Sa sobrang excited ko ay nagising ako ng maaga! Ngayon na lang kasi ako ulit makakapagout of town kaya ito hinanda ko na lahat ng gamit ko. Ayaw kong maspoil ang araw na ito kaya magpapadrive na lang ako papunta sa Manila Bay sa driver namin para naman Fresh ako pagdating don. Ilang araw din kasi akong stressed eh. Kaya aayusin ko buhay ko! Paglabas ko ng kwarto ko I saw my parents and they ate both smilling na may something.
Natalie: Mom is there something going on?
Eliza: Wala naman anak, bakit?
Natalie: So ba't ganyan ang ngiti niyo ni dad.
Mark: Wala to anak go on enjoy with your trip.
Natalie: Sige! Bye mom and dad.
I kissed them goodbye na. Pero may something talaga silang tinatago sa akin eh. Ano kaya yun? Kilala ko parents ko. Ngumingiti lang sila ng ganun kapag may kalokohan silang binabalak. Anyways malayo naman na ako ang pagbuntungan ng kalokohan nila. Makaalis na nga sa stress!
Ang sarap ng gising ko walang problema. Walang gulo. Wala nga bang gulo? Meron pero hindi sa trabaho. Naguguluhan ang puso ko. Bakit? Kasi as day passes by may mga bagay na unti unti kong naaalala tungkol kay Natalie. Lalo tuloy akong nagsisisi kung bakit ko siya hiniwalayan. Namimiss ko na siya ng sobra. Pero sana this vacation makapagisip ako ng dapat gawin para sa feelings ko.
Napaaga ata ako at wala pa si Bessie. Siguro ay lalapitan ko muna ang yatch. Sinalubong ako ng captain noon at sinabing doon na lamang muna ako maghintay. Pumasok ako sa loob at infairness maganda nga siya. Asteg! Biglang nagring ang phone ko.
Bessie: Nat?
Natalie: Oh? Bakit?
Bessie: Nasaan ka na?
Natalie: S a loob na nang yacht!
Bessie: Good! Hintayin mo lang ako ah. Medyo matatagalan kasi ako eh.
Natalie: Okay!
Ito talagang kaibigan ko hindi pa rin nagbabago always late! Hay.........Bessie talaga!
Nakarating din ako sa wakas at madali ko naman nakita yung yacht na sinasabe ng pinsan ko at sa nakikita ko nauna pa ako sa kaniya. Pasharpsharp 6 pa siya wala naman? Ano kaya yun? Loko talaga yun eh. Unahan ko na nga lang pumasok. Pagpasok ko ay agad akong dumeretso sa Deck. Tinawagan ko si Daniel.
Jules: Dan, asan ka na?
Daniel: Sa puso mo!
Jules: Adik ka eh no! Asan nga kasi?
Daniel: Malapit na medyo natraffic lang ako! Pakausap naman sa Captain oh.
Jules: Sige.
Inabot ko ang cellphone ko dun sa captain at nakita ko na mukhang seryoso ang sinasabi ni Daniel sa captain dahil sa itsura ng mukha nito. Pagtapos nila magusap ay inabot na sa akin nung Captain yung cellphone ko at pumunta na siya sa Control room at nagsimula ng paandarin ang yacht. Naguluhan ako kaya tinawagan ko si Daniel.
Jules: Daniel? Ano to. Bakit paalis na kami wala ka pa?
Daniel: Sorry dude hindi na pala ako makakasama urgent eh.
Jules: So ako lang mag-isa sa resort? Ganun?
Daniel: Nope actually may kasama ka eh.
Jules: Sino nanaman? Umupa ka nanaman ba ng babae?
Daniel: Hindi ah! Actually kilalangkilala mo nga yung kasama mo eh.
Jules: Lagot ka talaga sa akin kapag nakabalik na ako diyan. Nako!
Daniel: Nako bro. Baka pasalamatan mo pa ako sa ginagawa ko!
Jules: Loko ka talaga no?
