Pages

Monday, October 10, 2011

FATE Chapter 15: Once upon a time

Buhay nga naman hindi mo malaman kung anong mga sorpresa ang hatid sayo. Parang katulad ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko akalain na maaaksidente si Jules at makakalimutan niya ako. Muntik na akong mawalan ng pag-asa pero buti na lang at hindi man ako maalala ng utak niya ay naaalala naman ako ng puso niya, kailangan ko lang maghintay at alam ko na maaalala niya rin ako at babalik din sa dati ang lahat.

Natalie: Ang bilis niyo naman atang bumalik tita.
Eliza: Nakita ko kasi tong pinsan ni Jules eh may pagka ewan to pagdating sa direksyon.
Daniel: Ikaw?
Natalie: Daniel?
Eliza: Magkakilala kayo?
Daniel: Nakilala ko lang siya a while ago.So si Jules ang boyfriend mo?
Jules: Dan? Ikaw ba yan?
Daniel: Jules! Musta?
Jules: Ito siraulo hindi ko kasi matandaan ang girlfriend ko.
Natalie: Ano ka ba!
Jules: Totoo naman eh.
Eliza: So iwan ko muna kayo ha.
Natalie: Sama na ako tita

Badtrep naman oh! Bakit ganoon? pinsan ko pa ang boyfriend niya. Si Jules pa. Napaglalaruan na ata ako ah. Naiwan kami ni Jules sa  kwarto niya,. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Bahala na.

Daniel: Siya ba yung girlfriend mo?
 Jules: Oo.
Daniel: Alam mo dre sayang. Nalove at first sight ako sa kaniya eh. Kaso girlfriend mo na pala siay.
Jules: Nagbibiro ka ba?
Daniel: Insan hindi ako nagbibiro. Kaya bilisan mo na ang pag-alala mo sa kaniya dahil pag hindi mo pa din siya naalala gagawa na ako ng paraan para maging girlfriend siya.
Jules: Loko ka ha! Umalis ka na nga dito.
Daniel: Tandaan mo yan insan.

Loko ka talaga Daniel! Bakit mo naman naisipan na sabihin iyon sa pinsan mo? Pero totoo yun ah may gusto ako kay Natalie pero hindi ko balak na agawin siya sa pinsan ko. Ginawa ko lang naman yun para magporsige siyang maalala si Natalie eh.'

Sa totoo lang gusto kong sapakin yung pinsan ko na yon. Oo close kami pero pagdating sa ganoong bagay hindi na pwede yon. Bakit naman kasi sa lahat ng kakalimutan si Natalie pa, ang girlfriend ko pa. Napaisip tuloy ako. Paano kung sa iba siya magiging masaya, paano kung hindi ko siya maalala. Di unfair naman sa kaniya yun. Paano kung nakatadhana talagang makalimutan ko siya. Paano kung sa iba siya mas sasaya. Paano kung sabay ng pagkalimot ko sa kaniya ay wala na din akong damdamin para sa kaniya. Pero...Ang daming katanungan sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat  gawin at kung ano ang tama. Tama pa bang ipaglaban ko siya kahit hindi ko na siya naaalala, o ipaubaya ko na lang siya sa iba. Bahala na

Eliza: Jules. Nasaan na si Daniel?
Jules: Umalis na po siya.
Eliza: Bakit daw?
Jules: Ewan ko dun? Nga pala mom where is Natalie?
Eliza: Nagpunta lang siya sa restroom. She'll be back soon.
 Jules: Mom, kapag bumalik na siya pwede bang iwan mo muna kami.
Eliza: Sure!


