Pages

Tuesday, October 25, 2011

Away Bati : Istorya ng magbestfriend

Reminder: Habang binabasa makinig ng Soundterp na away bati ni Yeng xd Enjoy!

Away Bati : Istorya ng magbestfriend 

Nagsimula sa isang maliit na away, sunod asaran at kulitan na hanggang sa nagging magbestfriends. Iyan ang kwento naming dalawa ni Brian ang bestfriend kong ubod ng loko at kulit.

Bago kami maging magkaibigan niyan nagging magkaaway pa kami niyan. Badtrip kasi yung girlfriend niya eh,. Nasagi ko lang naman tapos biglang nahighblood nagsorry na nga ako eh. Sa inis ko inaway ko na lang siya. Ang arte kasi eh. Pakilam ko ba kung girlfriend siya ng pinakasikat na lalaki sa buong campus. Who cares?

Brian: Hoy! Ikaw ba yung umaway sa girlfriend ko?
Steph: Oo bakit? Bubugbugin mo ko?
Brian: ………..
Steph: Bakit hindi ka naman nagsasalita?
Brian: Ang ganda mo pa naman basagulera ka.
Steph: Sinong basagulera! Eh kung pagbuhulin ko kayo nung maarte mong girlfriend.
Brian: Init ng ulo mo ah! Chillax.
Steph: Ewan ko sayo? Ano ba ang gusto mo?
Brian: Magsorry ka sa girlfriend ko.
Steph: Sorry? Kanina pa ako nagsosorry diyan nagiinarte lang yan.
Brian: Maniwala ako sayo may magpapatunay ba?
Steph: Marami yung mga nakakita!
Jesica: Bri! Tama na pabayaan na natin siya.
Steph: Duwag ka naman din pala eh!
Brian: May araw ka din sa akin Miss!
Steph: Ano Monday? Tuesday? Sige lang!

Yabang nila parehas. Porket ba sila sikat ditto? Ano naman sikat lang pala eh. May utak ba sila tsaka may Diyos. Nako kung alam ko lang! Mainit ang dugo ko sa dalawang yun ah.

Pumasok na ako sa room naming at nagulat ako katabi ko pa ang ungas na si Brian sa room. Akala niya.

Brian: Ikaw ulit!
Steph: Sino ka?
Brian: Epal mo!
Steph: K.

Nagsimula na ang klase namin. At groupings agad. Patay naman oh. By pair tapos base pa dun sa apeylido. Eh Arcaida ang apeylido ko minalas naman ako at si Arenaz pa ang partner ko si Brian pa.

StepH: Umayos ka ha!
Brian: Oo, alam ko naman kung kelan magseryoso at hindi. Ano partner!
Steph: Partner mo mukha mo!
Brian: Ang init nanaman ng ulo mo eh. Tapusin na nga natin to. Marunong ka bang magbasketball?
Steph: Anong akala mo sa akin hindi. Marunong ako!
Brian: Laban na lang tayo oh!
Steph: Sige ba!
Brian: Pagnanalo ako magsosorry ka sa girlfriend ko tapos magiging friends tayo.
Steph: Okay lang pag nanalo naman ako kakanta ka sa harap ng stage sa buong campus ah~!
Brian: DEAL!
Steph: Game! Mamaya laban tayo.

Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko at nakipaglaro ako sa kaniya ng basketball. Bahala na basta hindi ako uurong.

Marie: Yes the! Ano ka ba bakit nakipagpustahan ka?
Steph: Ano naman marunong naman at magaling ako!
Marie: Bahala ka nga diyan!

Franz: Hoy! Sira ka talaga pumapatol ka sa babae!
Brian: Hindi naman eh. Laro lang naman!
Franz: Kahit na? Sino ba yang kalaro mo?
Brian: Stephy Arcaida!
Franz: Maganda siya ah!
Brian: Boyish nga lang.
Franz: Anong objective mo?
Brian: Wala! Gusto ko siyang maging kaibigan.
Franz: Kaibigan o KA-IBIG-AN?
Brian: May girlfriend ako Dude!
Franz: Sinabi mo na dati iyan.

Nagsimula na ang oras ng laro. Akala yata ng lalaki na to uurungan ko siya NO WAY!

Habang lumilipas ang oras ay nawawalan na ako ng pag-asa ang layo ng agwat ng score naming. Kakainis lalaki kasi siya at mas bihasa kaysa sa akin. Basta atleast alam ko sa sarili ko na lumaban ako sa kahulihulihan kahit matatalo na ako.

Sorry L
Yan lang ang kataghang nabigkas ko matapos ang laro. Nakakainis natalo niya ako ayan tuloy kailangan kung humingi ng sorry sa HITAD! Aaaaaaaaaaaaa..kakainis.
Brian: Paano bay an so Friends na tayo?
Steph: Friends! Kahit napipilitan lang ako.
Brian: Ito naman! Halika lilibre na kita.
Steph: Malakas ako kumain!
Brian: So? Sige lang.

Lumabas kami ng school actually nagtataka ako kung bakit hindi sumama sa amin ang girlfriend niya. Lagot sa akin ang kolokoy na to kapag may ginawa to sa akin na kalokohan. Hindi ako umiimik nahihiya ako eh.
Brian: Okay! Papakiklala ulit ako say o ha! Ako si Brian Arenaz.
Steph: Alam ko!
Brian: Huwag ka naman pilosopo bati na kasi tayo!
Steph: Oo na nga! Ako si StepHy Arcaida! Bakit nga pala hindi kasama girlfriend mo?
Brian: Ah yun kasama ka daw kasi eh. Hayaan mo siya
Steph: Yes naman! Hayaan mo l;ang siya girlfriend mo yun ah.

Brian: Lalamig din ulo nun. Basta friends na tayo ah.
Steph: Oo na! Oo na!

Ito na ang simula ng friendship namin. Kulitan na ng kulitan at nagging sobrang close sa pagtagal ng panahon. Hindi ko na nga alam kung ano ang nagyari eh. Magkaaway lang kami dati niyan pero ngayon Close na close na.

Away bati.
Ayan ang drama naming dalawa! Ang saya no? Sabi ng ilan para lang kaming mag-asawa ah. Hindi matatapos ang araw naming ng walang away ang kulit naming eh no. Pero tinitiis ko yun Kasi ma…basta!

Brian: Hoy steph! Bakit ba kasi ayaw mo pumunta.
Steph: Eh ayaw ko nga pakiialam mo?
Brian: Ano ba naman iyan.
Steph: Bkakit ba kasi hindi na lang girlfriend mo ang ayain mo.
Brian: Break na nga kasi kami eh.
Steph: Kelan pa?
Brian: Basta!
Steph: Iba na lang kasi ayain mo. Hindi ako bagay dun. Madami ka namang Chicks eh.
Brian: Eh gusto ko nga ikaw eh.
Steph: Eh sa ayaw ko nga!
Brian: Bakit baa yaw mo?
Steph: Basta!
Brian: Nakakainis ka naman eh.
Steph: Bakit ka ba namimilit?
Brian: Eh kasi nga gusto ki……….
Steph: Ano?
Brian: Never Mind! Hahanap na lang ako ng iba mabulok ka sa bahay niyo mamaya!
Steph; Ang init ng ulo mo!
Brian: Hindi na tayo friends!

