Pages

Sunday, April 29, 2012

Lesson been Learned

NEW REVELATIONS FROM GOD!


Phewwww.... Another lesson from GOD again. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko dapat. Pero kasi ngayon may bagong nangyari. Yung New Cellphone ko. Well ayun nanaman siya nagbabadyang masira. (Sana huwag LORD!)

Sobrang Careless talaga ako sa mga gamit lalo na sa mga gadgets. HAYYYY.. Kasi naman nabasa nanaman siya. Nalaglag sa BOWL! Nagswimming. Kaya yun. Hindi ko alam kong ano dapat ang mafeel ko pero ang alam ko. May tinuro lang sa akin si Lord kaya niya ginawa yun.

Siguro kaya nangyari yun eh is dahil. Yun nga gusto ni Lord na magbago ako sa pagiging Careless. Isa na yun. Next na nareveal sa akin ni Lord is, kasi nga Im using my phone to follow up my disciples. Yun na lang yung nag-iisang parang ginagamit ko para makacommunicate sa kanila kasi masyadong malayo kami ngayong Summer. Yun na lang yung nag-iisang way para alagaan ko sila. Hindi naman kasi sila nagoonline. Dun lang talaga.

Ang revelation na natanggap ko kay Lord is. Dapat pahalagahan ang ibang mga bagay na ibinigay sayo. Huwag maging pababaya. Parang sa disciples. Example na lang natin yung cellphone ko na wala naman akong alam na malalaglag ngayon.

Kasi kampante ako eh. Kampante ako na hindi masisira or malalaglag pero tignan mo ang nangyari in one way or another nalaglag.Irelate natin sa mga disciples. Dapat sa kanila hindi ka maging kampante parang kasi syempre hindi mo alam kung anong mangyayari sa kanila. Kaya yung pagiging kampante is hindi magandang bagay or ugali. Mamaya sa pagiging kampante mo bigla na lang mawala isa-isa yung mga disciples mo kasi hindi mo alam may mga bagay na pala na maaring mangyari dahil sa pagiging kampante mo.

Kaya sobrang importante na hindi dapat tayo maging CARELESS. Dapat ay maging CAREFUL tayo! Kasi hindi talaga natin alam ang mga bagay-bagay na mangyayari. Katulad ng pagkalaglag ng cellphone ko. Alam ko bang malalaglag yun? Hindi diba? Kasalanan ko ba? Syempre wala akong ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko kasi hindi ako naging CAREFUL!

Ganun din kapag nawala sa focus yung mga disciples mo. Kapag nawalan na sila ng gana. Ganun din ang mangyayari. Hindi mo naman alam kung mawawalan sila ng gana or hindi diba. Katulad nga ng Cellphone ko.


Siguro ginawa lang yun ni Lord talaga para turuan ako na mas maibigay TODO pa yung pagdidisciple ko sa kanila kasi Who knows. Kung ano ang mangyayari sa kagayang paraan na hindi ko akalain na malalaglag yung cellphone ko..


Basta sana maayos ang cellphone ko at pagkatapos nun gagawin ko ang lahat para lang talaga maayos silang madisciple. Magkakayod na ako SOBRA! Ayokong mangako kasi baka hindi ko matupad. GAGAWIN KO NA LANG! GAGAWIN KO SOBRA!

I Declare maayos yung CELLPHONE KO! DECLARE..DECLARE..DECLARE!


Friday, April 27, 2012

I Dance!

YEBAH! 


Ang astegg Nung word kahapon sobra ni Pastor Ricky! Ang galing.. Ang ganda talaga nung word. Nakakabitin nga lang! Sana hinabaan pa. Hahahaa..Pero sempre di pwede kasi may Dance Battle pa! Ang gagaling din ng mga sumayaw..

Buti na lang at nagpakita na ulit ang YDT! Ang mga hinahangaan kong Dancer sa Church! Ang gagaling pa din nila. WALANG kupas! Sila na una ko nakita kaya HANEPERS! Saludo pa din ako sa kanila. Ang asteg ng ginawa ni Lord sa mga buhay nila! Wala lang I really miss them a lot. Kasiii! Talaga! Ngayon na lang ulit sila nagperform! Pero SWAVEHHH! pa din..

