Pages

Sunday, October 21, 2012

Mga Makukulit na Kaibigan..

Magpospost na ulit ako sa Blog ko. This time about naman to sa mga kaibigan kong mas anez pa sa akin. Yung tipong ang hilig manguna sa lahat ng bagay. Mga Hayuup at mga Hitad na Tao..
Pero mga mahal ko :D

_________________________________________________________________________________

Sabi nila ang tunay na kaibigan daw ay yung tipong mga taong kapag may crush ka mas kinikilig pa sila sayo. Tapos kapag andyan na yung crush mo aasarin ka nila ng walang pakundangan at wa pakels kung malaman ng krush mo kahit ayaw mo.

Kung yan ang definition ng mga tunay na kaibigan. Aba'y HAYUUP. Ang dami kong ganyan. Madami akong tunay na kaibigan na ganyan. Nakakainis pero nakakatuwa. Bakit nakakainis. Eh kasi naman ayaw mo ngang malaman ng Krush mo yung tipong dedma effect ka lang pagandyan pero yung mga kaibigan mo nilalaglag ka at parang nasa jungle kung maghiyawan. Yung feeling na "Ayan alam na niya. Nakakahiya. Mga hayuup kayo!" yan lagi ang nasa isip ko kapag umiiral yung mga kaanezan ng kaibigan ko. Nakakatuwa kasi parang sila pa yung may Krash dun kung kiligin. Nakakatawa lang yung mga expression nila at yung mga pangaasar nila sayo ng wagas wagasan.

Minsan tuloy pakiramdam ko sinasabotahe ako ng mga kaibigan ko. Di ko alam eh. Laptrip lang. Ganito pala ang feeling ng ginagawa ko sa mga kaibigan ko. Laptrip lang. Ginagantihan na nila ako ngayon. Mga hayuup at mga hitad talaga. Naisip ko tuloy. Ayuko na pong mang-asar. AHAHAHA.. Ganito pala feeling ng inaasar. Sorry na po sa mga kalokohan ko. WAHAHAHAHA.. Natatawa ako sa mga naiisip ko para lang akong tanga.

Medyo mahaba tong blog ko na to kasi natutuwa talaga ako sa mga kaibigan ko lalo na kahapon :D

Ito na kwentuhan na :

October 20, 2012 (Saturday)

Ang hayup lang nng skul namin kasi may pasok kami. Hindi ako natutuwa. Dapat kasi natutulog ako ng mga oras na yun. Dapat masaya ako sa buhay ko pero hindi eh. Ang Chaka lang.. Wala din naman kaming ginagawa sa skul kahit pumasok kami. Nagitem analysis lang. Wala namang kwenta yun eh. Tsss...Tapos ayun umupo na lang ako sa upuan ko.Yung mga katabi ko busy. Yung isa nagbabasa ng kikomachine. Yung isa di ko lam kung anong ginagawa niya. AHAHAHA. Busy ako nagbabasa ng Sidney Sheldon. Nakaearphones din ako nun eh. Tagisa kami nung nagbabasa ng KIKO. Tapos nagsalita siya "Sabi ni _________, hahatid niya batikan ko? Asan na kaya?" Tapos ako. "Pupunta din yun mamaya baka may ginagawa lang." Tapos balik na ulit kami sa pagbabasa. Maya-maya dumating na yung hinihintay niya. To namang katabi ko takbo agad. Nalaglag tuloy MP3 niya. Ako naman "Huy. Ito nalaglag tuloy." Tapos pulot. Then Balik Basa. Dedma mode sa paligid. Tapos yung nasa likod ko dalawang anez na lalaking kaibigan. Kumakain sila nung nakalimutan ko na kung anong pagkain basta kumakain sila. May napansin si Papa sa Labas kaya inutusan niya si Bee ko na hawiin yung kurtina. Tapos tinignan ni Papa D kung sino tapos sabi niya "Ahhh.. Si_________. Tapos nagulat ako. Kilala ko yung apeylido na yun. Dedma pa din ako..Tapos si Bee. Kinalabit ako. "Uyyyy.. Nice Rheiza." Nasa isip ko nung mga oras na yun. PATAY! Sinasabi ko na nga ba eh. Di pwedeng di mapansin. Hayuuup! Tapos si Papa D mula sa likod niyugyog yung upuan niya. Tapos "NICE RHEIZAAAAAAAAAAAA! WOOOOOOOO! NICEEEEE!"
Paulit-ulit pa eh di ang ingay ako naman. Lord! Paalisin mo na. Bakit naman kasi naisipan ng asawa nung baboy na isama yun dito! Nakakahiya. Parang mga tannga kaibigan ko!