Hindi ko maintindihan tong kaibigan ko na to ah! Ang kulit bakit ba gusto ako isama nito? Sorpresahin ko na nga lang siya mamaya. Pupunta ko sa Prom akala niya ah1

Oras na para sa prom inayusan ako ng designer ni mama. At mukha talaga akong babae ngayon ah. Ang ganda ko. Nagpahatid ako sa driver naming at maya-maya nasa hotel na ako na pagdarausan ng prom naming. Pumasok ako at laking gulat ko na halos ng lalaki ay nakatingngin sa akin. Hinahanap ko si Brian at nakita ko siya agad kasama ang isang freshman Kumaway ako sa kaniya pero hindi ako pinansin ng Hitad. Sumama ang loob ko. Kaya naman akala niya ah. Makikipagsayaw ako sa lahat ng lalaki maliban sa kaniya.

Halos lahat ay nakapila para maisayaw ako pero isa lang naman ang gusto kong isayaw si Brian yun.Nakakapagod din pala ang sumayaw kaya huminto muna ako. Lumabas muna ako sa may garden para magpahangin at nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin. Si Brian pala yun.

Brian: Huli ka!
Steph: Sino ka?
Brian: Ito naman!
Steph: Hindi mo nga ako pinapansin kanina.
Brian: Nakakainis ka kasi eh.
Steph: Ano nanaman ginawa ko?
Brian: Sabi mo hindi ka pupunta tapos kanina….

Nagulat ako sa ginawa ni Brian kasi Bigla niyang hinawakan ang baba ko. Parang may kakaiba sa kaibigan ko ngayon eh.
Steph: Ano pa?
Brian: Kasi nakakainis sino ba nagsabing magpaganda ka? Diba dapat sa akin ka lang nagpapaganda?
Steph: Ay grabe nakakahiya nam,an sayo diba? Wala naman tayong relasyon ah!
Brian: Meron ah! Magbestfriend kaya tayo.
StepH: Bestfriend lang naman ah. Hindi tayo magboyfriend kaya may karapatan akong magpaganda.
Brian: Ganoon, eh kung halikan kita diyan!
Steph: Sige nga!

Sanay na kami sa asaran na ganun kasi hindi naman niya yun ginagawa eh. Hanggang salita lang naman siya eh. Kaya nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa mga labi ko. Nanlaki ang mata ko at parang gustong sumabog ng puso ko. Feeling ko may nalunuk ako na gamo-gamo at hindi ko nadigest.

Brian: Sabi ko sayo eh.
Steph: Bakit mo ginawa yun? Kapal talaga ng mukha mo ah!
Brian: Bakit hindi mo ako sinampal? Gusto mo rin no.
Bago pa ako makasagot ay hinalikan na niya ulit ako.

Steph: Ano ba Brian! Hindi ako nakikipagbiruan sayo ah!
Brian: Ako din naman eh! Naiinis ako sayo kung sino-sino ang humawak say o kanina habang nakikipagsayaw ka. Kaya yan ang parusa mo.
Steph: Ang kapal mo ah! Boyfriend ba kita para halikan mo ko?
Brian: Pwes! Ngayon oo tayo na.
Steph: Nakakainis ka! Bahala ka nga diyan.

Iniwan ko siya sa sobrang inis ko! Bakit siya ganoon masyado siyang agrisibo! Ewan ko!

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nadapa ako. Sinundan niya ako.

Brian: Sorry Steph. Kasi ikaw eh.
Steph: Ako pa ngayon! Ako pa!
Brian: Sorry na nga! Nagselos lang ako eh.
Steph: ………..
Brian: Sorry best friend. Hindi ko na ata kayang itago. Hindi ko na lang gusto maging bestfriend mo gusto ko na palang maging Boyfriend mo.

Nagulat ako sa mga sinasabi ni Brian. Hindi ko akalain na mahal na rin pala niya ako. Akala ko onesided love lang ang lahat hindi pala.

Brian: So, steph Pwede bang manligaw?
Steph: O….Okay lang!
Brian: I promised iingatan kita!

Ligawan na!
Maraming nanliligaw sa akin pero si Brian lang ang inentertain ko. Kilala siya nina mama kaya naman tiwala sila sa kaniya at syempre ako din tiwala ako. Hindi nawawalan nng kilig surprise tong si Brian. Ganito pala kapag niligawan ka ng taong mahal mo nakakakilig!

Ilang months din ang nagpass at walang sawa pa din siyang nanliligaw sa akin kaya naman. Sinagot ko na din siya after four months!

Ganun pa din ang pagsasama naming wala pa ring nagbabago. Friends pa din kami and at the same time mas deeper na ang relationship. Ang saya nga eh.

Katulad ng dati para parin kaming aso at pusa. Away. Bati nanaman kami.  Para kaming mga bata. Kahit ako nahihilo eh? Masakit minsan pero alam ko naman na mahal ko siya eh. Pero nakakaloka lang talaga kaya naman kinompronta ko na ang hitad!

Steph: Hoy, ikaw!
Brian: Ano sungit?
Steph: Seryosong usapan ah!
Brian: Sige!
Steph: Napapansin mo ba puro na lang tayo away. Mamaya ngingiti tapos mamaya ngingiwi din.
Brian: Oo alam ko! Tapos puro tayo tampuhan walang katapusan. Mamaya hihinto tapos hindi ka na kikibo.
Steph: Hindi ako ganiyan ah!
Brian: Anong hindi!
Steph: So ibig mong sabihin nagsasawa ka na?
Brian: Hindi natutuwa nga ako eh. Pero sana ayusin natin to. Pero kung ayos lang naman sayo ang away bati okay lang mahal kita eh! Di ko naman pwedeng sabihin na ayaw ko na kasi mahal nga kita!
Steph: Alam mo ang kulit natin?
Brian: Oo nga eh?
Steph: Hahahahaha. Ayaw ko na nga naguguluhan na ako eh.
Brian: Ako din. Basta mahal kita!
Steph: ako din mahal kita.
Brian: Kahit away bati tayo atleast alam natin na mahal natin ang isa’t-isa at alam natin na kaya natin to.
Steph: Syempre naman!

Dito nagtatapos ang kwento naming ni Brian. Nagsimula sa away at bati natapos sa Away at Bati pero masaya. Ang kulit no>? Hahahahaha…. Kakaibang labsory tong sa amin. Actually hanggang ngayon nag-aaway pa din kami eh. Pero basta magulo ang mga utak naming kaya nga siguro kami pinagsama ni Lord eh!









Fate: Chapter 20: A story that started with Once Upon a Time end with a Happy ever after

Eliza: Natalie, anak bilisan mo na malalate na tayo!
Mark: Ang anak ko..Huhuhuhu :(
Eliza: Nat, ano ba. Honey wag ka nga umiyak diyan.
Natalie: Sandali na lang mom!
Eliza: Mauna na kami sa labas ha!
Natalie: Sige mom!
Eliza: Honey, halika na!


Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang kami nagkakilala ni Jules at katulad ng ibang magkarelasyon nagumpisa sa Strangers-Friends-Became complicated-Ligawan stage at In a relationship. Katulad ng iba ganoon ang drama namin syempre may Ups and Downs. Ang pag-ibig parang buhay lang din iyan puno ng sorpresa na hindi mo mahuhulaan at mahirap ipaliwanag. Dumaan din kami sa Breakup ni Jules pero dahil sa True love nagkabalikan pa din kami. Kasi ang mga puso namin ay magkadikit na at mahirap ng paghiwalayin pa. At ito na nga... Dumating na ang tamang panahon para simulan ang bagong pakikipagsapalaran. Bababa na ako ah! Tinatawag na ako ni Mommy eh.