I also Compliment din yung UN Dance Crew na nanalo! Mga ang hahanep din nila! Ang gagaling. Ang galing nung Ate na nasa gitna! Hehehe..My video nila ako eh! Ang linis nung sayaw nila. Isama na natin sa Compliment.. Ang Kuya na ang pangalan ay MARCO! Kagrupo nila siya! Mukha siyang Korean! Ang gwapo! Kamukha ni Kenji! HANEPERS! Swaggers ang KUYA! Tinitilian din kagabi eh. Tsaka ang daming nagpapiktyur sa kaniya. HAHAHAH! Kami din sana eh. Kaso bigla nawala. SAYANG NEMEN!  Kagwapo talaga eh! Hindi ko maiwasan mamention!

CLAP..CLAP. din para sa Sovereign Dance Group! Ang galing nung Dalawang Ate. Tsaka yung isang Kuya na Kyut din! Gwapo din siya kaso mas makarisma talaga si Kuya Marco! Hahahaha! Basta kapag naUpload ko na! Ipapakita ko! Asa gitna kasi siya eh. Hindi si Marco ah! Yung Kuya na andito sa Sovereign! Kahit unti lang sila! SWAGGERS pa din!


KUDOS din para sa Synchronize Dance Group! Mga Cramping naman ang Style nila! Ang galing din nila! Gusto ko yung mga Facial Expressions nilang LAPTERP! HAHAHAHAHA!

Ang gagaling lahat nung mga sumayaw! Buti na lang sa SUNDAY sasayaw ulit sina Kuyang Marco makikita ulit namin sila! HAHAHAHA! Akala mo close eh no?

Ang sarap sumayaw kahapon! Parang gusto ko Tuloy MagYDT! Hindi ko lang alam kung bakit. Kaso parang tinatawag ako dun? Bakit ganun? Nasa Dance na ako eh. Kaso tinatawag talaga ako sa YDT eh! Hahahhaha.. SHHHHHHHHHHHHHHHH.... Ipagprapray ko muna kay Papa Lord! Kasi mahirap dumepende sa Feelings lang! XD XD.. I really WANT TO DANCE!

DANCING IS MY LIFE!
Yun lang! BABUSH! RAWR! hahahahha





Wednesday, April 25, 2012

Talentadong BATA!

New Entry nenemen! 


Kasi nga diba dapat Balance dapat! Hehehehe..

Ayun may kukuwento ako sa inyo! Hindi pa to yung part 2 nung nauna kong BLOGPOST! Hinay-hinay muna! Hahahaha...

Ito yung paguusap namin ni Mama kahapon. Hindi ko alam na napapansin pala ni mama yung mga pinaggagagawa ko dito sa Computer kong Mahal! >_<

Kasi nemen. This summer dahil sa sobrang Walang ginagawa! Dito ako nakatutok sa Computer. Kung hindi nakatanga sa FB. Nakatanga nemen sa 9gag o kaya Tumblr. Ayuko nemen kausap si Simsimi tsaka wala nemen din kaming pag-uusapan. Di kami CLOSE!

Sa araw-araw na pinaggagagawa ko dito sa Computer si Mama lang ang nakapansin sa aking dirediretsong pagtype. Ni ako hindi ko din kasi napansin.

Nagulat ako kahapon. Tinitignan niya ako tapos kinalabit.

Sabi niya.

"Ano ba yang ginagawa mo? Type ka ng type diyan? Bakit dirediretso? Memorize mo ba yang mga pinagtataype mo?"

Tapos sa haba-haba ng sinabi niya ang nasabi ko lang.

(0_0) ----------> Huh?


