas na lang ako.”
Sa pagkakataong iyon nabawi na ng kaniyang isip ang kaniyang sarili kaya agad siyang bumitiw sa pagkakayakap nito at tumayo.
“A…ano ummm… magpapahangin muna ako. Magpahingnga ka muna diyan ah. Kainin mo y..yung…l…lu…gaw mo! Ba…Basta Bye!”
Sabay takbo ng mabilis palabas ng kwarto ni Rio. HInde niya malaman ang gagawin dahil sa kahihiyan. Matalino naman siyang babae pero bakit biglang ganoon. Bigla na lang siya trinaydor ng puso niya. Nako kakahiya ewan. Anon a ba ang nangyayare sa kaniya naiinlove na kaya ito sa mokong na yon.. Hinde pwede!

No comments:

Post a Comment