Pages

Saturday, September 21, 2013

Mga Nakakaernang Pangyayari

Ilang months na din ba akong hindi nakakapagblog. Sa tingin ko ang tagal na din eh. Nahinto nung summer. Ang dami ng mga pangyayari na nangyari sa aking buhay at hindi ko man lang nairecord sa aking pinakamamahal na blog. Well oh well. Ganun talaga may mga pagbabagong nagaganap at lahat ng pagbabagong yun ay nakakaerna. Saan na nga ba ako maguumpisa?  Maguumpisa ako sa pagkapula ng aking magandang buhok XD

RED HAIRED ACE
Matagal ko ng gustong maging pula ang kulay ng buhok ko at nagkatutoo na siya nung summer. Kaya naman tuwang tuwa ako at feel na feel ko ang pula kong buhok feeling ko ang ganda ganda ko. LOL! Ayun nung una akala ko hindi babagay sa akin. Mukha kasi akong basang sisiw nung pinapatuyo ko na yung kakukulay ko lang na buhok pero anyways masaya naman ako sa buhay ko niyan XD Feel na feel ko talaga siya promise at ngayon namimiss ko na siya. Bakit? Eh kasi naman bawal sa amin ang may kulay ang buhok kaya naman pinakulayan ko ulit at bumalik na siya sa pagiging Black =.=. Haayy. Buong akala ko kapag nagcollege na ako okay na yung red na buhok, hindi naman pala. SAKLAP.

BLACK HAIRED ACE

Kaya yan kinailangan kong magpaalam sa kaniya at magkulay ulit ng black. Hayaan mo sa susunod na bakasyon. Ibang kulay na din yan. BLUE naman. Jk! Bagay kaya sa akin ang blue? Sersyoso ko dito. LOL! Brown lang pala. Di ko keri ang Blue. Mamaya iba maging itsura ko XD

Anyways next na pangyayari sa buhay ko ay ang una kong concert at unang beses ko na paggawa ng COSMIC Shirt. Well sobrang nakakanindig balahibo na makita mo ng LIVE ang pagtugtog ng CN BLUE. Yung pakiramdam na dati Youtube ka lang pero nung June 15, 2013 memorize ko pa. Ay nagkita na kami ng harapan. Grabeee di ko keri. Tili ako ng tili at hanggang ngayon ay humihingi pa din ako ng tawad sa mga nasa likuran ko na nahahampas ko ng lightsticks. Alam kong di niyo naman to mababasa kasi di niyo ko kilala pero sorry pa din po. AHHAHAHAHA XD

As what I am saying Meron din namang masasayang nangyayari sa buhay ko sa ilang months na to pero meron ding nakakatakot. Nakakatakot in the sense na first time kong maaksidente at take note sa Highway pa. Sumadsad kasi yung motor namin on the way na papasok ako ng school at take note may test pa kami nun. Sobrang nagulantang ako sa nangyari at hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yon. Natrauma nga ata ako ng sobra. Kasi kapag dumadaan ako dun sa pinangyarihan nung accident napapapikit ako kasi ayaw kong makita yung mismong lugar. Still creepy para sa akin. Hanggang ngayon naaalala ko pa din na tumalsik kami sa motor. Yung duguan si Papa at yung masakit kong mga sugat. Nasira din pala yung paborito kong pantalon nun. Pero sa kabila ng injuries ko ng araw na yun. Hindi nga ako nakapasok nakapunta naman ako sa CONCERT NG MGA PINAKAMAMAHAL KONG MGA BOYFRIEND. Oh ha! San ka pa injured na nga KPOP pa din. Huheuheuehu~ Ewan ko pero parang narelease ang stress ko sa mga oras na yun at panandalian kong nakalimutan yung pagkakaaksidente namin.

 Kita pa yung galos ko sa right arm ko. Huheuheuehu. At Oo yan ang itsura ko nung Krep. LOL! Diyan lang ulit ako nagpalda ng ganyan at nagstockings pa. ANG KAPAL ng mukha ko no.Take note alasdose na ng umaga yan. At nasa Cubao pa kami. Huheuheuehu~ Isa pa yung sintas ko ang ganda niyan. Naka E at X yan di kinaya yung O eh kasi maliit lang yung sapatos ko. Kasing liit ko XD

Anyways ang ganda talaga namin kapag di kita ang mukha. May ganitong shot din kami sa BLUE MOON eh di kita yung mukha XDD Ganda ng Shirt namin no? Kami lang yung may design na ganyan nung concert the rest puro Bias shirt na.

