Pages

Sunday, July 15, 2012

Baliktanaw sa aking nakaraan entitled BUHAY

Nakita ko lang ulit yung luma kong sulat na tungkol sa buhay..Nakakatuwa sarap balikan nung ibang sulat ko..Yung iba naman sarap waskin. Hehehehe ( Tindi ng term..) Anyways..Popost ko lang yung nahagip ko na sulat ko :D Entitled Buhay :D 




BUHAY..


ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng buhay?

kanina ko lang yan naisip nang nagCG kami o CELL GROUP.

sabi ko ang life para sa akin contentment at happiness...pero sinabi ko lang yon para may masabi sa kanila. Sa totoo lang hinde ko pa talaga alam ang tunay na definition ng buhay.

sabi nila kanina ang buhay daw parang washing machine ...sinabi rin nila na ang buhay ay isang mystery o palaisipan na walang nakakaalam kung kailan mahahanap ang sagot...ang buhay daw ay may ups and downs..may kaliwa at may kanan..may tama at mali..inihalintulad pa nga ang buhay ng isang tao sa puno o halaman..



sabi nila ang buhay daw ng tao parang halaman na nagsisimula pa lang tumubo...kailangan ng guide upang lumaki sa tamang paraan o magandang bunga..kanina sabi nila ganoon din ang life sa pagtubo ng halaman may posibilidad na malanta o mabuhay ,bumaliko ng landas..o tuwid ang landas parang connection ni god sa ating mga tao...

inihahalintulad tayo sa mga bunga na pausbong pa lang at si GOD ang nagsisilbing guide para tayo ay lumaki ng maayos at hinde malanta o mawala sa landas ng kabutihan o katiwasayan.

tama nga naman ang mga tao na pausbong pa lang katulad ng mga halaman ay parang wala pang tiwala kay GOD o hinde pa tanggap si GOD. Kanina natanong din sa amin iyan kung kailan namin matatanggap si GOD majority sa amin "NGAYON" ang sagot pero matapos ko sabihin iyan tinanong ko ulit sarili ko..handa ka na nga ba talaga tanggapin si GOD? napahinto nanaman ako at sa pangalawang pagkakataon parang nafeel ko na may unting doubt pa rin sa sarili ko...at alam ko kung bakit may doubt pa ko..

Kasi takot ako sa mundo..takot ako sa buhay..hinde ko kasi alam ang pwedeng mangyari sa buhay natin at sa mundo..siguro yong iba sinasabi na alam na ang buhay pero sa totoo lang hinde ako naniniwala na may nakakaalam ng tunay na katotohanan sa buhay ng tao...

kasi kung iisipin natin itong buhay na pinanghahawakan natin ngayon ipinahiram lang sa atin ni GOD..wala tayong kasiguraduhan sa buhay..walang tama at eksaktong definition ang buhay..paulit ulit man nila sabihin na alam na nila ang buhay . Hinde pa rin ako maniniwala kasi nga ang buhay ay unpredictable . Walang perfect definition dito katulad ng tao wala ring perfect na ginawa si GOD sa mundong ito. Sa mundong ito walang eksakto, walang swak na swak at walang perfect.

Sabi nila tayo ang umuukit sa sarili nating buhay tayo ang may CHOICE kung gagawin natin ang alam nating tama at alam nating mali si GOD lang ang naguguide sa atin nasa sa atin kung tatanggapin natin siya o itatakwil.nasa atin kung anong buhay ang pipiliin natin.. nasa atin ang choice at wala sa ibang tao...

Talaga ngang napakaganda ng buhay na ipinagkaloob sa akin..pero ako sa aking pananaw ay takot sa mundo..takot sa buhay..takot sa mga taong nasa paligid ko..hinde ko alam kung bakit pero siguro ito ang CHOICE ko nasa akin na lang kung kelan ko masasabi sa sarili ko na magkaroon ng LAKAS NG LOOB AT TIBAY NG DIBDIB sa pagharap sa buhay..nasa akin na lang kung kailan mawawala ang takot ko sa mundo..sa buhay at sa mga tao sa paligid ko..



Kayo ba? hinde ba kayo natatakot sa mundo? sa mga maaring mangyari sa inyo? sa buhay hinde ba kayo takot o kinakabahan man lang? e sa mga taong nasa paligid niyo sigurado ba kayo sa mga sarili niyo na hinde kayo takot sa mga katabi niyo..sigurado ba kayong may tiwala kayo sa inyong mga sarili at kaya niyo bang sabihin sa kanila ang lahat ng tungkol sa inyong mga buhay?

Ano sa palagay niyo?

No comments:

Post a Comment