Pages

Wednesday, September 5, 2012

Pesteng Siyete OVER Labing-isa.

"May mga bagay na hindi maipapaliwanag ng salita kundi luha lamang ang makakapagbigay ng kasagutan." P.S. Ngayon lang talaga ako magtatagalog kahit papaano sa Blog ko kasi masama loob ko. Yung tipong gusto kong maiyak pero parang wag na lang at walang lumalabas. Nangako na ako sa blog ko na I'm not gonna write anything na madrama kaso di ko mapigilan. So let's start :D ................................................................. Yesterday was a really great day of my life. Nakumpleto ang SPJ. Kahit sa maiksi oras at panahon ayos na ako dun na nagawa nanaman namin yung dati naming ginagawa. Hindi muna ako magpapaligoy-ligoy pa ng kung ano. Straight to the point is the right thing to write right now.Kagaya ng ng sinabi ko sama-sama kami kahapon. Jamming sa kantahan at binabalikan ang mga bakas ng nakaraan na nalimot man ng iba ay nanatili pa din sa aming mga puso. Pakelam ko ba sa iba. Kalimutan na nila kami wag lang kaming magkalimutan. Kantahan . Asaran . Kwentuhan . Batuhan. Ang saya. Nafeel ko ulit na andito pa ang SPJ at parang nakalaya nanaman kami. Puro pa nga pagplaplano ang naganap kahapon. Ang saya. Nakangiti ulit ako ng TODO kahit medyo nadissapoint ako sa grade ko. WANAKO PAKE. Kasalanan ko naman di ko pinagbutihan. Okay lang. Basta masaya kami at magkakasama ang lahat <3 There is nothing that can stop my happiness on that day. The Next day.  Masaya nanaman kami. Sabi ko nga sa mga previous BLOGS ko.The more they tear us apart the more we get closer to each other. The more we stick together and the more we stand tall. Yun ang nararamdaman ko at syempre nilang lahat. Alam ko naman. masaya kami na kami kami lang yun na nga sigaw namin eh. Kami na lang. TAYO-TAYO na lang ulit. Naprove ko pa nga na lalong naging close ang SPJ ng may mga nagkakasakit at mga naaksidente. Dahil hindi talaga nagiiwanan kahit ano ang mangyari. Gagamutin kung kaya. Ganun na kami kaclose yung tipong alam lahat ng galawan ng bawat isa. Kanina pa nga tumibok talaga yung puso ko ng sabihin ni Mrs. S na magoovernayt sa kanila kaming lahat. Ang saya nun at ang sarap <3 SOLO ko nanaman sila. Kami kami nanaman. Tapos sinabi pa nila na sila ang magplaplano ng debut ko next year. Sobrang tumaba ang puso ko. MAHAL KO KAYO TODO-TODO at umaapaw. Tapos nagkayayaan sa Syete OVER labing-isa na tindahan. Akala ko magiging masaya. Yun pala NO! Minsan talaga may mga oras na akala mo masaya ka na. Akala mo maganda ang mangyayari yun pala hindi. Lagi namang ganun sa buhay eh. Ngayon lang talaga ako namulat sa realidad ng buhay. Hindi ko akalain na may kalungkutan pa na darating sa buhay. Naalala ko bigla hindi nga pala pwedeng laging saya na lang. Kailangan may blending. Pero bakit ngayon pa? Ngayon pa na okay na ang lahat. Taeng TWIST ng buhay yan.ANG GANDA NG TIMING.  