Pagbaba ko ay napansin ko na lumuluha ang aking tatay. Napangiti ako sa nakita ko at napatakbong pababa para yakapin siya. Buti hindi ako nadulas sa haba ng suot ko.


Natalie: DAD? Bakit ka umiiyak diba dapat masaya ka para sa akin?
Mark: Hindi ko kasi mapigilan na umiyak dahil hindi ka na namin makakasama eh.
Eliza: Mark! Ano ka ba! Hindi naman mamatay ang anak mo eh. Ikakasal lang siya.
Natalie: Tama si mom dad! Easy lang. Hahahah XD
Eliza: O siya siya sumakay ka na sa limo at baka malate pa tayo bilis na.
Natalie: I love you mom and dad!
Eliza: I love you to baby ko!


Tama ang narinig niyo. Ngayon ang araw ng kasal ko kay Jules and I'm so excited! Ito na ang araw na magsasara ang unang chapter ng buhay namin at magbubukas ng panibago. Ang chapter kung saan habang buhay na kaming magssamang dalawa hanggang sa pagtanda









This is the day! Kinakabahan na ako. Ganito pala talaga ang feeling kapag ikakasal ka na at habang hinihintay mo ang bride mo na magpakita sa simbahan. Nakakakaba pero at the same time excited sa wakas magsasama na kami habang buhay pagkatapos ng mga struggles na pinagdaanan namin. Now maihaharap ko na sa altar at sa Diyos ang babaeng pinakamamahal ko. Ang aking prinsesa. at Soulmate.


Daniel: Pasalamat ka sa akin at kayo ang nagkatuluyan.
Jules: Alam ko pinsan kaya ako naman ang didiskarte para magkatuluyan kayo ni Charry.
Daniel: Huwag na pre. Kaya ko na yun. Ipangako mo lang na passayain mo si Natalie okay na ako.
Jules: Syempre naman pare!
Daniel: Andayan na ang bride Congrats!


Bumaba na si Natalie sa sasakyan at laking gulat ko ng makita ko siya. Sobrang ganda niya at nakangiti siya sa akin. Ako na yata ang pinakaswerteng lalaki sa mundo. Ang mapakasalan ang babaeng mahal ko ang isa sa pinakamagandang gagawin ko sa buhay ko. At habang hinihintay ko siya papalapit sa akin ay dumadagundong ang puso ko. Ang bilis habang siya ay nakatinggin lang sa akin at nakangiti. Malapit na siya.


Mark: Ingatan mo ang anak ko Jules ha!
Jules: Yes tito I will make her happy!
Mark: Good!
Natalie: Ano prince charming?
Jules: Ito na princess.


Habang lumalakad kami papunta sa altar at sa pari ay hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay na halikan siya sa altar at sa harap ng madaming tao. Gusto ko ng ipagsigawan sa buong mundo na mahal ko siya!


Nasa altar na kami at nagpapalitan ng mga Pangako sa isa't-isa at maya maya ay nagsalita na ang pari.


Father: You may kiss the bride!


Nagkatinginan muna kami at tinitigan ang mukha ng bawat isa hanggang sa maglapat na ang aming mga labi. Ang aming mga puso ay nagkabigkis na at hindi na maaaring maghiwalay pa. At sa pagdating ng panahon alam namin na kami ay magiging mas lalo pang matibay at subok ng panahon. Ang istorya na nagsimula sa Once Upon a Time ay magtatapos na din sa isang Happily ever after.


Ngayon ay  patuloy pa din kmaing nagsasama ni Jules sa hirap at ginhawa.


Hindi namin iiwan ang isa't-isa kahit kailan dahil pag ang puso talaga ay natutuo ng umibig lahat na ay hahamakin. Lahat ay gagawin para sa taong minamahal. 


Kung mahal mo talaga  ay huwag kang mahiyang iparamdam ito. Laging meron second chances pag dating sa pag-ibig kaya naman pagdumaing ang araw na alam mo na sigurado ka na ay huwag mo ng pigilan pa ang iyong puso sige ka nasa huli ang pagsisisi...










-The End-






























gfhg





Fate: Chapter 19: Panaginip lang pala

Jules: Nat? Natalie? Wake up





Sayang panaginip lang pala ang lahat akala ko totoo na na umamin na siya na mahal niya ako. Sayang naman oh. Nakakahiya nakatulog pa ako. 


Jules: Ang sarap ng tulog mo Nat ah.
Natalie: Sobrang pagod kasi ako eh. Ano ba yan nakakahiya!
Jules: No you look really cute when you are asleep.
Natalie: Wala ba akong anything na ginawa habang natutulog nakakahiya kasi. Tinulugan kita habang namamasyal tayo.
Jules: Wala naman. Nakakatuwa ka nga tignan habang natutulog eh. Ano kain na tayo?
Natalie: Sige!


Nakakahiya talaga akala ko totoo na panaginip lang pala ano ba naman yan. Gabi na rin naman kaya kakain na kami at syempre siya ang magluluto. 


Nakakatuwa nakatulog si Natalie habang namamasyal kami and I can't help to look at her face. Kaya ayan ang saya saya ko. Desidido naman na talaga ako na ligawan siya ulit. Sana lang hindi niya ako bastedin.


Jules: Ready na ang dinner!
Natalie: Mukhang masarap ah!
Jules: Ako pa!
Natalie: Nga pala kamusta ang business niyo pati sina tito at tita?
Jules: Okay lang naman sila. Ah wait lang ah! Is this your's?


Nilabas niya ang isang pamilyar na notebook. Ang journal ko. Nasa kaniya pala.


Natalie: paano mo nakuha to?
Jules: Naiwan mo sa hospital.
Natalie: Binasa mo?
Jules: Ummm.... secret!
Natalie: Ano nga Jules?
Jules: Secret nga!
Natalie: Ah ganoon!


TUmayo ako at kiniliti ko siya. This moment is the happiest moment ever. Nagkukulitan na kami ulit. Kiniliti niya rin ako and suddenly. I did'nt notice na halos inches away na lang ang mukha namin sa isa't-isa. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila at nahalikan ko siya.


That kiss was so gentle and full of dreams. How I missed that kiss that we shared a long time ago. Nagulat ako sa  ginawa niya. I did'nt really expect anything like this would happened. Hindi agad ako nakatingngin sa kaniya.


Jules: Um... I will not say sorry kasi hindi ko naman sinasadyang gawin iyon. I intended to do it. Wait ha. wag ka munang magsalita. Ako muna ha! Know what hindi na ko magsisinungaling naaalala na kita. Dahil sa journal na yan. Ang tangga ko ng pakawalan kita. Alam mo naman nasa huli ang pagsisisi diba. Buti na lang at hindi pa huli ang lahat at may panahon pa ako para itama ang pagkakamali kong to. Can you give me another chance?


Natalie: Jules! I LOVE YOU.



Yun na lang ang nasabi ko kay Jules sabay takbo at yakap sa kaniya. Hindi ko na maitatago pa ang nararamdaman ko para sa lalaking ito. Ang lalaking una kong minahal, ang lalaking hindi ko makakalimutan. Ang prince charming ko at ang Soulmate ko!


This day is the greatest day ever! Nagtapat na ulit ako kay Natalie. I loved her so much kaya hindi ko na palalagpasin ang lahat papaligayahin ko siya habang buhay.


