Leveling up pati devotion ko.. Dadalhin ko na dito sa Blog ko para maging anointed din siya at hindi lang puro makamundong love stories kundi ang pinakatotoong pagmamahal din ng Diyos.
Yes! Gumaganoon...
Today is the start Feb. 11 2012...
Ang sarap talaga ng buhay kasama si Lord! Grabeeeee.....
Ang ganda kasi talaga ng word ni GOD ngayon sa Dance Ministry eh. Sobrang connected sa lahat ng bagay hindi lang sa pagsasayaw kundi sa paggawa ng kahit anong bagay.
Colossians 3:23
And whatever you do, do it heartily, as to the Lord and not to men.
Unahin natin yung nasa dance ministry na ibinaba ni Lord..
Sa pagsasayaw o pagmiministry dapat ay laging ibigay mo ang 100% mo. Hindi lang sa performance time kundi sa pagprapraktis. Dapat laging isa isip at isa puso ng buong buo ang pagsasayaw. Isipin din na para ito kay Lord. Hindi yung sasayaw ka lang kasi gusto mong mapuri ka o di kaya yung sasayaw ka lang kasi andyan yung crush mo. Sasayaw ka lang kasi napipilitan ka. Hindi dapat ganoon ang attitude! Ang tunay na dancer ay ibinibigay ang lahat sa paggawa ng mga steps, sumasayaw hindi para mapuri o kung ano pa pero sumasayaw para magpuri sa Panginoong Maykapal.
Realization ko naman is...
Dapat ay sa kahit anong mga gawin ay siguraduhin nating lagi nating nahohonor si Lord. Lagi nating isa puso na lahat ng gagawin natin ay para sa kaniya at hindi para sa mga taong nakapaligid sa atin. Sa lahat ng oras ay dapat gumawa ng mga bagay na makakapagpugay kay Lord. Ang simpleng pag-indak at pagkanta para sa Diyos ay hindi kahit magiging simple kahit kailan sa mata ng panginoon. Sa mata ng tao oo pero pag dating sa panginoon basta para sa kaniya walang simple, pangit o maliit. Lahat ay mahalaga!
Kaya ngayon matuto tayong gawin ang lahat ng mga bagy na para kay Lord na 100% Lagi nating tandaan na Oo masarap mapuri pero mas masarap ang Magpuri sa Panginoon at hindi ang sarili ang pinupuri.
Ibigay natin ang lahat sa kaniya at makikita niyo na magkakaroon ng isang napakatinding pagbabago sa bawat buhay ng isa sa atin.
I LOVE LORD SOO MUCH
AND I LOVE TO DANCE FOR HIM!
No comments:
Post a Comment