At dumaan na ang aking birthday. Yaaan mga reaglo nila sa akin. WAHAHAHAHA. Parang pang childrens parteeh kasi pulos mga BEAR. Pero seriously tuwang tuwa ako sa mga bear na itey. Kasi nemeeen. Kakulay ni Kai yung isa at yung isa naman kamukha ni Sehun. Kaya ang mga pangalan nila ay hango sa mga tatay nila. Yung Brown pangalan niya ay Kkamjonginie at yung white naman ay si Sehunna. Aliw na aliw ako sa mga anak kong yan. Kaya ito yung mga pinagagagawa ko sa kanila. Wahahahahaha.Napaka4d ko talagang tao XD

Yan si Kkamjonginieee kasama ang kaniya napakagwapong ULIKBANG TATAY <3 Pogi noooo? Kaso mana ang height sa akin. -------------------------------------------->

As of now 1 year old pa lang yan pero Ulzzang Bear na.

And here's Sehunna. Actually alam ko lalaki tong si Sehunna eh. Ewan ko diyan bakit naisipan niyan magpalda, Binuklat niya pa talaga yung Eurorong Album para magpiktyur sila ng kaniyang Ama.Nagrarumpumpum daw siya ng mga oras na yaaan. IDOL niya si Krystal Jung.

Ang mga sususnod na pangyayari ay pawang rated SPG di joke lang. Sunod na pangyayari sa buhay ko ay sa wakas! Sa wakas! Nakapunta na din ako sa isang KPOP Convention. Ang tagal ko ng pinangarap makapunta dito at nakapunta na nga kami. May bago pa ko fwend si JB. Ang nakakalokang Lalaki. Huheuheuehu~ Kawawa sa amin si Ariannabells nung pinalabas ang malalanding Super Junior. Hampas abot niya sa amin eh. Sa gitna kasi umupo. XD At isa pang sa wakas. Nakapagpapiktyur na din kami sa napakagandang mga MR. E <3 Sa wakaaaaaaaaaaaaaaaas! Pero sayang hindi ako nakapagpapiktyur sa CRAS ko. Hihihihi. Medyo malandii.


Shemale Barbie as Krystal Jung (Mister E covering f(x) )

Kuya Lyndon

Kuya Robie as Luna (Mister E covering f(x) )

Joshuel Bautista as Kris (NEO covering EXO)

JC Marasigan as Taemin ( Shawolites covering SHINee)

Neb as Sulli (Mister E covering f(x) )

Nicky Song as Kai (EXZONE covering EXO)


At ito ang mga nakakaernang pangyayari sa buhay ko. Alam kong di niyo babasahin pero wala akong pake basta masaya ako. XDDD

Next blog post ko about naman sa collge life ko yun lang. Jaljayoooooooooooo!

Friday, February 8, 2013

To Soar High is my GOAL

Unting panahon na lang ang nalalabi at gragraduate na ako. Tulad ng iba kong mga kaklase todo kayod na din sa paghahanap ng mga Universities o Colleges na mapapasukan. Nakailang ikot na nga ako sa U-BELT. Sa pagkakatanda ko nakatatlong balik na ako sa University Belt para maghanap at maginquire sa iba't-ibang colleges. Pero sa ngayon nakakatatlo pa lang akong test. Sa UP, FEU- EAC at NU. Sa kasawiang palad hindi ako pumasa sa UP. Nakakadepress? Oo naman. Kahit na ba sabihin kong ayoko naman talaga mag-aral sa UP, nakakadepress pa din na malaman mong hindi ka nakapasa. Pero ayos lang. Ganun naman talaga ang buhay. Kung di para sayo hindi mo makukuha. Ayun nga sa FEU-EAC naman. Okay na ako dun. Pumasa naman ako kahit wala akong tulog ng nagtest ako dun.

 Pumasa din ako dun. Sa NU naman nararamdaman ko ang COOLNESS. Well ang ibig kong sabihin is that pakiramdam ko at home ako. BULLDOGS kasi sila. Siguro dahil mahilig ako sa aso kaya ang gaan ng pakiramdam ko. Ewan ko pero palagay ako sa mga tao dun kasi parang ang simple lang nilang lahat at walang ere sa katawan. Kahit nung una ay di ko pansin ang NU, masasabi kong NU ang second choice ko pagdating sa mga Universities.

Marami pa sana akong gustong puntahan na universities. Gusto ko pa sanang magcollect and select ang problema hindi naman ako ganoon kayaman na kayang kumuha ng entrance exam sa lahat ng universities. Tsaka kahit naman kumuha pa ako ng mga entrance exam sa ibang Univ. Isa lang naman ang tinitibok ng puso ko at gusto kong abutin.