Nakikipag-away na ako kay Daniel ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Naisip ko na nagiimagine lang ako pero nung tumingin ako sa likod ko ay siya nga iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang babaeng minahal ko ng sobrang tagal. Si Natalie at kasama ko siya sa bakasyon.
Umandar ng bigla ang yacht kaya nagtaka ako dahil wala pa si Bessie. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero wala hindi na siya sumasagot kaya naman lumabas na lang ako at pumunta sa may deck at may n akita akong isang pamilyar na tao na parang kilala ko. Nagtaka ako at naisip na baka dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya ay nagiilusyon na ako. Pero sigurado ako na siya yun kaya naman tinawag ko siya.
Natalie: Jules?
Dahan dahan siyang humarap sa akin at...
Jules: Natalie?
Nakasigurado na ako na siya nga ang lalaking minahal ko ng mahabang panahon. Ang lalaking nasa puso ko pa rin hanggang ngayon.
Jules: Bakit ka nandito?
Natalie: Sabi kasi sa akin ni Bessie magbabakasyon kami.
Jules: Ganiyan din ang sabi sa akin ni Daniel. Mukhang alam ko na ah!
Natalie: So you mean wala silang balak sumunod at tayong dalawa lang ang magbabakasyon?
Jules: Exactly. Niloko tayo nung dalawa na yun.
Natalie: Paano na yan?
Jules: Wala na tayong magagawa kundi enjoy na lang ang bakasyon.
Natalie: Mukha nga!
Kumakabog ang puso ko habang nakikipag-usap kay Jules. Nakakainis naman eh. Ang tagal na no ganito pa din ang epekto niya s a amin. Magkasama pa kami for 1 week. Patay.Lagot ka sa akin Bessie mamaya! Sobra!Kakalbuhin kita. Lumayo ako ng unti sa kaniya kasi mahirap na baka mahalata niya na ang bilis ng kabog ng puso ko.
Loko talaga tong si Daniel eh. Lagot talaga sa akin to kapag nakabalik ako. Kinakabahan tuloy ako ngayon. Gusto kong yakapin si Natalie! Mahal ko pa siya eh. Kaya nga lang hindi ko alam ang dapat kung gawin? Hindi ko alam ang pwede. Ang dapat sabihin. Habang pinagmamasdan ko siya nakikita ko na malaki ang ipinagbago niya. Lalo siyang gumanda at nagmature. I wonder kung ganoon pa din ang damdamin niya para sa akin. Ilusyonado talaga ako. Lalakasan ko na ang loob ko! Ako na ang unang makikipagusap.
Jules: Umm.. Nat. Can I call you Nat?
Natalie: Sure may pinagsamahan din naman tayo dati diba?
Jules: Oo nga! So? Kamusta ka na it's been ten years nung huli tayong magkita.
Natalie: Oo nga eh. Ito hectic ang sched at ngayon lang nakapagbakasyon. Manager na kasi ako ng boutique ni mommy eh. Ikaw? Ikaw na ba nagpapatakbo sa restaurant niyo?
Jules: Wow! naaalala mo pa pala. Oo ako pa din. Katulad mo busy sa trabaho. Ayaw ko pa nga sana magbakasyon eh. Mapilit lang si Daniel. Nga pala kamusta kayo ni Daniel?
Natalie:Ayun friends.
Jules: Magkaibigan lang kayo? Hindi ka niya nililigawan?
Natalie: Oo dati pero hindi na. Pinatigil ko siya eh kasi wala pa sa isip ko ulit yung mga ganoong bagay. Ikaw kamusta?
Jules: Wala pa din eh. Focus muna sa trabaho.
Natalie: Nakakatuwa no. Halos parehas tayo.
Jules: Oo nga eh. Teka alam mo ba kung saan tayo pupunta?
Natalie: Nope!
Jules: Halika tanungin natin yung captain.
Nagulat ako sa ginawa ni Jules. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay hinila niya ako papunta sa Control room. Kumakabog ang dibdib ko. Mahal ko pa nga rin siya. Nako kapag nahalata niya to. Delikado
Naglakas ako ng loob na hawakan ang kamay niya at isama siya papunta sa control room. Ito na lang magagawa ko para naman pagtakpan ang kinakabahang kong puso. Para naman akong highschool nito. Nasa isip ko kasi na sana huminto na lang ang oras katulad ng dati. Kung saan masaya kami ng magkasama.
