Akala ko lahat ng perstaym tapos na. Well. Andito nanaman ako sa blog ko palabas lang ng Kilig. Hahahaha. Isa lang pero ititigil ko din to :p Ito naaaaaaaa... Magbloblog na ako ng tungkol sa.. Hmm.. Sabihin na natin na tungkol sa Love. Love na nga ba? Hindi pa naman siguro to ganun pero.. Basta nasa category ng ganun.
Nakakainis lang na nakakatuwa. Ay ewan. Parang baliw langs. Well kasiiiiiiiiiiiiiii..nemen eh. nakakahiya. Ayoko na! Huehehehehe..
Ito na talaga. Kasiii.. Hmm..Kakaiba lang talaga. Kahit ako nagulat ako sa sarili ko kahit nga mga kaibigan ko eh. Sabi pa nga nila
"Boy! Perstaym kitang makita ng ganyan.Pramise. Sa tinagal tagal kitang kasama kahit sa unang boyfriend mo di kita nakitang nagkaganyan."
Anong sinasabi ko? Weelll... Kasi lang naman perstaym ko talagang mamula ng sobra. Can't explain. Love at first sight? Ehhh... hindi naman ako naniniwala sa ganun. Pero ewan ko. Nakakainis! Kasi naman ganito yun. Nagkukuwentuhan lang naman kasi kaming lahat ng may nabangit na pangalan yung anez kong kaibigan. Tapos parang ako "Haluh? Siya pala yun? Matagal ko na yun nakikita eh."
Sagot naman siya ng oo. Tapos nagkaayaan. Inaya ako pumunta kung saan. (BTW SA LOOB LANG TO NG CAMPUS)Sama naman ako. Lakad. Lakad. Tapos actually ayoko pa ngang sumama kasi makikita ko yun. Si Anez. Ayoko lang kasi di ko alam kung bakit pero nahihiya ako.Di man kami magkakilala pero nahihiya talaga ako.Andun na malapit na sa pupuntahan namin. Tapos biglang may nagsilabasan dun sa isang room. Mga kaklase din namin yun.
Hinintay namin silang lahat na makalabas. Paglabas nila dahil ako ang nauuna. Nakita ko siya. Para akong naestatwa! As in STATUE OF LIBERTY ANG PEG. Bakit? Nakita ko kasi siya na tumatawa tapos nakangiti na nakikipagkuwentuhan sa iba. Hindi ko alam kung anong nangyare sa akin pero bigla akong namula at tumakbo. Hinabol pa ako ng kaibigan ko. Takbo ako tapos diretso ng Journ room. Napulang. Pulaaaaaaaaaaaaaaaaaa.
Nakakainis. Perstaym ko talaga. Pramise. Hindi ko akalain na magkakaganun pa ako kasi syempre sa tanang buhay ko na nagkacrush na rin naman ako ng mga di ko kaclose eh. Kapag nakaharap ko naman eh hindi ako tumatakbo tsaka di ako nagpapahalata pero iba talaga eh. Perstaym talaga to na tumakbo ako. Sana nga di napansin eh.With matching mula mula pa ng mukha. Like an apple lang. Nakakainis! Ayoko ng ganito.
Tapos pagkatapos nun pulang pula talaga ako na hindi ako makapagsalita. Hindi ko talaga alam ang nangyari biglaan. Yung kaibigan ko naman tawa lang ng tawa. Punyemas nangaasar pa. May nalalaman pang ako ang magiging cupid niyo. May nakisama pang isa. Sabi ko sa kanila "Subukan niyo lang akong sabihin dun malalagot kayo sa akin. Ayoko naman kasi eh!"
Sila naman umoo lang pero feeling ko may mga maitim na binabalak. Nakoooo.. Lang talaga ah. Ayoko talaga. Para akong tanga. Kasi naman eh.
Bakit ayoko? Ayoko lang. Kasi basta may kung ano talaga na ayaw ko lang. Hindi ko alam pero ayaw ko lang. Tapos may part naman na kinikilig kilig. Actually habang sinusulat ko to. Nakangiti ako eh. Heheheheheh.. Di ko alam pero napapangiti na lang talaga ako bigla. KABAKLAAN KO NANAMAN EH! Naaalala ko kasi mukha niya. Ayan ngumingiti nanaman ako. Ayoko na nga! Heheheeheheheh.. Pero promise first time ko lang talagang magkaganito sa tanang buhay ko. I never thought na capable pala ako sa ganung emotion. Kasi mostly naman kaya kong itago. Kaya ko pang icompose yung composure ko. Pero iba talaga eh. Pagdating sa kaniya parang biglang..BOGSH. Bagsak lahat parang hindi ko kayang maging normal lang.
Para talagang apple. Yung mukha ko sa sobrang pula. Yun lang muna sa ngayon kasi kakaiba talaga eh.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!
ReplyDeleteShete para akong nababasa ng diary ng isang
Romance Novel XD
Tigilan mo akong baboy. Ka ah. Ayoko nga eh. Crush lang. Crush lang :D
DeleteManang-mana sa pinagmanahan =))))))
ReplyDelete