Totoo nga ang sinabi sa akin ni Daniel na magthathank you ako sa kaniya after this vacation and I'm really thankful for him





Magtatagal ang bakasyon namin dito ni Natalie with smiles within our face. I promised na every seconds of her life well be the greatest seconds that she would never forget.



























Fate: Chapter 18 :Ikaw? Asan sila?

Sa sobrang excited ko ay nagising ako ng maaga! Ngayon na lang kasi ako ulit makakapagout of town kaya ito hinanda ko na lahat ng gamit ko. Ayaw kong maspoil ang araw na ito kaya magpapadrive na lang ako papunta sa Manila Bay sa driver namin para naman Fresh ako pagdating don. Ilang araw din kasi akong stressed eh. Kaya aayusin ko buhay ko! Paglabas ko ng kwarto ko I saw my parents and they ate both smilling na may something. 
Natalie: Mom is there something going on?
Eliza: Wala naman anak, bakit?
Natalie: So ba't ganyan ang ngiti niyo ni dad.
Mark: Wala to anak go on enjoy with your trip.
Natalie: Sige! Bye mom and dad.


I kissed them goodbye na. Pero may something talaga silang tinatago sa akin eh. Ano kaya yun? Kilala ko parents ko. Ngumingiti lang sila ng ganun kapag may kalokohan silang binabalak. Anyways malayo naman na ako ang pagbuntungan ng kalokohan nila. Makaalis na nga sa stress!


Ang sarap ng gising ko walang problema. Walang gulo. Wala nga bang gulo? Meron pero hindi sa trabaho. Naguguluhan ang puso ko. Bakit? Kasi as day passes by may mga bagay na unti unti kong naaalala tungkol kay Natalie. Lalo tuloy akong nagsisisi kung bakit ko siya hiniwalayan. Namimiss ko na siya ng sobra. Pero sana this vacation makapagisip ako ng dapat gawin para sa feelings ko.


Napaaga ata ako at wala pa si Bessie. Siguro ay lalapitan ko muna ang yatch. Sinalubong ako ng captain noon at sinabing doon na lamang muna ako maghintay. Pumasok ako sa loob at infairness maganda nga siya. Asteg! Biglang nagring ang phone ko.
Bessie: Nat?
Natalie: Oh? Bakit?
Bessie: Nasaan ka na?
Natalie: S a loob na nang yacht!
Bessie: Good! Hintayin mo lang ako ah. Medyo matatagalan kasi ako eh.
Natalie: Okay!


Ito talagang kaibigan ko hindi pa rin nagbabago always late! Hay.........Bessie talaga!


Nakarating din ako sa wakas at madali ko naman nakita yung yacht na  sinasabe ng pinsan ko at sa nakikita ko nauna pa ako sa kaniya. Pasharpsharp 6 pa siya wala naman? Ano kaya yun? Loko talaga yun eh. Unahan ko na nga lang pumasok. Pagpasok ko ay agad akong dumeretso sa Deck. Tinawagan ko si Daniel.
Jules: Dan, asan ka na?
Daniel: Sa puso mo!
Jules: Adik ka eh no! Asan nga kasi?
Daniel: Malapit na medyo natraffic lang ako! Pakausap naman sa Captain oh.
Jules: Sige.


Inabot ko ang cellphone ko dun sa captain at nakita ko na mukhang seryoso ang sinasabi ni Daniel sa captain dahil sa itsura ng mukha nito. Pagtapos nila magusap ay inabot na sa akin nung Captain yung cellphone ko at pumunta na siya sa Control room at nagsimula ng paandarin ang yacht. Naguluhan ako kaya tinawagan ko si Daniel.


Jules: Daniel? Ano to. Bakit paalis na kami wala ka pa?
Daniel: Sorry dude hindi na pala ako makakasama urgent eh.
Jules: So ako lang mag-isa sa resort? Ganun?
Daniel: Nope actually may kasama ka eh.
Jules: Sino nanaman? Umupa ka nanaman ba ng babae?
Daniel: Hindi ah! Actually kilalangkilala mo nga yung kasama mo eh.
Jules: Lagot ka talaga sa akin kapag nakabalik na ako diyan. Nako!
Daniel: Nako bro. Baka pasalamatan mo pa ako sa ginagawa ko!
Jules: Loko ka talaga no?


Nakikipag-away na ako kay Daniel ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Naisip ko na nagiimagine lang ako pero nung tumingin ako sa likod ko ay siya nga iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang babaeng minahal ko ng sobrang tagal. Si Natalie at kasama ko siya sa bakasyon.


Umandar ng bigla ang yacht kaya nagtaka ako dahil wala pa si Bessie. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero wala hindi na siya sumasagot kaya naman lumabas na lang ako at pumunta sa may deck at may n akita akong isang pamilyar na tao na parang kilala ko. Nagtaka ako at naisip na baka dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya ay nagiilusyon na ako. Pero sigurado ako na siya yun kaya naman tinawag ko siya.


Natalie: Jules?


Dahan dahan siyang humarap sa akin at...


Jules: Natalie?


Nakasigurado na ako na siya nga ang lalaking minahal ko ng mahabang panahon. Ang lalaking nasa puso ko pa rin hanggang ngayon.


Jules: Bakit ka nandito?
Natalie: Sabi kasi sa akin ni Bessie magbabakasyon kami.
Jules: Ganiyan din ang sabi sa akin ni Daniel. Mukhang alam ko na ah!
Natalie: So you mean wala silang balak sumunod at tayong dalawa lang ang magbabakasyon?
Jules: Exactly. Niloko tayo nung dalawa na yun.
Natalie: Paano na yan?
Jules: Wala na tayong magagawa kundi  enjoy na lang ang bakasyon.
Natalie: Mukha nga!


Kumakabog ang puso ko habang nakikipag-usap kay Jules. Nakakainis naman eh. Ang tagal na no ganito pa din ang epekto niya s a amin. Magkasama pa kami for 1 week. Patay.Lagot ka sa akin Bessie mamaya! Sobra!Kakalbuhin kita.  Lumayo ako ng unti sa kaniya kasi mahirap na baka mahalata niya na ang bilis ng kabog ng puso ko.


Loko talaga tong si Daniel eh. Lagot talaga sa akin to kapag nakabalik ako. Kinakabahan tuloy ako ngayon. Gusto kong yakapin si Natalie! Mahal ko pa siya eh. Kaya nga lang hindi ko alam ang dapat kung gawin? Hindi ko alam ang pwede. Ang dapat sabihin. Habang pinagmamasdan ko siya nakikita ko na malaki ang ipinagbago niya. Lalo siyang gumanda at nagmature. I wonder kung  ganoon pa din ang damdamin niya para sa akin. Ilusyonado talaga ako. Lalakasan ko na ang loob ko! Ako na ang unang  makikipagusap.


Jules: Umm.. Nat. Can I call you Nat?
Natalie: Sure may pinagsamahan din naman tayo dati diba?
Jules: Oo nga! So? Kamusta ka na it's been ten years nung huli tayong magkita.
Natalie: Oo nga eh. Ito hectic ang sched at ngayon lang nakapagbakasyon. Manager na kasi ako ng boutique ni mommy eh. Ikaw? Ikaw na ba nagpapatakbo sa restaurant niyo?
Jules: Wow! naaalala mo pa pala. Oo ako pa din. Katulad mo busy sa trabaho. Ayaw ko pa nga sana magbakasyon eh. Mapilit lang si Daniel. Nga pala kamusta kayo ni Daniel?
Natalie:Ayun friends.
Jules: Magkaibigan lang kayo? Hindi ka niya nililigawan?
Natalie: Oo dati pero hindi na. Pinatigil ko siya eh kasi wala pa sa isip ko ulit yung mga ganoong bagay. Ikaw kamusta?
Jules: Wala pa din eh. Focus muna sa trabaho. 
Natalie: Nakakatuwa no. Halos parehas tayo.
Jules: Oo nga eh. Teka alam mo ba kung saan tayo pupunta?
Natalie: Nope!
Jules: Halika tanungin natin yung captain.


