On the way to the prom
Hmmm.. On the way sa prom. Marami kaming nakikita na sumasakay na ng taxi. Nakita pa nga namin si Excel eh. Tapos nagiisip kami kung ano yung mga ayos ng kaklase namin tapos pinaguusapan din namin yung mga itsura namin.... Na parang ganito oh,,
Rheiza: Mukha tayong bakla.
Choo: Oo nga, bakla tayo ngayon..
Para kaming mga adik at nagsasabihan kung gaano kami kabaklang tignan. Tapos biglang pinatugtog ni papa yung Hot Issue na sinasayaw naman ni Nanay emerald. Sayang wala si nanay yun tuloy kami nalang ni Choo ang sumasayaw at kumakanta ng kakaibang lyrics ng Hot Issue ( Hindi naman siguro kami kakasuhan kapag ginawa namin yun diba?) hahahaha.. Basta we are so excited to see our classmates. Pahabol pala pagdating naman namin sa may gate yung mga tao dun halos mukhang magsasagala mga nakalong gown. Juskoday! Buti na lang at hindi ako nagganoon.
Sa Kitaan
Ito na bumaba na kami sa may kitaan ng SPJ at ayun na nga nakita namin yung mga kaklase namin na UMaaura at Lumalaban.. Hahaha XD Ang gaganda nila. Super Fab sila and I like their dresses lalo naman si President Jaynus. Ang Bongga ni Ateng! Parang magcoconcert lang. Witwew! Hahahah... Actually I like her Shoes eh. It's pretty sobra. Ayun naghintay pa kami ng unti pa para naman makumpleto kami.
Inside the School
Well maganda ang pagkakaayos. Umakyat muna kami sa room namin para wala lang magpahinga partida nanaman nakahills kaming lahat. Hahahah XD ayun kwentuhan picturan. Lahat na ginawa namin. Tapos tinawag na ulit kami para magsipila na. Ito na kami hanapan ng mga partner kontratahan sa mga boys kaso pagdating naman sa pila hindi naman kami partner partner. Iba-iba na mga partner namin. Yaan mo na! Bahala na.
On the ramp
Nahihiya ako kasi hindi ko kilala yung partner ko. Nahihiya ako kausapin pero ayos lang naman. Kelangan pa talagang may paghinto hinto effect eh no? Ang saya!
On The Table
Woooooooooo..save by the bell. Buti na lang lahat ng mga babae sa Table namin kaklase ko and yung 2 guy naman taga Blake si Dannel tsaka si John Rey. well partner ko kasi si John Rey an He really looks like manimar at sa tinggin ko table namin ang pinakamaingay sa lahat ng table. Ang sarap nila kausap then biglang tumabi sa amin si COR. Ang incommand leader ngayon ng CAT. Well napakakolokoy niya kwento siya ng kwento sa amin pero ang kyut kyut niya ang ganda ng boses infairness ginawa namin siyang Human Videoke request request din kami ng kanta. Kumakanta naman siya. Titi niya ata si Sir Mendoza kaya mana mana sa lahi ganda boses. Tapos kumain na kami dal dal pa rin ni Cor. Hindi niya narinig na Tinatawag na pala sia sa stage. Lapterp kami dun eh no? Hahaha.. sabay takbo siya eh. Well totally hindi maayos ang pagkakaserve sa amin kasi di ba pag ganoon lagi talagang una ang water next na yung mga foods kaso ang nauna foods eh. Kaya yun namatay muna kami bago kami makainom ng tubig. Nako! Pati yung steak kakaUmay. Lasang Salad. Pero inubos pa rin namin Gutom na kami eh. Nasa harapang table din namin sila Maryam at nandoon sina Louis at Kyle ng Blake. Well crush namin ung mga yun eh. Hahaha... kaya todo papkityur naman kami. Ang saya namin no? Todo ingay talaga namin sayang nga lang at hindi namin nakita yung Regodon de amor kasi nasa bandang likuran kami eh. pero all in all enjoy sa mga katabi ko.
On the Dance Floor
lalalalla.... Akala ko hindi na ako mageenjoy eh pero worth it talaga ang party party kaso bitin pero okay lang atleast nakasayaw ko yung mga gusto ko makasayaw kaso may kulang eh. Ung isang tagasection E....... secret bawal sabihin. Hahaha XD pero ayos lang ang dami ko namang sinayaw eh... But there is a certain dance partner na hindi ko makakalimutan. He's so gentleman kasi nung nakita niya yung sugat ko sa paa. Inalalayan niya ko papuntang dance floor. Dapat nga sa gilid na lang kami banda sasayaw eh. Kaso ayun madami na ring tao sa gilid kaya medyo bandang gitna na lang din kami tapos pagkatapos namin sumayaw hinatid niya pa ako sa upuan namin tapos inalalayan. ( Para namang matanda! hahaha XD) Basta ang gentleman ni Papang :) at ang pinakahighlight ng gabi ko is yung walang humpay na Dougie battle namin ni Wodney!
Hahahaha..partida nakacoat and tie pa yun at ako naman partida din naka high hills, may sugat ang paa at ang pinakamataray sa lahat nakagown pa ko! Oh saan ka pa laban ka? Hahaha...
All in all although the foods are not so mouthwatering at least I enjoyed the dancing part kahit masikip ang dance floor worth it pa rin ang party party. Woooooooooo.. Buti na lang naexperience namin ang prom! Nako Buti na lang talaga XD Hahahaha :)
No comments:
Post a Comment