Pages

Wednesday, December 26, 2012

Bakit namumulubi ang mga Artists?


Hindi ko alam pero ngayon ko lang talaga napagtanto ang lahat. Ngayon ko lang nalaman sa sarili ko ang dahilan kung bakit namumulubi ang lahat ng mga artist habang nagsisimula pa lamang sila. Malaking sugal kasi ang pagpinta at paglikha ng mga gawang sining. Katulad sa isang contest walang katiyakan ang iyong pag-unlad. Pero hindi iyon ang nais kong isulat...

Sariling obserbasyon ko lang naman ito at wala akong ipinapahiwatig sa gusto kong sabihin. Ang sakin lang ay gusto ko ipahatid ang sarili kong opinyon kung bakit karamihan sa mga nagsisimula pa lamang na pintor ay naghihirap.

Kung bakit ko napagtripang isulat to ay dahil sa sariling karanasan at sobrang pag-iisip kanina ng mga nagastos ko.

Nagumpisa ang lahat dahil sa isang proyekto na excited akong gawin. Bakit? Dahil kasama dun ang Art. Ang pinakapaborito ko sa lahat ng components ng MAPEH. Magdrodrowing kasi at isa pa. Makakalaya na ako sa paggamit ng crayola na ilang buwan ko ng pinagtitiisan dahil sinabi ng Teacher namin na yun lang ang gagamitin at isa pa. Excited akong pagandahin ang gawa ko dahil gusto kong madisplay yung gawa ko sa Exhibit at para naman maitago ko pa to at maging remembrance kung sakali. Ganun ako kadisididong magdrawing ng maganda. Excited din akong bumili ng mga materyales na gagamitin ko. Syempre sariling pera ko. Mayaman yata ako ngayon..

Habang nasa jeep ako iniisip ko na lahat ng bibilhin ko. Ang dami pala sobra. Mukhang mauubos ang pera ko at hindi nga ako nagkamali. Wala simot ang aking pera. Doon ko napagtanto ang lahat habang papauwi ako na nakasakay sa jeep. Iniisip ko kung magkano ang lahat ng nagastos ko.Tapos naisip ko kaya pala naghihirap ang mga artist ay dahil sa pagbili sa mga materyales na kakailanganin nila. Syempre para mapaganda ang isang bagay o ang isang painting. Kailangan niyang bumili lahat ng mga magagandang materyales na sasakto para sa nais niyang gawin. Syempre ikaw kung gusto mong makagawa ng maganda yung mga dabest na gamit ang bibilhin mo na alam mo ding sulit kahit pa mahal yan basta mapaganda lang yung gagawin mo bibilhin mo yan. Ganyan  ang mga artist sumusugal sa walang kasiguraduhan.

Bakit ko nasabing walang kasiguraduhan?

Kaya ko nasabing parang sugal or kung ano man kasi bibili ka nga ng materyales na mamahalin pero ang problema ay kapag tapos na hindi lahat ng tao ang makakapansin nito o makakapreciate kasi nga ang mga tao ay may mga sariling opinyon at may sariling panlasa kung ano ang maganda at pangit sa kanila. Kaya nga nabuo ang kasabihang "Beauty is in the eye of the beholder."

Dati pinangarap ko ding maging artist pero dahil nga sa hindi akma o hindi magandang choice yun ay kinalimutan ko na lang yun at nagkasya na lamang ako na ginawang libangan ang pagguhit.Sabi kasi nila kapag naging artist ka wala kang FUTURE. Kasi nga walang kasiguraduhan. Pero para sa akin kahit namumulubi pa din sila ay hinahangaan ko pa din sila? Bakit? Bakit ko sila hinahangaan sa kabila ng kanilang paghihirap. Malamang dahil yun talaga ang gusto nilang gawin at kahit naghihirap sila ay masaya sila na nakakapagbigay kulay sila sa mga iba't-ibang mga bagay.

Mahirap ang maging artist. Pero kahit ganoon ay saludo pa din ako sa lahat ng mga artist sa mundo na nagpapatuloy pa din sa propisyon na kanilang pinili kahit sila ay nagdaranas ng paghihirap o pamumulubi.

Kaya mga artsist sa buong mundo ay saludo ako sa inyo :D

No comments:

Post a Comment