Nagulat ako sa ginawa ni Jules. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay hinila niya ako papunta sa Control room. Kumakabog ang dibdib ko. Mahal ko pa nga rin siya. Nako kapag nahalata niya to. Delikado




Naglakas ako ng loob na hawakan ang kamay niya at isama siya papunta sa control room. Ito na lang magagawa ko para naman pagtakpan ang kinakabahang kong puso. Para naman akong highschool nito. Nasa isip ko kasi na sana huminto na  lang ang oras katulad ng dati. Kung saan masaya kami ng magkasama.                  



Jules: Sir, matagal pa po ba ang biyahe.
Captain: Hindi naman sandali na lang andun na tayo.
Natalie: Salamat po.


Bumalik na kami sa deck pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagdagundong ng puso ko. Dahil hanggang ngayon ay hawak pa din ni Jules ang kamat at puso ko. Papahamak pa yata ako ng loko kong puso ah. Kinakabahan ako gusto ko na na bitawan niya ang kamay ko na parang hindi. Gusto ko na bitawan niya dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko pero at the same time ayaw kong masira ang moment naming dalawa.



Natalie: Ah, Jules. Kamay ko.
Jules: Ay, sorry!


Binitiwan ko na ang kamay niya. Ang saya naman para talaga kaming mga bata ngayon. Nakapagdesisyon na ako  lalakasan ko na ang loob ko at gagawin ko ulit ang lahat upang mapasaya ng lubusan si Natalie. Babawiin ko ang mga panahon na naging malungkot siya at papalitan ng bagong memories na magpapasaya sa aming dalawa. 


Huminto na ang Yacht at laking gulat namin ng makita namin ang isang napakagandang island at dito ko sisimulan ang lahat lahat sa umpisa.


Natalie: This resort is so beautiful.
Jules: Beautiful as you!
Natalie: Huh?
Jules: Wala sabi ko tara na!
Natalie: Okay!


Hindi naman masama ang umasa diba? Hindi naman siguro kasi ito na ang naiisip ko gawin ngayon eh. Ang umasa na mahal pa din ako ni Jules, ang umasa na may second chance pa para sa amin. Sana lahat ng to meron puntahan. Sana kahit unti ay mangyari ang pag-asang inaasam ko.


Pumasok na kami sa isang villa. Ang ganda ng loob niya sobrang nakakarelax ang ganda ng ambiance. Parang paradise talaga ang lugar. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Jules. 


Jules: Hey, pagod ka na ba?
Natalie: Hindi naman.
Jules: Halika ikutin natin ang buong place later after we settle our things.
Natalie: Sure!


Hindi ko nanaman mapigilan ang isip ko na magimahinasyon ng kahit unti. Ano ba Natalie stop over thinking  things.



Ilang minuto lang ay kumakatok na si Jules sa pinto ng kwarto ko. At nagaaya ng mamasyal sa buong lugar kaya agad kong kinuha ang shoulder bag ko at sumama na sa kaniya. We are really having fun. Ang sarap parang walang problema. Ganito ang matagal ko ng namimiss ang pamamasyal naming dalawa ni Jules. Ang lalaking mahal ko. Tawa lang kami ng tawa hanggang maghapon puro kulitan at tawanan ang nangyari sa aming dalawa. Hanggang sa magsix na ng gabi at bumalik na kami sa Villa. Meron namang chief dun kaso nagpumilit si Jules na  siya ang magluluto. Bumalik lahat sa aking ng ala-ala ng kahapon kasi nangyari na to dati hindi ko lang alam kung natatandaan niya.


Jules: The food is ready.
Natalie: ....................
Jules: Oh, bakit?
Natalie: Wala nangyari na kasi to dati. Ewan ko lang kung natatandaan mo.
Jules: Medyo. Know what Nat this past few years unti-unti nang bumabalik ang ala-ala ko.
Natalie: Talaga?
Jules: Yup! Kaya naman I decided something.
Natalie: Ano yun?
Jules: Can you help me regain my memory. Alam mo aaminin ko na sayo ha. Ang tangga ko kasi pinakawalan kita all this years Nat hindi man kita naaalala pero naaalala ka ng puso ko. Kung pwede sana can you gave me another chance?

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Jules. Namamalikmata lang ba ako o niloloko lang ako ng sarili kong utak. Nang tinignan ko ulit si Jules ay parang lumabo ang paningin ko. at biglang.


Jules: Natalie?...........
































                                                     








Fate Chapter 17 : When Cupid starts to Move

Simulan na ang plano para sa pagiging Cupid ko. Kaso paano?
Tinawagan ko ang lahat ng close friends nilang dalawa at makikipagkita ako sa kanila upang buuhin namin ang plano. Porsigido talaga ako na magkatuluyan yung dalawang yun eh. Kaya naman lahat ng plano ko ay sinusulat ko sa isang papel ng magring ang cellphone ko.

Daniel: Hello?
Natalie: May gagawin ka ba ngayon?
Daniel: Oo eh. Bakit?
Natalie: Wala lang aalukin lang sana kitang maglunch. Kasi malapit ng maglunch break.
Daniel: Sus! Gusto mo lang ng kausap kaya ako ang inaalok mo eh.
Natalie: Ikaw talaga loko-loko ka din eh no. Lilibre pa naman sana kita.
 Daniel: Sayang naman ang libre mo. May kalunch na kasi ako eh.
Natalie: Babae nanaman yan no? Ikaw talaga kelan ka ba hihinto sa pambababae.
Daniel: Pag sinagot mo na ako.
Natalie: Adik ka talaga. Sagutin mo na kasi si Chary.
Daniel: Ayuko nga ang kulit-kulit nun eh.
Natalie: Ikaw na nga ang nililigawan nun. Chossy ka pa.
Daniel: Basta! Sige next time na lang ha.
Natalie: Sige!

Sayang naman yung pagkakataon na yun? Si Natalie na ang nagyaya tinanggihan ko pa. Hayaan mo na sa kaniya rin naman tong ginagawa ko eh. Makaalis na nga.

Nagsimula ng maglakad papuntang elevator si Daniel na excited na excited sa nabuo niyang plano. Napagplanuhan niya na magkita-kita sila sa isang japanese restaurant at doon mag-usap usap. Paglabas niya ng elevator ay nakita niya agad ang mukha ng babaeng pinakakinaiinisan niya si Chary Mendoza. Anak ng CEO ng kanilang kompanya. Mas bata ito sa kaniya ng isang taon at mula ng makita siya nito ay hindi na siya nito tinigilan sa pangungulit. Maganda ito kaso sobrang kulit lang talaga at wala siyang balak na mainlove sa isang kasingkulit niya.

Chary: Saan ka puipunta?
Daniel: Sa impyerno sama ka?
Chary: Sasama ko kahit saan ka pa pupunta.
Daniel: Tigilan mo nga ako Chary. Importante ang lakad ko ngayon.
Chary: Mas importante sa akin?
Daniel: Oo. Bakit ba ang kulit mo?
Chary: Kasi nga mahal kita.
Daniel: Ewan ko sayo?
Chary: Isama mo na kasi ako.
Daniel: Oo na nga. Ang kulit mo! Sumama ka na.
Chary: Yes!