Ano ba ang sinasabi ko? Dahil sa Pesteng Siyete OVER labing-isa na tindahan iyan nagkainisan kami. Hindi nagkaintindihan at kung anu-ano pa. Actually nagtatampo lang naman talaga kami eh. Alam ko naman na hindi nila maiintindihan yun kasi iba ang mga babae sa mga lalaki pero mas namimiss ko talag yung dating sila. Na yung tipong sobrang ang lalambing. Alam ko naman na walang permanente sa mundo at kailangan ng lahat magbago para sa ikabubuti ng iba. Pero.. Ewan di ko lang matanggap na iba na. Iba na talaga. Natatawa nga ako na hindi ko maintindihan eh. Para lang ako ng tanga. NABOBOBO NA AKO. Hindi ko naman pwede ibalik ang dati kasi nga lahat kami tumatanda na at kahit ayoko ng pagbabago kailangan dahil.. Iba na yung mga mundong gagalawan namin. Siguro kanina para sa kanila mababaw yung pagkakaintindi nila. Wala naman kaming magagawa kung mababaw yung pagkakaintindi nila eh. Lagi naman eh. Lagi naman nilang sinasabi na mababaw eh. Tapos kapag di naman na sila pinansin. Sasabihin sila nanaman may kasalanan. Nakakainis lang kasi yung tono nung mga boses nila. Parang kami pa ang may kasalanan ng lahat. Although may mali din kami pero hindi naman kami ang may kasalanan ng lahat. Nakakatampo lang kasi pagdating sa iba sobrang concern sila. Pagdating sa amin naman parang wala na lang. Nakakahurt lang. Hanggang ngayon naalala ko pa yung mga tono at mga itsura nila. Nakakaiyak na lang. Hindi naman sa lahat ng oras mababaw ang lahat. Intindihin mo muna dude. Hindi mo maintindihan KOYA kasi hindi mo muna pinakinggan ang lahat. KOYA.. EWAN KO SAYO. NAKAKAINIS LANG. Parang mali pa yata kami ng napagsabihan. Tapos WALK OUT EFFECT PA at yung mga itsura nila na "Bakit pa tayo sumama dito. Wala naman yung pinunta dito" Look. NakakaBADVIBES lang ng sobra. Nakakainis kaya.... Tapos nadagdagan pa ng isa. May mawawala sa journ. Nakakaiyak yung feeling na for 3 years journ na kayo tapos may isang bibitaw. Hindi ako galit or naiinis sa kaniya kasi alam ko naman at naiintindihan ko na may sarili siyang rason na hindi ko naman dapat pakealamanan. Ang sa akin lang mamimiss namin siya. Alam ko naman na kasama pa din namin siya sa iisang room. Makakausap pa din. Pero.. Wala eh..TABLADO. Kulang pa din. Magbibirthday pa naman ako :( Tapos ganito pa ang nangyayari sa lahat. Para sa isang buong araw na buhay ko sobra-sobra namang sakit sa puso. Nakakainis na ang batang kaisipan ko ay namulat na talaga sa realidad ng totoong buhay na hindi pwedeng lagi na lang masaya. Na hindi pwedeng umiwas sa pagbabago at sa pagbabago na yun ay di maiiwasan na may mawala at makasakit. Ilang buwan na lang ang pagsasamahan naming lahat. At ganito pa ang nangyayari sa amin. Alam ko naman na kaya naming lutasin to. Kami pa. GOLDEN AGE ata kami. Pero mas masaya kung yung mga nalalabing araw eh pulos saya na lang at tawanan. Hindi ganito. Bilang na lang ang mga araw namin. Mga oras. At mga sandaling pagsasamahan. Unti na lang ang panahon. Magkakahiwahiwalay na kami. Sabay-sabay na kaming sasali sa magulong laro ng katandaan. Unti-unting mamumulat sa realidad ng buhay. Unti-unting mawawala ang kamusmusan na patuloy pa ding pinanghahawakan hanggang ngayon. Sana lang sa sabay sabay nating pagmulat sa realidad ng buhay ay hindi natin makalimutan kung saan tayo nanggaling. Kung saan tayo nagakasamasama at lumaki. Kung saan natin nahanap ang mga sarili natin. Kung saan nabuo ang lahat.. Kung saan nagkaroon ng samahan na tinawag na REPUBLICK OF SPJ.




No comments:

Post a Comment