Natalie: Gusto mo daw ako kausapin Jules?
Jules: Ah, Natalie..I think we should break up.
Natalie: A...ano?
Jules: Hindi ka magiging masaya sa akin, I can't even remember you right?
Natalie: Pero naaalala ako ng puso mo? Ikaw na din ang nagsabi ah.
Jules: Sorry Nat.
Natalie: Jules naman eh! Huwag mo naman akong binibiro ng ganyan. Alalahanin mo naman ako oh.
Jules: I can't Nat, sorry pero yun na ang desisyon ko. 
Natalie: So ganoon na lang yun? Ganoon na lang yun kadali? Fine! I guess this one is goodbye for real.
Jules: Mas makakahanap ka pa ng lalaki na babagay sayo. Makakahanap ka pa ng lalaking hindi ka malilimutan. Magiging unfair naman ako sayo kung hihintayin mo pang maalala kita na dapat ay imbis na naghihintay ka ay nagsasaya ka na sa piling ng iba.
Natalie: I'm willing to wait Jules.
Jules: Please understand me Nat, ayaw lang kitang masaktan.
Natalie: Jules. Tell me that you don't love me. Tell it to me by looking at my eyes!
Jules: I ..I...I..I DO...I DON'T LOVE YOU ANYMORE!
Natalie: So..s...so...I guess it is the end. Goodbye J...Jules. I.I LOVE YOU 



Wala na akong nagawa kundi muli panuorin ang likod niya mula sa higaan ko habang papalayo ng papalayo sa akin. Sabihin niyo nga mali ba ang ginawa ko? Ginawa ko naman ang tama diba. Diba nga Letting Go is a part of life at sa parte ko kailangan ko ng maglet go dahil baka hindi ko na siya maalala? Tell me mali ba ang ginawa ko? Nalilito din ako. Akala ko ang dali lang sabihin ng mga ganoong bagay sa kaniya dahil hindi ko naman siya naaalala pero masakit din pala. Siguro dahil sa nakita kong reaksyon niya nung sinabi kong maghiwalay na kami pero hindi rin eh. Honestly habang umiiyak siya gusto ko siyang hilain at halikan mapatigil lang ang pag-iyak niya. Marahil tama nga siya kahit hindi ko siya maalala naaalala naman siya ng puso ko. Naiinis ako sa sarili ko ano nanaman bang katangahan ang nagawa ko. Ano nanaman ba? Nasa huli nga yata talaga ang pagsisisi..........

Why is that life is so unfair. Ang saya-saya na namin ni Jules and it turns out like this. Akala ko wala ng hanggan ang kasiyahan akala ko habang buhay na ganito. Hindi naman pala. Ang unfair talaga ng buhay. KUNG Kelan maayos na ang lahat sa buhay ko. Tsaka naman mangyayari to. I can't help but to get angry. Why? this kind of thing happened to me. Kanino ba dapat ako magalit sa sarili ko ba dahil kung hindi sa akin hindi sana maaaksidente si Jules. O si Jules na nagletgo agad. Hindi ko na alam natapos na ng parang bula.Parang relationship status lang sa FB ah ganoon lang kadali nawala. Ang istoryang nagumpisa sa Once Upon a time ay nagtapos sa masalimoot na ending ang ineexpect na Happy Ending ay bigla na lang naglaho kasabay ng mga ala-ala na pinagsamahan namin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon para akong nawalan ng kaluluwa. Ngayon naiintindihan ko na si Bella nung nawala sa kaniya si Edward. Ayoko ng ganitong pakiramdam kung sana may doktor na gumagamot sa Broken Hearted eh malamang hahanapin ko siya at ipapatanggal na tong puso ko. Ewan ko ang alam ko sobrang Unfair ng buhay.

Daniel: Natalie!
Natalie:............................
Daniel: Hindi mo ba ako naaalala?
Natalie:.......
Daniel: Hello?

Wala na akong napapansin sa paligid ko parang biglang  nanghina na lamang ako at tumumba sa lalaki na kinakausap ako.