Wala na akong magawa kundi ang isama ang babaeng ito. Kulang na ako sa oras eh. Kaya sinama ko na  din malay natin may matulong naman pala siya. Habang nagmamaneho ako ay kwento ng kwento si Chary. Oo masarap pala siya kasama at ibang-iba siya kay Natalie. Sobrang napakamasayahin at napakakulit. Parang hindi na yata to mauubusan ng energy.

Dumating na din kami sa wakas sa restaurant at nagmadali kami. Habang papunta kami sa table ng mga kaibigan namin ay nagtanong si Chary.

Chary: Anong ginagawa nation dito?
Daniel: Magplaplano para magkabalikan ang pinsan ko at si Natalie.
Chary: Di ba mahal mo si Natalie?
Daniel: Oo kaya ko nga ginagawa ito eh.
Chary: So may pag-asa na ako diyan sa puso mo.
Daniel: Tignan natin?

Pagdating ko doon ay agad na nagkamustahan ang lahat at pinuno ako ng tanong ng mga
kaibigan nila kung sino ang kasama ko. Ipinakilala ko sa kanila si Charry at pagtapos ay nagusap-usap na kami.

Drew: bakit mo ba kami pinapunta dito?
Bianca: Oo nga?
Daniel: Diba kaibigan natin parehas sina Jules at Natalie?
Drew: Oo naman. Ano ang tungkol sa kanila?
Daniel: Napansin ko kasi na mahal pa din nila ang isat-isa kahit hindi na sila nagkikita.
Bess: Tama si Jules. 
Chase: So we're gonna make them back together?
Daniel: Ganoon na nga! Parang isesetup natin sila.
Drew: Nice Idea. Kaya lang paano?
Daniel: I already talked to tita. Sinabi ko ang plano ko at sumangayon naman siya.
Bianca: Ano ba ang plano mo?
Daniel: I planned to make them go to a vacation. Tapos ang vacation nila ay isa sa mga private resorts or island. Hindi pa ako actually nakakahanap ng lugar.
 Chary: Pwede ang sa amin. You can use it for your plan. Magpapaalam lang ako kay Daddy iset niyo na ang date.
Bess: Naeexcite ako.
Daniel: Okay ngayon sasabihin natin na sasama tayo sa bakasyon nila. Pero pagdating nila sa yate ay silang dalawa lang ang dapat na naduon at pagdumating na sila ay dapat aalis na agad ang yate para hindi na sila makapalag. Okay ba ang plano ko?
Chase: Call!
Bianca: Ako din
Bess: Game!
Drew: Kelan natin sisimulan?
Daniel: Now na, Bess ikaw na bahala kay Natalie kausapin mo ang mom niya and then kausapin mo din siya.
 Bess: Sure!

Naging maayos ang takbo ng meeting namin at nakatulong nga si Chary sa plano kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.
Chary: For how many days nga pala gagamitin ang resort namin?
Daniel: One week perhaps?
Chary: Okay!
Daniel: Salamat ha!
Chary: Your welcome! Ikaw pa malakas ka sa akin eh.
Daniel: Para makabawi naman ako sayo. Itretreat kita kahit isang date lang sa akin.
Chary: Ang yabang mo ah!
Daniel: Hindi naman. Libre na nga date ko eh. Ako pa ang nagalok.
Chary: Oo na!
Daniel: Hahahahahah. So bukas yung plano natin sa kanila ah!
Chary: Sige!


Excited na ako bukas na magaganap yung pnlano naming lahat. Sana naman magwork-out at ng magkabalikan na yung dalawa na yun.


Bessie: Nat!
Natalie: Uy..long time no see ah!
Bessie: Kamusta ka na. Pumayat ka best ah!
Natalie: Sub-sob sa trabaho eh. Ikaw?
Bessie: Nako perfect timming talaga ako oh!
Natalie: Bakit?
Bessie: Aayain sana kita bukas. Sa isang private resort ng pinsan ko para makapagrelax.
Natalie: Sayang! Ang dami ko pang trabaho eh.
Bessie: Ipinaalam na kita sa mommy at daddy mo. Pumayag na sila, tsaka one week lang naman eh. Tatangihan mo pa ba ako?
Natalie: Pero kasi..Sige na nga!
Bessie: Good! Sa manila bay kitaan ah. Gagamitin natin yung private yatch ng pinsan ko. 6 ha!
Natalie: Okay!




Miranda: Jules, anak tama na muna ang trabaho.
Jules: Okay lang ma! Wala naman akong magawa eh.
Miranda: I think you need a vacation.
Jules: In the middle of september? I think hindi na ma ang daming trabaho ngayon.
Miranda: You need to take a break.
Jules: Kung magbabakasyon naman ako saan ako pupunta.
Daniel: Don't worry insan! Sama ka na lang sa akin bukas!
Jules: Saan naman?
Daniel: Sa isang private resort ng kaibigan ko. Bakasyon tayo for one week!
Jules: Kung ikaw lang kasama ko? Wag na mamaya kung ano pang kalokohan ang masangkutan ko.
Daniel: To namang pinsan ko!
Miranda: Jules! Sumama ka or else tatangalin kita sa company.
Jules: Ma!
Daniel: Sama na kasi insan!
Jules: Oo na nga!
Miranda: Good!
Daniel: So six insan ha! Sharp dapat! Excited na ako.
Jules: Kinakabahan ako sayo eh.


Hindi ko alam pero kinokotoban ako sa outing namin bukas nito ni Daniel eh. May kakaiba eh. Pero bahala na basta nakakapagrelax ako .


Sa wakas makakapagrelax na din for one week buti na lang nagkita kami ni Bessie! Makakapagpahingga din










                 























                                                     

































































































































































            
 

   

Saturday, October 22, 2011

Chapter 16: A time to Move on

I guess every relationship has an end. And my relationship to Jules already reached it's limit.
Masakit pero kailangan tanggapin ang katotohanan. Hindi habang buhay ay magiging ganito ako. Hindi pwedeng habang buhay akong magmumukmok pero masakit eh. Sobra! Kaya ang magagawa ko lang muna ngayon ay ang umiyak ng umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong luhang maiiyak.

Naaawa ako kay Natalie hindi ko alam ang dapat kung gawin sa sitwasyon na to. Oo joker ako at makulit pero sa ganitong sitwasyon sigurado akong walang panabla ang pagbibiro ko dahil hindi pakikipagbiruan ang kailangan niya ngayon kundi balikat. Balikat na masasandalan.

Daniel: Natalie, sorry :(
Natalie: Shhhhh..pabayaan mo lang muna ako umiyak.
 Daniel: Baka mahimatay ka nanaman niyan.
Natalie: Hindi na yan. Pagkatapos ko namang iiyak to wala na rin to eh. Mawawala na din siguro ang sakit.
Daniel: Sira ulo talaga yung pinsan ko!
Natalie: Okay lang yun ako naman ang iniisip niya eh. Atleast hindi siya nakipaghiwalay dahil may iba na siyang gusto. Okay na ako sa ganito l;ilipas din to.
Daniel: Basta Natalie ang maipapayo ko lang sayo huwag kang matatakot ulit na magmahal ha.
Natalie: Ayuko muna pagusapan iyan :(

Ang awkward ng sitwasyon ko ngayon no? Pinsan pa ni Jules ang nagpapatahan sa akin at ang nagbabantay sa akin. Pero atleast may kasama ako kahit papaano. Alam ko lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay may dahilan. Lahat ng to may magandang kalalabasan kaya naman gagawin ko ang lahat para makamove on para naman kahit papaano ay makapagpatuloy pa din ako sa buhay ko.