Tapos nagfly chikaru na sila kasama yung asawa niya. Ako naman nagtatago sa libro. Nang-aasar pa silang lahat. Si Baboy sabi niya "NICE RHEIZA." With matching nakakalokong ngiti. Tapos si Papa D naman "Nice naman oh." Yung si Cherry naman nakangiting EVIL SMILE. Yung si Bee naman. "Pati yung libro mong binabasa kinikilig." Pinantatakip ko kasi yung libro ko sa mukha ko. Nakakahiya naman kasi talaga yung ginawa nila eh.. Tapos hinampas hampas ko si Bee.

"Ang hahayup niyo talaga! Nakakainis! Alam na nga. Lalo pang nalaman. Nakakainis kayoooooooooo! Nakakahiyaaaaaaa.."

Tapos sila tawa lang ng tawa. Haissst. Mga kaibgan nga naman. Hayuup kung minsan.

And then uwian na. Nawawala yung wallet ko nababadtrip ako. Sarap manakal. Wala na nga wallet ko nawala pa yung eytgig ko (Pero nasa bag ko lang pala si eytgig. Wallet lang nawala) Nagaalburoto ako nanghihingi ng pamasahe sa nanay ko. Doble doble badtrip. Nawala na nga wallet ko. Masakit ulo ko. Hindi pa kami natuloy sa Documentary namin. Ang dami kasing epal. Nakakainis tuloy gabi ko. Nasa jeep na kami  pinamasahian ako ng nanay ko. Tapos ako yung mukha ko nasa likod lang niya nakapatong. Nakakainis kasiiii! Pero laptrip pa din yung gabi na yun kasi si G. Nasa gitna nung dalawang couple. Kaya tinatawanan namin. Nakakabastos daw kasi. Tapos ayun ang boypren na lang daw niya yung hawakan ng kamay sa jeep. Bumaba na yung asawa nung baboy edi isang couple na lang. Baby na tawag niya dun sa hawakan. Tawa kami ng tawa tapos bumaba na din si Garfield. Edi wala ng couple ako nagdradrama pa din kasi yung eytgig ko. Tapos si Chii laptrep hinawakan niya yung hawakan ng kamay tapos hinampas siya ni G kasi nangaagaw daw ng boypren. Ayun tawa kami ng tawa. (Para akong sira. Tumatawa tapos nagdradrama) Nakasubsob pa din yung mukha ko sa likod ng nanay ko. Pero nakatingin sa labas tapos huminto si Jeep. Saktong hinto ni Jeep nakita namin si Apple. Pauwi na sa bahay nila..Kakababa din yata ng jeep. Si G yung unang nakakita "Uy si anooo oh. Uyyy. Rheizaaaa!" Akala ko ako lang makakapansin. Bilis talaga ng mga mata ng mga taong ito. Tapos si Chii "Uyy.. iwas badtrip." Nakangiti na kasi ako na abot tenga. Kaya mas lalo kong sinubsob yung mukha ko sa likod ng nanay ko. Nanay ko naman "Landeee.. kinikilig." Si Baboy naman " Achuchuhcuhcuchcu!"

Sa isisp-isip ko. To talagang mga tao na to eh. Di na tuloy malayo na alam na niya talaga. Pero feeling ko alam na niya talaga. Bestfriend ba naman yun nung asawa nung baboy eh. Eh madaldal yung asawa nung baboy. (Ahahaha.. Peace Paree.. Wag  ka magalit :D)

__________________________________________________________________________

Anyways tapos na ang kwento. Ang masasabi ko lang mga hayup silang lahat. Pero kahit mga loko-loko sila at kahit lagi nila akong nilalaglag pagdating kay Crush. Okay lang. Mahal ko naman sila ng tunay.

ILABYOUUUUUUUU MGA HITAD KONG KAIBIGAN! THE BEST KAYO EVER. LALO NA SA MGA KALOKOHAN!

P.S. Mga siraulo kayo. Alam kong di naman mababasa nung iba yung nakasulat dito. Yung mga katangi-tanging nagbloblog lang ang makakabasa kaya bala kayo. Pero alam kong may isang tao na kapag nabasa to papabasa din niya sa lahat. Siraulo kang baboy ka! AHAHAHA :D ILABYOUUUUUUUU <3

No comments:

Post a Comment