Jules: Sir, matagal pa po ba ang biyahe.
Captain: Hindi naman sandali na lang andun na tayo.
Natalie: Salamat po.
Bumalik na kami sa deck pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagdagundong ng puso ko. Dahil hanggang ngayon ay hawak pa din ni Jules ang kamat at puso ko. Papahamak pa yata ako ng loko kong puso ah. Kinakabahan ako gusto ko na na bitawan niya ang kamay ko na parang hindi. Gusto ko na bitawan niya dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko pero at the same time ayaw kong masira ang moment naming dalawa.
Natalie: Ah, Jules. Kamay ko.
Jules: Ay, sorry!
Binitiwan ko na ang kamay niya. Ang saya naman para talaga kaming mga bata ngayon. Nakapagdesisyon na ako lalakasan ko na ang loob ko at gagawin ko ulit ang lahat upang mapasaya ng lubusan si Natalie. Babawiin ko ang mga panahon na naging malungkot siya at papalitan ng bagong memories na magpapasaya sa aming dalawa.
Huminto na ang Yacht at laking gulat namin ng makita namin ang isang napakagandang island at dito ko sisimulan ang lahat lahat sa umpisa.
Natalie: This resort is so beautiful.
Jules: Beautiful as you!
Natalie: Huh?
Jules: Wala sabi ko tara na!
Natalie: Okay!
Hindi naman masama ang umasa diba? Hindi naman siguro kasi ito na ang naiisip ko gawin ngayon eh. Ang umasa na mahal pa din ako ni Jules, ang umasa na may second chance pa para sa amin. Sana lahat ng to meron puntahan. Sana kahit unti ay mangyari ang pag-asang inaasam ko.
Pumasok na kami sa isang villa. Ang ganda ng loob niya sobrang nakakarelax ang ganda ng ambiance. Parang paradise talaga ang lugar. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Jules.
Jules: Hey, pagod ka na ba?
Natalie: Hindi naman.
Jules: Halika ikutin natin ang buong place later after we settle our things.
Natalie: Sure!
Hindi ko nanaman mapigilan ang isip ko na magimahinasyon ng kahit unti. Ano ba Natalie stop over thinking things.
Ilang minuto lang ay kumakatok na si Jules sa pinto ng kwarto ko. At nagaaya ng mamasyal sa buong lugar kaya agad kong kinuha ang shoulder bag ko at sumama na sa kaniya. We are really having fun. Ang sarap parang walang problema. Ganito ang matagal ko ng namimiss ang pamamasyal naming dalawa ni Jules. Ang lalaking mahal ko. Tawa lang kami ng tawa hanggang maghapon puro kulitan at tawanan ang nangyari sa aming dalawa. Hanggang sa magsix na ng gabi at bumalik na kami sa Villa. Meron namang chief dun kaso nagpumilit si Jules na siya ang magluluto. Bumalik lahat sa aking ng ala-ala ng kahapon kasi nangyari na to dati hindi ko lang alam kung natatandaan niya.
Jules: The food is ready.
Natalie: ....................
Jules: Oh, bakit?
Natalie: Wala nangyari na kasi to dati. Ewan ko lang kung natatandaan mo.
Jules: Medyo. Know what Nat this past few years unti-unti nang bumabalik ang ala-ala ko.
Natalie: Talaga?
Jules: Yup! Kaya naman I decided something.
Natalie: Ano yun?
Jules: Can you help me regain my memory. Alam mo aaminin ko na sayo ha. Ang tangga ko kasi pinakawalan kita all this years Nat hindi man kita naaalala pero naaalala ka ng puso ko. Kung pwede sana can you gave me another chance?
Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Jules. Namamalikmata lang ba ako o niloloko lang ako ng sarili kong utak. Nang tinignan ko ulit si Jules ay parang lumabo ang paningin ko. at biglang.
Jules: Natalie?...........
No comments:
Post a Comment