Wala na akong magagawa ito na nga talaga yata ang huli. Paalam na prinsipe ko. Paalam na Jules. 
Magiging isa ka na lang magandang ala-ala sa aking puso.


10 years later............
Sampung taon na rin ang nakakalipas simula ng maaksidente ako. Marami ng nangyari sa buhay ko. Mga magaganda at masasakit. Graduate na ako sa school at nagmamanage na ng kompanya namin. Ako na ang manager ng isang branch ng restaurant namin at masayang-masaya ako kahit walang lovelife...Masaya nga ba ako?

Hindi lang sa akin maraming nangyari pati kina Drew. Ngayon si Drew kasal na ang kaibigan kong chickboy ay tuluyan ng nainlove sa girlfriend niyang si Reina.

Si Chase naman ayun head over hills inlove na din ang problema mukhang natotorpe pa siya.

Si Daniel naman ay ayun manager na din ng kompanya nila at nililigawan na niya si Natalie. Ang babaeng matagal kong hindi naalala pero hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Ewan ko tangnga na kung tangga pero... Mahal ko pa pala si Natalie.....pero tapos na ang lahat eh. Alam ko naman na mas sasaya siya sa piling ni Daniel.

Lumipas na ang 10 taon at ito ako isa ng manager sa kompanya namin. Masaya naman ako kahit ang dami ng trabaho pero alam ko sa sarili ko na nagmature na ako. Kaso may isang bagay pa din na hindi ko mabago-bago kahit anong gawin ko. Ang pagmamahal ko kay Jules. Hindi ko na nga siya nakikita pero sa loob loob ko ay mahal ko pa din siya. Akala ko ganoon lang kadaling mag move on. Hindi pala lalo na kung tunay mong minahal yung tao. Nagpakabusy ako sa pag-aaral lahat na ginawa ko pero wala pa din eh. Siya pa rin talaga. Kaya martir na kung martir pero umaasa pa rin ako na magkaroon ng milagro at maging kami ulit. Marami na ang nanliligaw sa akin kasama na si Daniel pero wala eh. Ayoko lokohin ang sarili ko at ang ibang tao.

Ako naman ito at lalong gumagwapo. Manager na din ako ng perfume brand namin. Salamat kay Natalie at kahit papaano ay nabago niya ako. Iba talaga ang powers ng love. Ang dating loko-loko at walang pakialam sa buhay ay ngayon isang may pakialam na tao na. Ilang taon na din akong nanliligaw kay Natalie kahit na alam kong wala akong pag-asa. Kasi mahal pa din niya hanggang ngayon yung ungas kong pinsan. Pero ayos lang basta maiparamdam ko na mahal ko siya. Ayos na ako.Kaya ito ako ang kulit kasi ng dalawang to eh. Ako na ang gagawa ng paraan para magkabalikan sila pero siyempre sa tulong din ng mga kaibigan nila. Ako muna si Cupid Daniel para sa kanila. Kahit masakit sa akin ay handa akong magparaya dahil parehas silang mahalaga sa akin. Saan kaya ako magsisimula?

Monday, October 10, 2011

FATE Chapter 15: Once upon a time

Buhay nga naman hindi mo malaman kung anong mga sorpresa ang hatid sayo. Parang katulad ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko akalain na maaaksidente si Jules at makakalimutan niya ako. Muntik na akong mawalan ng pag-asa pero buti na lang at hindi man ako maalala ng utak niya ay naaalala naman ako ng puso niya, kailangan ko lang maghintay at alam ko na maaalala niya rin ako at babalik din sa dati ang lahat.

Natalie: Ang bilis niyo naman atang bumalik tita.
Eliza: Nakita ko kasi tong pinsan ni Jules eh may pagka ewan to pagdating sa direksyon.
Daniel: Ikaw?
Natalie: Daniel?
Eliza: Magkakilala kayo?
Daniel: Nakilala ko lang siya a while ago.So si Jules ang boyfriend mo?
Jules: Dan? Ikaw ba yan?
Daniel: Jules! Musta?
Jules: Ito siraulo hindi ko kasi matandaan ang girlfriend ko.
Natalie: Ano ka ba!
Jules: Totoo naman eh.
Eliza: So iwan ko muna kayo ha.
Natalie: Sama na ako tita

Badtrep naman oh! Bakit ganoon? pinsan ko pa ang boyfriend niya. Si Jules pa. Napaglalaruan na ata ako ah. Naiwan kami ni Jules sa  kwarto niya,. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Bahala na.

Daniel: Siya ba yung girlfriend mo?
 Jules: Oo.
Daniel: Alam mo dre sayang. Nalove at first sight ako sa kaniya eh. Kaso girlfriend mo na pala siay.
Jules: Nagbibiro ka ba?
Daniel: Insan hindi ako nagbibiro. Kaya bilisan mo na ang pag-alala mo sa kaniya dahil pag hindi mo pa din siya naalala gagawa na ako ng paraan para maging girlfriend siya.
Jules: Loko ka ha! Umalis ka na nga dito.
Daniel: Tandaan mo yan insan.

Loko ka talaga Daniel! Bakit mo naman naisipan na sabihin iyon sa pinsan mo? Pero totoo yun ah may gusto ako kay Natalie pero hindi ko balak na agawin siya sa pinsan ko. Ginawa ko lang naman yun para magporsige siyang maalala si Natalie eh.'

Sa totoo lang gusto kong sapakin yung pinsan ko na yon. Oo close kami pero pagdating sa ganoong bagay hindi na pwede yon. Bakit naman kasi sa lahat ng kakalimutan si Natalie pa, ang girlfriend ko pa. Napaisip tuloy ako. Paano kung sa iba siya magiging masaya, paano kung hindi ko siya maalala. Di unfair naman sa kaniya yun. Paano kung nakatadhana talagang makalimutan ko siya. Paano kung sa iba siya mas sasaya. Paano kung sabay ng pagkalimot ko sa kaniya ay wala na din akong damdamin para sa kaniya. Pero...Ang daming katanungan sa isip ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat  gawin at kung ano ang tama. Tama pa bang ipaglaban ko siya kahit hindi ko na siya naaalala, o ipaubaya ko na lang siya sa iba. Bahala na

Eliza: Jules. Nasaan na si Daniel?
Jules: Umalis na po siya.
Eliza: Bakit daw?
Jules: Ewan ko dun? Nga pala mom where is Natalie?
Eliza: Nagpunta lang siya sa restroom. She'll be back soon.
 Jules: Mom, kapag bumalik na siya pwede bang iwan mo muna kami.
Eliza: Sure!


