Pages

Sunday, April 22, 2012

The Return of the comeback

Tsineng! Tsineng!

Nakakamiss din pala ang magblog. Nakafocuse kasi ako kay Watty ayan tuloy. Nalilimutan na kita. Hahahahaha..Gumenasai! >_<

Anyways.. Ito na nga ulit muling nagbabalik kay Bloggy! Pasensiya na ah! Hindi na kita naasikaso. Maybe nagtaka kayo kung bakit ako ulit sumulat here. Hahahaha..Ganito kasi yan....

Wala akong magawa ngayong araw at naisipan kong buksan yung dating blog entries ko and to my amazement. Puro kadramahan na wala namang humpay ang BLOG na yun. Puro hatred. Hinanakit at mga makamundong bagay. Nakakainis, hindi ko akalain na ganun ako kadrama dati. OWOWOWOWOW!

Gulantang talaga ako eh. Puro hatred beybe ang nakalagay dun. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sa lahat ng sinulat ko dun. Isa lang yung nagustuhan ko. Kasi naman eh. Puro hatred nga. Iba talaga ang nagagawa ni GOD sa buhay ng tao. Dati ang drama ko pala. Ultimo maliit na problema pinopost na. Kakaibang nilalang pala ako dati. TSK..TSK.. Buti na lang hinila ako ni LORD! Thanks Father.

Hindi ko alam. Hindi talaga ako makapaniwala na sobrang NEGA ko dati! AHHHHHHHHHHHHHHHHHH.......Mahirap talaga paniwalaan ang katotohanan. Hahahaha.. To see is to believe nga talaga! At I found out na nageenglish pala ako pag galit ako! PWEEEEE...

ERASE..ERASE! Hindi ako yun. Yun ang past ko ngayon iba na ako syempre binago na ako ni LORD eh.
Magwewento muna ako ng buhay ko.

Ngayon I already learned to depend on GOD. Hindi na ako madrama masyado. Hahahaha. at ayoko na balikan yung dating ako. Ang sarap mabuhay ngayon na ultimo problema na malaki nakakangiti na ako kasi alam ko na laging andyan si Lord sa akin. Ang sarap sumandal sa kaniya kasi kakaiba yung joy na ibinibigay niya sa akin na hindi ko naramdaman sa iba. 

Ngayon ang feeling ko complete na ang buhay ko. Kasi dati even though alam ko na marami ang nagmamahal sa akin, madami ang friends ko. Mahal ako ng parents ko ay laging may kulang. Ngayon wala na kulang. Wala na akong ibang hihingin pa kasi basta. I can't explain the feeling. Mahirap ipaliwanag. Bastaaaaaaaaaa..
Kakaiba talaga ang happiness ang nararamdaman ko!

Right now nacafocuse ako kay LORD! At sa kung ano pa ang mga papagawa niya sa akin. Hindi ko kailangan ng lovelife right now katulad ng ibang kabataan kasi I learned to love others as brothers and sisters at hindi ako nagmamadali mas gusto ko munang magserve ng magserve kay LORD! Sumayaw ng sumayaw para sa kaniya. Ang dami ko pang gustong sabihin kaso may gusto pa din akong isulat kaya maya-maya na lang ulit ah! OWOWOWO! BABUSH!

No comments:

Post a Comment