Yow. Pasko! Pasko!Pasko! Pasko nanaman ngayon. Yeah.
Ano ba ang pwede kong sabihin? Ewan ko pero bigla ko lang naisipan na magsulat ngayon. Ganito kasi talaga ako lalo na kapag nakakabasa ng mga akda ni Bob Ong hindi ko alam pero nabubuhayan akong magsulat ulit sa Blog ko. Naisipan ko isulat yung mga naaalala ko tungkol sa pasko ng kabataan ko pa at kung anong pinagkaiba ng pasko ko ngayon sa noon. Maraming-marami ang pinagkaiba. Iisa-isahin ko ah.
. Dati
ang dami kong natatangap na regalo. Bakit? Kung saan-saan kasi ako inaakay nina mama para mamasko sa mga ninong at ninang ko. Saya-saya ko pa kasi bukod sa regalo may bonus pa na pera. Eh di ang yaman ko lagi kapag pasko.
Ngayon
matanda na ako..( Di namang sobrang tanda. para asarin ng lola katulad ng isa kong kaklase. Malay ko ba kung bakit inasar yun na lola na gayun eh mas matanda pa ako dude. So NVM.)Balik sa kwento ko. Ewan ko pero kina mama na lang ako nanghihingi ng pera. Ni ayaw ko nga lumabas kasi makikita ako ng Ninong ko next door at baka isipin na nagpapansin ako kasi gusto ko ng regalo or something. Nakakahiya kaya. (Pero syempre ganun na din ang ibig sabihin ko dun. Di lang ako nagpapahalata. Malamang porket ba malaki na hindi na pwedeng mamasko. May mga pangangailangan din naman kami. Ahuehehehehe..)
Dati..
Kapag binibigyan ako ng pera. Hindi ko ginagastos sa mismong araw. Hinahayaan kong magpapabili ako ng mga kung anu-ano kina mama sa pera nila at hindi sa pinamaskuhan ko. Ayoko kasi gumasto sa saktong okasyon. Ewan ko ba ayokong gastusin kahit anung pera kasi ang sarap lang tignan ng wallet na may lamang pera. Sarap lang idesplay yung pera. HUAHAHAHAHAHA..
Ngayon..
Iba na. Well gusto ko pa ding itago yung pera at pagkasyahin na lang yung sarili ko sa pagtingin sa wallet ko pero bumibili na ako ng mga kung anu-anong gamit. Specially Libro. Ewan ko kahit gaano ko kagustong bumili ng damit iniisip ko na luluma din yung brand na gusto ko pero libro. Pwedeng gawing collectors Item. Para naman may mga ipagyabang pa ako. Hueheheheheh. Ang salbahe ko!
Dati...
Never akong naexcite sa mga exchange gifts. Ewan ko ba? Para sa akin hassle lang ang magregalo kasi naman iisip ka pa ng mga kung anu-anong bagay para pangregalo. Tapos minsan di pa sumasakto sa gusto ng pagreregaluhan mo sarap sanang sabihin na kung ikaw na lang kaya ang bumunot ng sarili mong pangalan. Di sana alam mo kung ano yung gusto mo. Sarap ding bigyan na lang ng pera para less hassle. Tapos lagay mo pa sa Ampau. Ahahaha. EPIC yun. Tignan ko lang kundi nagkaroon ng konsumisyon yung pagreregaluhan mo.
Ngayon...
Ganun pa din. Hindi pa din ako natutuwa sa mga exchange gifts. Kasi naman natrauma na ata ako sa mga Pamatay na regalo ng mga bumubunot sa akin. Kung di Towel, Stuffed toy, Mug o di kaya Alarm Clock nung elementary. Sarap sana sabihin na kung pera na lang po. Kelan lang ako nakatanggap ng matinong regalo nung naghighschool ako. Yun lang. Dun lang. PRAMISE! Buti nga matitino mga utak nitong mga naging kaklase ko eh. Huehehehehhehe..