Natalie: Gusto mo daw ako kausapin Jules?
Jules: Ah, Natalie..I think we should break up.
Natalie: A...ano?
Jules: Hindi ka magiging masaya sa akin, I can't even remember you right?
Natalie: Pero naaalala ako ng puso mo? Ikaw na din ang nagsabi ah.
Jules: Sorry Nat.
Natalie: Jules naman eh! Huwag mo naman akong binibiro ng ganyan. Alalahanin mo naman ako oh.
Jules: I can't Nat, sorry pero yun na ang desisyon ko. 
Natalie: So ganoon na lang yun? Ganoon na lang yun kadali? Fine! I guess this one is goodbye for real.
Jules: Mas makakahanap ka pa ng lalaki na babagay sayo. Makakahanap ka pa ng lalaking hindi ka malilimutan. Magiging unfair naman ako sayo kung hihintayin mo pang maalala kita na dapat ay imbis na naghihintay ka ay nagsasaya ka na sa piling ng iba.
Natalie: I'm willing to wait Jules.
Jules: Please understand me Nat, ayaw lang kitang masaktan.
Natalie: Jules. Tell me that you don't love me. Tell it to me by looking at my eyes!
Jules: I ..I...I..I DO...I DON'T LOVE YOU ANYMORE!
Natalie: So..s...so...I guess it is the end. Goodbye J...Jules. I.I LOVE YOU 



Wala na akong nagawa kundi muli panuorin ang likod niya mula sa higaan ko habang papalayo ng papalayo sa akin. Sabihin niyo nga mali ba ang ginawa ko? Ginawa ko naman ang tama diba. Diba nga Letting Go is a part of life at sa parte ko kailangan ko ng maglet go dahil baka hindi ko na siya maalala? Tell me mali ba ang ginawa ko? Nalilito din ako. Akala ko ang dali lang sabihin ng mga ganoong bagay sa kaniya dahil hindi ko naman siya naaalala pero masakit din pala. Siguro dahil sa nakita kong reaksyon niya nung sinabi kong maghiwalay na kami pero hindi rin eh. Honestly habang umiiyak siya gusto ko siyang hilain at halikan mapatigil lang ang pag-iyak niya. Marahil tama nga siya kahit hindi ko siya maalala naaalala naman siya ng puso ko. Naiinis ako sa sarili ko ano nanaman bang katangahan ang nagawa ko. Ano nanaman ba? Nasa huli nga yata talaga ang pagsisisi..........

Why is that life is so unfair. Ang saya-saya na namin ni Jules and it turns out like this. Akala ko wala ng hanggan ang kasiyahan akala ko habang buhay na ganito. Hindi naman pala. Ang unfair talaga ng buhay. KUNG Kelan maayos na ang lahat sa buhay ko. Tsaka naman mangyayari to. I can't help but to get angry. Why? this kind of thing happened to me. Kanino ba dapat ako magalit sa sarili ko ba dahil kung hindi sa akin hindi sana maaaksidente si Jules. O si Jules na nagletgo agad. Hindi ko na alam natapos na ng parang bula.Parang relationship status lang sa FB ah ganoon lang kadali nawala. Ang istoryang nagumpisa sa Once Upon a time ay nagtapos sa masalimoot na ending ang ineexpect na Happy Ending ay bigla na lang naglaho kasabay ng mga ala-ala na pinagsamahan namin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon para akong nawalan ng kaluluwa. Ngayon naiintindihan ko na si Bella nung nawala sa kaniya si Edward. Ayoko ng ganitong pakiramdam kung sana may doktor na gumagamot sa Broken Hearted eh malamang hahanapin ko siya at ipapatanggal na tong puso ko. Ewan ko ang alam ko sobrang Unfair ng buhay.

Daniel: Natalie!
Natalie:............................
Daniel: Hindi mo ba ako naaalala?
Natalie:.......
Daniel: Hello?

Wala na akong napapansin sa paligid ko parang biglang  nanghina na lamang ako at tumumba sa lalaki na kinakausap ako.


Nakita ko si Natalie na naglalakad sa labas ng compound ng hospital. Parang wala siya sa sarili kaya nilapitan ko siya. Paglapit ko sa kaniya hindi man lang niya ako napapansin. Kinabahan ako mamaya naging Zombie na to. Kinakausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Nagulat na lang ako ng bigla siyang natumba at nawalan ng malay. Kinabahan ako sa nangyari kaya agad ko siya binuhat at tumakbo ako sa loob ng hospital. Ewan ko pero parang nagkaroon ng himala. Alam ko sa sarili ko na may problema ako pagdating sa direksyon pero nung itinakbo ko na siya sa loob ay tumama ako. Ganito ba talaga kalakas ang tama ko sa girlfriend ng pinsan ko.

Eliza: What happened Daniel?
Daniel: Nag co lapse si  Natalie tita.
Eliza: Oh my gosh! Sa sobrang pagod siguro. alam na ba ng mga magulang niya.
Daniel: Not yet tita pero tatawagan ko na nga po sila eh.
Eliza: Don't bother ako na lang, puntahan mo na ;lang si Jules. Ipaalam mo na lang sa kaniya
Daniel: Yes tita!


Jules: Sino yan?
Daniel: Hi Insan!
Jules: Ano nanaman pinunta mo dito?
Daniel: Bakit parang bad trip ka yata. May problema ka?
Jules: Madami!
Daniel: Easy ka lang! Hindi ko na nga lang sasabihin sayo.
Jules: Ano nga kasi yun.
Daniel: Si Nat ano nahimatay siya kanina.
Jules: What?
Daniel: May nangyari ba sa inyo?
Jules: I broke up with her.
Daniel: What? Bakit mo naman naisipan iyon?


Pagkasabi ko ng mga kataghang iyon ay akmang susunukin na ako ni Daniel kaya napapikit ako  pero pagmulat ko ay nasa harap ko lang ang kamao niya na alam ko na pinipigilan lang niyang tumama sa mukha ko. Ngayon ko lang nakitang nagalit ang pinsan ko. I can see it in his eyes na nagpipigil lang siya. Yan ang kulang ko. I can see that he cares a lot for Natalie eventhough kakakakilala lang nila sa isa't-isa.

Daniel: Pasalamat ka at mahina ka pa at pinsan kita kung hindi tinuluyan na kita.
Jules: Puntahan mo na lang si Natalie.
Daniel: Alam mo bang ang tannga mo!
Jules: I know!
Daniel: Don't regret anything pinsan. Ngayong break na kayo ni Natalie I will really make my move to get her.
Jules: Then go get her. Look Dan I don't have the look in your eyes like you really care about her.
Daniel: Yun na nga eh. Kahit meron naman itinatanggi mo. Pinsan alam mo sa sarili mo na mahal mo siya kahit hindi mo siya maalala pero tinatanggi mo lang kasi natatakot kang masaktan mo siya. Well alam mo ang duwag mo. Hindi ikaw ang Jules na kilala ko. Ang sarap mong patayin! Ewan ko sayo.

Ngayon lang ako naginit ng ganoon sa pinsan ko! Buti na lang at nakapagpigil pa ako. Bakit ba kasi ang bobo ng pinsan kong yun. Ang sarap patayin. Ayokong gawing advantage to para makuha si Natalie sa kaniya kaya tutulungan ko na lang silang magkabalikan.

Natalie: Da..Daniel?
Daniel: Kamusta ka na?
Natalie: Hindi pa okay. Nahihilo pa din ako.
Daniel: Magpahinnga ka muna.
Natalie: Alam mo na ba?
Daniel: Yup.Don't worry.
Natalie: pwede ba akong umiyak?
Daniel: Sure, dito lang ako.

Bumuhos ang luha ko. Nakakahiya man dahil pinsan pa ni Jules ang iniiyakan ko pero kailangan ko lang talaga ngayon ng makakasama. Kailangan ko lang ngayon iiyak lahat ng inis at galit ko sa mundo. Kelangan ko ilabas lahat-lahat.