Gaya nga ng sabi ko kahit gaano kadami pa ang pagtestan ko at kahit makapasa pa ako sa lahat ng puntahan ko isa lang talaga ang University na babalikbalikan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at napili ko tong school na to pero hindi ko kasi maexplain eh. Ang weird na kung weird pero iba yung pakiramdam ko eh. Alam mo yung parang tinatawag ka niya. Weird diba? Pero pakiramdam ko kasi talaga tinatawag ako ng University na yun. Pakiramdam ko may something sa kaniya na hindi ko maexplain. Basta kakaiba. Kakaibang kakaiba. Pati ako nawewerduhan sa nararamdaman ko.

Meron ngang amazing na nagcoconect sa akin sa Adamson. Naalala ko pa na pinangako ko sa sarili ko nung araw na magtetest kami sa NU na kahit nasa UBELT ang Adamson ay hinding-hindi ako pupunta dun maliban na lang kung magpapasa na ako ng Form at magtetest na ako. WEIRD nanaman diba. Pero hanggang ngayon ay pinapangako ko pa din yun sa sarili ko.Gusto ko kasing masurprise kung ano nga ba talaga ang itsura niya sa personal. Another thing na nangyari ay yun nga on our way to LETRAN. Huminto yung bus ng Adamson malapit sa amin. Hindi ko naman inaakala na makikita ko yung bus nila sa lugar na yun na sakay yung mga basketball players nila. Sobrang nganga pero sobrang saya ko din ng araw na yun. Pakiramdam ko kasi magkaconnect talaga kami ng ADAM.



Hindi ko na maalala kung saan ko unang narinig ang Adamson University pero ang natatandaan ko lang simula ng marinig ko yung school na yun. Hindi na ako natigil dun at lagi ko lang yun bukang bibig. Wala akong particular na rason kung bakit gusto ko dun. Hindi ko gusto dun dahil kasama siya sa UAAP. Hindi din dahil may scholarship at lalong hindi rin dahil andun si Brondial. Sinusunod ko lang yung intuition ko. 

Dumating pa nga sa point na ginusto ko na lang mag FEU pero yung intuition ko sinasabi na huwag at magAdamson ako. Ang tagal ko ding pinagisipan at tinimbang yung nararamdaman ko pero pati puso ko Adamson ang sinisigaw. 

Sa totoo hindi pa ako nakakapagtest sa Adamson. Pero nakapili na ako ng date at yun ay February 23. Di ko alam pero. Pagkakita ko ng date na yun sa schedule nila. Ginusto ko agad na sa ganoong date magtake ng exam. Pakiramdam ko kasi Lucky Date ang Feb. 23.

Wala pang kasiguraduhan ang pagpasok ko sa Adamson. Sa totoo lang kinakabahan ako na excited at malakas din ang pakiramdam ko na papasa naman ako. Makakaya kong pumasa! ALAM KO! Kaya ko.
Tsaka malakas ang kutob ko na papasa ako. Ang lakas ng kumpyansa ko eh.

Ewan pero ang goal ko talaga ngayon ay makapasa sa ADAMSON! Gusto kong maging FALCON! At alam ko namang hindi ako bibiguin ng school na to. Kapag di siguro ako nakapasa dun lang ako madedepressed ng sobra. T_T .Pero naniniwala ako na papasa ako at next year. Unti-unti na akong magsosoar high na parang isang FALCON na patungo sa aking pangarap :))

Saturday, February 2, 2013

One smile and you blew my heart away.

Back to my old hobby. Ang labasan ng saya ng buhay ko.


One of the best day at tsaka one of the most depressing day tong araw na ito.Contradicting no?Pero syempre gusto ko munang unahin kung bakit masaya itong araw na ito. Masaya kasi kahit papaano. Nagsamasama nanaman kami ng mga hitad kung kaklase. Hindi man kumpleto pero atleast masaya pa din kasi nagsamasama nanaman kami at nagkulitan ng walang humpay. Ang saya lang kasi nagtest kami ngayon sa NU. Laptrip nga lang ang pagpunta namin dun kasi sobrang looban ang NU. Ang tinding LOOBAN. Ahahaha. Kung tutuusin pagbumaba ka sa arch of century ng UST. Dun sa katapat na kalye na yun pwede ka na dumaan. Napalayo pa kami. Mga adik lang.Narealize lang namin yun ng makita namin yung pinanggalingan namin. AHAHAHA.. Bangagers lang.