Nagtaka din ako eh? Kasalukuyan kasi ako nung gumagawa ng PangUD kay WATTPAD. Ako din nagulat sa sinabi ni mama. Napaisip din ako. Sabi ko Oo nga no? Bakit ganito? Dirediretso ako mag-sulat walang scratch- scratch sa papel. Kung ano yung nasa isip sulat agad tapos. Basta nagulat din ako. Ngayon ko lang din napansin na ganun pala akong Bata. HAHAHAHA.. TALENTED! Eksdi..Eksdi! Mineski! Kyahahahahah..


Pero hindi nga pwera Biro. Dirediretso ako magsulat. Nakakagulat lang kasi diba? Yung iba iisipin muna nila yung isusulat nila tsaka nila itataype. Ako hindi eh. Kung ano yung eksaktong nasa isip ko sulat agad. Kakaibang Nilalang! ALIENERS ata akechiwa! HALUH! Kalahi ko yata sina Ben10 haluh! Baka isa ako sa mga alieners dun?

Isa pang napansin ko habang nag-iisip ako eh. Pagsumusulat din ako ng story hindi ko binabasa kong ano yung nauna kong sinulat na Chapter. Basta makita ko lang na Chapter ganun yun. Magsusulat na ako ng susunod. Wala akong alam sa naunang sinulat ko kaya nga minsan Feeling ko hindi na related. Minsan feeling ko ang pangit na. Kaya nga nagugulat ako dun sa mga bumabasa kasi naiintindihan pa nila.


Tapos magcocoment pa sila na ang ganda! NAKO! Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nagagawa ko. Sometimes talaga hindi ko napapansin ang mga pinagagagawa ko! HEHEHEHE..ALIEN na ALIEN ang dating.


Pero nakakatuwa ahh! Kung ano nasa isip ko yun agad yung nasusulat ko. Naaamaze lang talaga ko kung paano ko nagagawa yun?

Pero bago ang lahat syempre dapat Magpasalamat ako kay Lord. Kasi binigyan niya ako ng ganung Klaseng Talent. Talent in Writing Oh diba Bongga! Balang Araw makakagawa din ako ng Libro! HAHAHAHAHAHAHAHA..... >_<... Nananalig ako!


Pwero I swear. Hanggang ngayon STARSTRUCK at dumb founded pa din ako kasi nga nagugulat nga ako! Oh siya tama na ang mga kagulatan. Basta Alam ko TALENTADONG BATA AKO! Hahahahaha..

Feeler!


Last na talaga! RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWWWWWWWR! Pwahahahahaha :)

Monday, April 23, 2012

Wanted Perfect Lovestory?

Wanted Perfect Lovestory?


Sa panahon ngayon.. Hmm..ano nga ba madalas kasi ang napapansin ko sa mga kabataang tulad ko mas prefer nila yung mga usapang pangpuso. Hindi ko alam kung bakit pero mas in talaga ngayon ang mga ganyang usapan. Pano ko nasasabi? Syempre ganyan din ako. Kakaiba talaga ang dalang magic ng love no? Subukan niyong kausapin ang ibang mga bata ng tungkol sa History, Math o kaya Science. Ewan ko lang kung di kayo tulugan niyan pero itry niyo ipasok ang usapang PAG-IBIG mas mabilis pang magsisagutan kumpara kapag tinatanong mo ng ibang bagay.

Kabataan nga naman! Bakit nga kaya? Siguro ay natural na tayong hopeless romantics? Hehehe? Ewan?

Pero nakakalungkot lang na dahil sa love sabi ng iba maraming buhay ang nasisira partikular na sa mga kabataan. Dahil ba sa Love kaya't marami ang mga kabataan na nagiging mapupusok at ginagawa na ang mga OFF LIMITS na bagay. Dahil din ba sa love kaya marami ang depress, broken hearted, nageemo at gusto magpakamatay? EEEEEEHH..Dangerous pala ang LOVE bakit pa may LOVE kung nakakasira naman pala?

Tanong niyo sa akin Bilis baka alam ko. HAHAHAH! LOKO!

Well simple lang ang sagot sa ganyan. Maybe kung inaakala mo na nakakasira ang LOVE nakakadepress, nakakasira  or anything nagkakamali ka. Ibang Love ang sinasabi mo. Kung may TL (True Love)
May PL din naman o ang tinatawag na PEKENG LOVE! 


