Mark: Ang anak ko..Huhuhuhu :(
Eliza: Nat, ano ba. Honey wag ka nga umiyak diyan.
Natalie: Sandali na lang mom!
Eliza: Mauna na kami sa labas ha!
Natalie: Sige mom!
Eliza: Honey, halika na!
Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang kami nagkakilala ni Jules at katulad ng ibang magkarelasyon nagumpisa sa Strangers-Friends-Became complicated-Ligawan stage at In a relationship. Katulad ng iba ganoon ang drama namin syempre may Ups and Downs. Ang pag-ibig parang buhay lang din iyan puno ng sorpresa na hindi mo mahuhulaan at mahirap ipaliwanag. Dumaan din kami sa Breakup ni Jules pero dahil sa True love nagkabalikan pa din kami. Kasi ang mga puso namin ay magkadikit na at mahirap ng paghiwalayin pa. At ito na nga... Dumating na ang tamang panahon para simulan ang bagong pakikipagsapalaran. Bababa na ako ah! Tinatawag na ako ni Mommy eh.
Pagbaba ko ay napansin ko na lumuluha ang aking tatay. Napangiti ako sa nakita ko at napatakbong pababa para yakapin siya. Buti hindi ako nadulas sa haba ng suot ko.
Natalie: DAD? Bakit ka umiiyak diba dapat masaya ka para sa akin?
Mark: Hindi ko kasi mapigilan na umiyak dahil hindi ka na namin makakasama eh.
Eliza: Mark! Ano ka ba! Hindi naman mamatay ang anak mo eh. Ikakasal lang siya.
Natalie: Tama si mom dad! Easy lang. Hahahah XD
Eliza: O siya siya sumakay ka na sa limo at baka malate pa tayo bilis na.
Natalie: I love you mom and dad!
Eliza: I love you to baby ko!
Tama ang narinig niyo. Ngayon ang araw ng kasal ko kay Jules and I'm so excited! Ito na ang araw na magsasara ang unang chapter ng buhay namin at magbubukas ng panibago. Ang chapter kung saan habang buhay na kaming magssamang dalawa hanggang sa pagtanda
This is the day! Kinakabahan na ako. Ganito pala talaga ang feeling kapag ikakasal ka na at habang hinihintay mo ang bride mo na magpakita sa simbahan. Nakakakaba pero at the same time excited sa wakas magsasama na kami habang buhay pagkatapos ng mga struggles na pinagdaanan namin. Now maihaharap ko na sa altar at sa Diyos ang babaeng pinakamamahal ko. Ang aking prinsesa. at Soulmate.
Daniel: Pasalamat ka sa akin at kayo ang nagkatuluyan.
Jules: Alam ko pinsan kaya ako naman ang didiskarte para magkatuluyan kayo ni Charry.
Daniel: Huwag na pre. Kaya ko na yun. Ipangako mo lang na passayain mo si Natalie okay na ako.
Jules: Syempre naman pare!
Daniel: Andayan na ang bride Congrats!
Bumaba na si Natalie sa sasakyan at laking gulat ko ng makita ko siya. Sobrang ganda niya at nakangiti siya sa akin. Ako na yata ang pinakaswerteng lalaki sa mundo. Ang mapakasalan ang babaeng mahal ko ang isa sa pinakamagandang gagawin ko sa buhay ko. At habang hinihintay ko siya papalapit sa akin ay dumadagundong ang puso ko. Ang bilis habang siya ay nakatinggin lang sa akin at nakangiti. Malapit na siya.
Mark: Ingatan mo ang anak ko Jules ha!
Jules: Yes tito I will make her happy!
Mark: Good!
Natalie: Ano prince charming?
Jules: Ito na princess.
Habang lumalakad kami papunta sa altar at sa pari ay hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay na halikan siya sa altar at sa harap ng madaming tao. Gusto ko ng ipagsigawan sa buong mundo na mahal ko siya!
Nasa altar na kami at nagpapalitan ng mga Pangako sa isa't-isa at maya maya ay nagsalita na ang pari.
Father: You may kiss the bride!
Nagkatinginan muna kami at tinitigan ang mukha ng bawat isa hanggang sa maglapat na ang aming mga labi. Ang aming mga puso ay nagkabigkis na at hindi na maaaring maghiwalay pa. At sa pagdating ng panahon alam namin na kami ay magiging mas lalo pang matibay at subok ng panahon. Ang istorya na nagsimula sa Once Upon a Time ay magtatapos na din sa isang Happily ever after.
Ngayon ay patuloy pa din kmaing nagsasama ni Jules sa hirap at ginhawa.
Hindi namin iiwan ang isa't-isa kahit kailan dahil pag ang puso talaga ay natutuo ng umibig lahat na ay hahamakin. Lahat ay gagawin para sa taong minamahal.
Kung mahal mo talaga ay huwag kang mahiyang iparamdam ito. Laging meron second chances pag dating sa pag-ibig kaya naman pagdumaing ang araw na alam mo na sigurado ka na ay huwag mo ng pigilan pa ang iyong puso sige ka nasa huli ang pagsisisi...
-The End-
gfhg
No comments:
Post a Comment