Pages

Monday, April 23, 2012

Wanted Perfect Lovestory?

Wanted Perfect Lovestory?


Sa panahon ngayon.. Hmm..ano nga ba madalas kasi ang napapansin ko sa mga kabataang tulad ko mas prefer nila yung mga usapang pangpuso. Hindi ko alam kung bakit pero mas in talaga ngayon ang mga ganyang usapan. Pano ko nasasabi? Syempre ganyan din ako. Kakaiba talaga ang dalang magic ng love no? Subukan niyong kausapin ang ibang mga bata ng tungkol sa History, Math o kaya Science. Ewan ko lang kung di kayo tulugan niyan pero itry niyo ipasok ang usapang PAG-IBIG mas mabilis pang magsisagutan kumpara kapag tinatanong mo ng ibang bagay.

Kabataan nga naman! Bakit nga kaya? Siguro ay natural na tayong hopeless romantics? Hehehe? Ewan?

Pero nakakalungkot lang na dahil sa love sabi ng iba maraming buhay ang nasisira partikular na sa mga kabataan. Dahil ba sa Love kaya't marami ang mga kabataan na nagiging mapupusok at ginagawa na ang mga OFF LIMITS na bagay. Dahil din ba sa love kaya marami ang depress, broken hearted, nageemo at gusto magpakamatay? EEEEEEHH..Dangerous pala ang LOVE bakit pa may LOVE kung nakakasira naman pala?

Tanong niyo sa akin Bilis baka alam ko. HAHAHAH! LOKO!

Well simple lang ang sagot sa ganyan. Maybe kung inaakala mo na nakakasira ang LOVE nakakadepress, nakakasira  or anything nagkakamali ka. Ibang Love ang sinasabi mo. Kung may TL (True Love)
May PL din naman o ang tinatawag na PEKENG LOVE! 


Kayo matanong ko naranasan niyo na ba ang True Love? Hmmm? Alam niyo ba kung paano masasabing True Love na ang love? Ano daw? Ang gulo! Choss..

Marami sa mga kabataan ngayon ay naghahanap ng True Love sa ibat-ibang maling lugar. Napasama na ako sa mga kabataan na yan dati. Siguro dahil sa sobrang sabik na maranasan ang Love ganyan ang nangyari. Pero alam niyo ang natutunan ko? Natutunan ko kung paano mahanap ang True Love at ngayon ay ramdam ko na siya. Don't get me wrong! Wala akong boyfriend or MU (Magulong Usapan). May crush oo pero huwag na natin pagusapan yun! Hehehe..Isa lang naman ang meron ako True Love. Gusto niyo bang malaman kung saan ko nakita ang True Love? Kung gusto niyo malaman wag niyo sa akin hanapin. Hahaha.. Sige na nga pabitin din ako eh no.

Kung gusto niyo mahanap ang True Love why not know God, who is love himself. Kung wala si God hindi natin mauunawaan ang totoong Meaning ng True Love. Ayaw pa maniwala? Then read John 3:16

For God so loved the world He gave us his only begotten son that whosoever believe in Him shall not perish but have everlasting life.

Gets mo na ba? Kung hindi pa ipapaliwanag ko. Sa sobrang mahal tayo ni God at ayaw niya tayong mapahamak. Kaya He make away. Ibinigay niya ang kaniyang anak na si Jesus Christ para maging kabayaran sa mga kasalanan natin. Hindi pa ba True love na matatawag yun? Biruin mo isinacrifice niya ang kaniyang kaisaisang anak para lang sa atin. Isa pang True Love ay yung ginawa din ni Jesus Christ. Nagpapako siya sa Cross para sa atin. Kung tutuusin pwede siyang tumangi pero hindi diba? Kasi mahal niya din tayo at gusto niya tayong masave. Saan ka pa? Hindi mo ba matatawag na True Love yan? Huh? Kung hindi yan ang idea mo ng True Love nako gumising ka na! Napagiiwanan ka na! 


Gusto mo pa makarinig ng True Love? Read the loveletter of God. Siguro nagtataka ka kung anong sinasabi kong love letter noh? Iniisip muna siguro no? By love letter what I mean is the bible. Para sa akin kasi yun ay love letter ni God para sa atin lahat. Try mo kaya basahin. SUPERR! Nakakakilig! Dun mo malalaman na mahal ka talaga ni God! Balik tayo gusto niyo pa ba ng isang example ng TL? Then read Genesis 29

Ang story ni Jacob at Raquel. Well hanga ako kay Jacob. Yun ang matuturing ko na tunay na lalaki kasi biruin mo naglingkod siya sa Dad ni Raquel for 7 years, mapatunayan lang na sobrang serious siya kay Raquel at nung matapos ang seven years...Hmmmm...Nagkaroon ng twist ang akala ni Jacob si Raquel na ang papakasalan niya kaso merun kultura sila Raquel na dapat ang mas nakatatandang kapatid muna ang mag-asawa bago ang bata so si Lea ang papakasalan ni Jacob. Hindi pumayag si Jacob dahil sobrang mahal nga niya si Raquel...Sa tingin niyo anong ginawa ni Jacob? Nagtanan kaya sila ni Raquel? TENNNNNNNNNT....WRONG! Hindi sila nagtanan. 

Ang ginawa ni Jacob. Naghintay ulit siya at naglingkod sa tatay ni Raquel ng 7 years. So bali 14 years ang hinintay niya para lang mapangasawa si Raquel. Graaaaaaaabeeeeeee! Ang tagal no? Matapos ng 14 years. Npangasawa din ni Jacob si Raquel. Ang tiyaga niya diba? Yan ang tunay na True Love. Ikaw ba kaya mong maghintay ng 14 years para mapangasawa ang babaeng mahal mo? Ohhh..Huwag agad magsalita! Baka makain mo yan sa huli.

Ang natutunan ko sa lovestory nina Jacob at Raquel ay hindi kayang baguhin ng anumang paghihirap at pagsubok ang tunay na pag-ibig! NapqaOLALALA ka sa story nila no? Meron pang iba diyan. Nasa bible lang!



Dito ko muna tatapusin tong pageexplain ko ng TL ha! Next time naman ang PL! Ang dami kong natutunan sa libro na LOVES TRUCK! Ang galing ng writer na si Ronald Molmisa! Sobra! Next time eexplain ko naman kung ano yung PL! Pabitin muna!


Basta tandaan... Kung gusto mo ng true love kay God  mo na hanapin. Bago ka maghanap ng pagmamahal sa iba. Tanggapin mo muna ang pagmamahal ni Lord sayo!

YEAH! Hahhahaahahha :) 

No comments:

Post a Comment