Dati...
Maniwala kayo sa hindi nagsasabit ako ng medyas sa pinto ng kwarto ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi sa bintana? Malamang walang bintana yung kwarto ko. Nagsasabit ako kasi umaasang may laman na yun bukas paggising ko. I remember the days na sina mama pa ang nagpapaalala sa akin na magsabit daw ako baka dumaan si Santa. Tapos paggising ko kinabukasan. May laman na One hundred tapos mga kendi.
Di lang ako nagpapahalata pero alam ko naman na sina mama yung naglalagay nun. Ahahahaah. Akala nila ah! Malolloko nila ako. Hmp..
Ngayon
Eeeeeeeeewww.. Never na akong nagsabit ng medyas sa pintuan ng kwarto ko. Diretshang hingi na lang kina mama. Mas masaya pa yun kasi sasabihin mo lang kung magkano gusto mo bibigyan ka na. Masaya dibaaaaaaaaa.. Autumatic pa
Dati..
Nahihiya pa ako kumain sa mga Christmas Party. Ayoko kasing makita nila kung gaano kabusabos ako kumain nung bata pa ako. Pahinhin effect kunyare. Para mapuri. Tsaka para naman mayos pa yung damit ko kapag nagyaya ako sa mga magulang ko na mamasyal. Tsaka iwas diyaheeeeeeeee..
Ngayon..
Di na uso hiya-hiya sa akin. WA PAKELS NA AKO. BASTA KAILANGAN KO MAKAKAIN. Hindi ako pwedeng magutom. Yun lang naman ipinupunta ko sa Christmas Party eh. Para ihatid yung regalo ko sa demanding na kaklase ko, para kunin yung regalo ko at para kumain. Ayokong naglalaro ng mga games. Ang korni. Bigay niyo na lang lahat ng mga Price sa lahat para FAIR AND SQUARE.
. Dati..
Never namin namiss nina papa ang mga palabas sa sinehan kapag pasko. Tatlo lang kami laging nanunuod. Malamang isang anak lang ako eh. Sa loob ng sinehan. Ang ingay ni papa. Ang daming side comments ako naman ingay-ingay din, Huehehehe. Si Mama. Ayun NGA NGA TULOG. Wapakels. Isa pa pala. Never namin namiss yung Enteng Kabisote na Movie. Actually hindi ko naman talaga gusto yun. Si papa ang may gusto.Si papa ang may pera kaya gora na lang kami. Wala akong magawa. Bata pa ako nun eh.
Ngayon..
Masakit man sabihin pero hindi na kami nanunuod nung Enteng Kabisote. Nakakamiss lang. Ahuehehehe. Tatlo pa naman na silang bida dun. Sayang! Tsk! Andun pa naman si Ryza. Gusto ko pa naman siyang panuurin. Ahueheheheh..Pero siguro din narealize nanina Papa na masyado na yata akong matanda para dun at naiintindihan nila na iba na ang taste ko sa mga movies. Anyways mahal naman nila ako kaya oks lang.
Well. Madami pa akong gustong isulat kaso sa kadahilanang hindi ko na maalala yung mga dati kong ginagawa ay. Hanggang dito na lang. Napadaan lang naman talaga ako at nagsulat. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. May libro ako. Dalawa. Binili ko. AHueheheheheh.. Okay na ako sa dalawang libro ko. Marami mang nagbago. Okay lang. Ganun pa din ang height ko. Maliit pa din ako. Sana sa susunod na Christmas Progressing naman. At nga pala. AHAHAHAHAH. May naisip akong kalokohan. Total Next Year na Debut ko. Iimbento ako ng bagong 18 something. Ahahahaha.. Kung may 18 SHOTS. At 18 SHOES. Ako may 18 Books. HUahahahahahahah! Yun lang. Byeeeeeeeeee<3 Hanggang sa muli kong pagsulat!