Kayo matanong ko naranasan niyo na ba ang True Love? Hmmm? Alam niyo ba kung paano masasabing True Love na ang love? Ano daw? Ang gulo! Choss..

Marami sa mga kabataan ngayon ay naghahanap ng True Love sa ibat-ibang maling lugar. Napasama na ako sa mga kabataan na yan dati. Siguro dahil sa sobrang sabik na maranasan ang Love ganyan ang nangyari. Pero alam niyo ang natutunan ko? Natutunan ko kung paano mahanap ang True Love at ngayon ay ramdam ko na siya. Don't get me wrong! Wala akong boyfriend or MU (Magulong Usapan). May crush oo pero huwag na natin pagusapan yun! Hehehe..Isa lang naman ang meron ako True Love. Gusto niyo bang malaman kung saan ko nakita ang True Love? Kung gusto niyo malaman wag niyo sa akin hanapin. Hahaha.. Sige na nga pabitin din ako eh no.

Kung gusto niyo mahanap ang True Love why not know God, who is love himself. Kung wala si God hindi natin mauunawaan ang totoong Meaning ng True Love. Ayaw pa maniwala? Then read John 3:16

For God so loved the world He gave us his only begotten son that whosoever believe in Him shall not perish but have everlasting life.

Gets mo na ba? Kung hindi pa ipapaliwanag ko. Sa sobrang mahal tayo ni God at ayaw niya tayong mapahamak. Kaya He make away. Ibinigay niya ang kaniyang anak na si Jesus Christ para maging kabayaran sa mga kasalanan natin. Hindi pa ba True love na matatawag yun? Biruin mo isinacrifice niya ang kaniyang kaisaisang anak para lang sa atin. Isa pang True Love ay yung ginawa din ni Jesus Christ. Nagpapako siya sa Cross para sa atin. Kung tutuusin pwede siyang tumangi pero hindi diba? Kasi mahal niya din tayo at gusto niya tayong masave. Saan ka pa? Hindi mo ba matatawag na True Love yan? Huh? Kung hindi yan ang idea mo ng True Love nako gumising ka na! Napagiiwanan ka na! 


Gusto mo pa makarinig ng True Love? Read the loveletter of God. Siguro nagtataka ka kung anong sinasabi kong love letter noh? Iniisip muna siguro no? By love letter what I mean is the bible. Para sa akin kasi yun ay love letter ni God para sa atin lahat. Try mo kaya basahin. SUPERR! Nakakakilig! Dun mo malalaman na mahal ka talaga ni God! Balik tayo gusto niyo pa ba ng isang example ng TL? Then read Genesis 29

Ang story ni Jacob at Raquel. Well hanga ako kay Jacob. Yun ang matuturing ko na tunay na lalaki kasi biruin mo naglingkod siya sa Dad ni Raquel for 7 years, mapatunayan lang na sobrang serious siya kay Raquel at nung matapos ang seven years...Hmmmm...Nagkaroon ng twist ang akala ni Jacob si Raquel na ang papakasalan niya kaso merun kultura sila Raquel na dapat ang mas nakatatandang kapatid muna ang mag-asawa bago ang bata so si Lea ang papakasalan ni Jacob. Hindi pumayag si Jacob dahil sobrang mahal nga niya si Raquel...Sa tingin niyo anong ginawa ni Jacob? Nagtanan kaya sila ni Raquel? TENNNNNNNNNT....WRONG! Hindi sila nagtanan. 

Ang ginawa ni Jacob. Naghintay ulit siya at naglingkod sa tatay ni Raquel ng 7 years. So bali 14 years ang hinintay niya para lang mapangasawa si Raquel. Graaaaaaaabeeeeeee! Ang tagal no? Matapos ng 14 years. Npangasawa din ni Jacob si Raquel. Ang tiyaga niya diba? Yan ang tunay na True Love. Ikaw ba kaya mong maghintay ng 14 years para mapangasawa ang babaeng mahal mo? Ohhh..Huwag agad magsalita! Baka makain mo yan sa huli.