Nakita ko si Natalie na naglalakad sa labas ng compound ng hospital. Parang wala siya sa sarili kaya nilapitan ko siya. Paglapit ko sa kaniya hindi man lang niya ako napapansin. Kinabahan ako mamaya naging Zombie na to. Kinakausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Nagulat na lang ako ng bigla siyang natumba at nawalan ng malay. Kinabahan ako sa nangyari kaya agad ko siya binuhat at tumakbo ako sa loob ng hospital. Ewan ko pero parang nagkaroon ng himala. Alam ko sa sarili ko na may problema ako pagdating sa direksyon pero nung itinakbo ko na siya sa loob ay tumama ako. Ganito ba talaga kalakas ang tama ko sa girlfriend ng pinsan ko.

Eliza: What happened Daniel?
Daniel: Nag co lapse si  Natalie tita.
Eliza: Oh my gosh! Sa sobrang pagod siguro. alam na ba ng mga magulang niya.
Daniel: Not yet tita pero tatawagan ko na nga po sila eh.
Eliza: Don't bother ako na lang, puntahan mo na ;lang si Jules. Ipaalam mo na lang sa kaniya
Daniel: Yes tita!


Jules: Sino yan?
Daniel: Hi Insan!
Jules: Ano nanaman pinunta mo dito?
Daniel: Bakit parang bad trip ka yata. May problema ka?
Jules: Madami!
Daniel: Easy ka lang! Hindi ko na nga lang sasabihin sayo.
Jules: Ano nga kasi yun.
Daniel: Si Nat ano nahimatay siya kanina.
Jules: What?
Daniel: May nangyari ba sa inyo?
Jules: I broke up with her.
Daniel: What? Bakit mo naman naisipan iyon?


Pagkasabi ko ng mga kataghang iyon ay akmang susunukin na ako ni Daniel kaya napapikit ako  pero pagmulat ko ay nasa harap ko lang ang kamao niya na alam ko na pinipigilan lang niyang tumama sa mukha ko. Ngayon ko lang nakitang nagalit ang pinsan ko. I can see it in his eyes na nagpipigil lang siya. Yan ang kulang ko. I can see that he cares a lot for Natalie eventhough kakakakilala lang nila sa isa't-isa.

Daniel: Pasalamat ka at mahina ka pa at pinsan kita kung hindi tinuluyan na kita.
Jules: Puntahan mo na lang si Natalie.
Daniel: Alam mo bang ang tannga mo!
Jules: I know!
Daniel: Don't regret anything pinsan. Ngayong break na kayo ni Natalie I will really make my move to get her.
Jules: Then go get her. Look Dan I don't have the look in your eyes like you really care about her.
Daniel: Yun na nga eh. Kahit meron naman itinatanggi mo. Pinsan alam mo sa sarili mo na mahal mo siya kahit hindi mo siya maalala pero tinatanggi mo lang kasi natatakot kang masaktan mo siya. Well alam mo ang duwag mo. Hindi ikaw ang Jules na kilala ko. Ang sarap mong patayin! Ewan ko sayo.

Ngayon lang ako naginit ng ganoon sa pinsan ko! Buti na lang at nakapagpigil pa ako. Bakit ba kasi ang bobo ng pinsan kong yun. Ang sarap patayin. Ayokong gawing advantage to para makuha si Natalie sa kaniya kaya tutulungan ko na lang silang magkabalikan.

Natalie: Da..Daniel?
Daniel: Kamusta ka na?
Natalie: Hindi pa okay. Nahihilo pa din ako.
Daniel: Magpahinnga ka muna.
Natalie: Alam mo na ba?
Daniel: Yup.Don't worry.
Natalie: pwede ba akong umiyak?
Daniel: Sure, dito lang ako.

Bumuhos ang luha ko. Nakakahiya man dahil pinsan pa ni Jules ang iniiyakan ko pero kailangan ko lang talaga ngayon ng makakasama. Kailangan ko lang ngayon iiyak lahat ng inis at galit ko sa mundo. Kelangan ko ilabas lahat-lahat.









No comments:

Post a Comment