Ang natutunan ko sa lovestory nina Jacob at Raquel ay hindi kayang baguhin ng anumang paghihirap at pagsubok ang tunay na pag-ibig! NapqaOLALALA ka sa story nila no? Meron pang iba diyan. Nasa bible lang!



Dito ko muna tatapusin tong pageexplain ko ng TL ha! Next time naman ang PL! Ang dami kong natutunan sa libro na LOVES TRUCK! Ang galing ng writer na si Ronald Molmisa! Sobra! Next time eexplain ko naman kung ano yung PL! Pabitin muna!


Basta tandaan... Kung gusto mo ng true love kay God  mo na hanapin. Bago ka maghanap ng pagmamahal sa iba. Tanggapin mo muna ang pagmamahal ni Lord sayo!

YEAH! Hahhahaahahha :) 

Sunday, April 22, 2012

The Return of the comeback

Tsineng! Tsineng!

Nakakamiss din pala ang magblog. Nakafocuse kasi ako kay Watty ayan tuloy. Nalilimutan na kita. Hahahahaha..Gumenasai! >_<

Anyways.. Ito na nga ulit muling nagbabalik kay Bloggy! Pasensiya na ah! Hindi na kita naasikaso. Maybe nagtaka kayo kung bakit ako ulit sumulat here. Hahahaha..Ganito kasi yan....

Wala akong magawa ngayong araw at naisipan kong buksan yung dating blog entries ko and to my amazement. Puro kadramahan na wala namang humpay ang BLOG na yun. Puro hatred. Hinanakit at mga makamundong bagay. Nakakainis, hindi ko akalain na ganun ako kadrama dati. OWOWOWOWOW!

Gulantang talaga ako eh. Puro hatred beybe ang nakalagay dun. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sa lahat ng sinulat ko dun. Isa lang yung nagustuhan ko. Kasi naman eh. Puro hatred nga. Iba talaga ang nagagawa ni GOD sa buhay ng tao. Dati ang drama ko pala. Ultimo maliit na problema pinopost na. Kakaibang nilalang pala ako dati. TSK..TSK.. Buti na lang hinila ako ni LORD! Thanks Father.

Hindi ko alam. Hindi talaga ako makapaniwala na sobrang NEGA ko dati! AHHHHHHHHHHHHHHHHHH.......Mahirap talaga paniwalaan ang katotohanan. Hahahaha.. To see is to believe nga talaga! At I found out na nageenglish pala ako pag galit ako! PWEEEEE...

ERASE..ERASE! Hindi ako yun. Yun ang past ko ngayon iba na ako syempre binago na ako ni LORD eh.
Magwewento muna ako ng buhay ko.

Ngayon I already learned to depend on GOD. Hindi na ako madrama masyado. Hahahaha. at ayoko na balikan yung dating ako. Ang sarap mabuhay ngayon na ultimo problema na malaki nakakangiti na ako kasi alam ko na laging andyan si Lord sa akin. Ang sarap sumandal sa kaniya kasi kakaiba yung joy na ibinibigay niya sa akin na hindi ko naramdaman sa iba. 

Ngayon ang feeling ko complete na ang buhay ko. Kasi dati even though alam ko na marami ang nagmamahal sa akin, madami ang friends ko. Mahal ako ng parents ko ay laging may kulang. Ngayon wala na kulang. Wala na akong ibang hihingin pa kasi basta. I can't explain the feeling. Mahirap ipaliwanag. Bastaaaaaaaaaa..
Kakaiba talaga ang happiness ang nararamdaman ko!

Right now nacafocuse ako kay LORD! At sa kung ano pa ang mga papagawa niya sa akin. Hindi ko kailangan ng lovelife right now katulad ng ibang kabataan kasi I learned to love others as brothers and sisters at hindi ako nagmamadali mas gusto ko munang magserve ng magserve kay LORD! Sumayaw ng sumayaw para sa kaniya. Ang dami ko pang gustong sabihin kaso may gusto pa din akong isulat kaya maya-maya na lang ulit ah! OWOWOWO! BABUSH!