Aaminin ko wala naman kasi talaga sa List ng gusto kong pasukan ang NU. Grinab ko lang yung opportunity kasi libreng test. Pero hindi ko inaasahan na sobrang ang babait ng tao. Down to Earth lahat. Alam mo yun. Hindi mo mararamdaman yung Aura ng pagiging mataas nila. Sobrang COOL lang. Ganun yung pakiramdam ko sa kanila. Ang bait din nung proctor namin kasi tinuturuan niya pa kami nung ibang mga sagot. Tapos kinukwentuhan pa niya kami and ang pinakadabest ay hinayaan niya kaming magikot sa University nila. Ang bait sobra ng mga tao :))

Kung NU lang talaga ang tinitibok ng puso ko. Nag NU na ako kaso iba talaga eh.

Anyways. Dumako na tayo sa highlights ng aking kwento. Yun pagtapos ng NU kumain muna kami then naglibot na sa buong University Belt. On our way. Ako yung unang nakakita ng Bus sa Adamson. (mukhang tinatawag na ako ah. AHAHAHA. Joke :)) ) Di natuwa ako kasi nakita ko yung Bus nila. And to my surprise hayuup. Laman nun puro varsity ng ADAMSON. Di nga nga na ako at may isa akong hinihintay na makita. Syempre yung team Captain nila My very own John Rodney Brondial. Nakita ko siyang pumasok sa loob ng Bus nila and guess what lumingon siya sa way namin tapos nagsmile. Takte. Laglag puso ko nakalimutan ko pa bigla pangalan niya sa sobrang pagkabigla ko. STAR STRUCK ANG PEG.

Sayang di nakapagpapiktyur kaya sana kapag araw na ng pagpunta ko ng Adamson. Makita ko si ROADKNEE ko. Para makapagpapiktyur na ako. Bahala na. Basta may picture! HOHOHO.

Isa pang star struck is yung hindi mo inaasahan na makikiata mo yung dancer na crush mo sa FB sa Intramuros na naglalakad. SIOMAI! Hindi ko maexplain kong maganda ba siya o pogi eh. Kasi mukha siyang babae pero lalaki siya. Ang tangkad pa niya at ang ganda ng fashion sense niya. Ang hirap iexplain. Grabe. Basta ang pogi niyaaaaaaaaaaaa <3


Ang daming unexpected things ang nangyari ngayon sobra! Ang ganda ng araw ko :))

Friday, January 4, 2013

Kwento sa Likod ng aking Buhay Blog


Sa tinagal-tagal kong nagbloblog. Ngayon ko lang naisipan sa tanang buhay ko na magkwento kahit kaperasong History kung paano nabuo ang aking kakaibang blog. Alam kong wala kayong paki pero gusto kong magsulat may masabi lang. Hahaha..

Paano nga ba nagumpisa ang lahat?


Sa totoo lang. Hindi ko na talaga matandaan kung kelan ako nagsimulang mag-isip na magblog at magsulat ng kung anu-ano. Pero siguro nagsimula akong magsulat nung mga oras na wala talaga akong magawa sa buhay ko o wala akong mapagkwentuhan ng mga bagay na nangyayari sa akin at hindi ko mailabas yung feelings ko para sa isang bagay.

Sa pagkakatanda ko. Una kong nakilala ang Blogger sa isa kong kaibigan. Nakita ko yung isa niyang post. Kaya naman nagtanong ako kung paano at yun naengganyo na din ako magsulat kasi pakiramdam ko magandang hobby yun at may mapapala ako sa buhay ko.

Isa pa sigurong dahilan ay dahil sa mahilig talaga ako mag-isip ng mga bagay at gustong-gusto ko ang nagsusulat. Sa katunayan. Noong elementary years ko may nasulat  na akong isang buong kwento at may sequel pa yun. ELEMENTAL.. Churvaness yung title nun. Hindi ko na kasi matandaan yung kasunod. Title pa lang mahuhulaan mo ng Fantasy yung ginawa ko at ang sipag ko pa nun kasi sulat kamay lang yun. Tuwang-tuwa ako ng mga panahon na yun kasi binabasa yun ng mga kaklase ko. Tapos nagdedemand sila kapag hindi pa ako nakakagawa ng bagong sulat.

Ngayon gustuhin ko mang ipost yung una kong kwento na yun. Hindi ko na alam kung paano kasi hindi ko alam kung nasaan na siya?


Balik tayo sa pinaguusapan natin. Ang Aking Blog. Sa totoo lang hindi talaga to ang una kong blog. Bali may original talaga akong blog at doon nagumpisa ang lahat.

Naalala ko pa yung pinakauna kong Post. It was summer at nanunuod ako ng iba't-ibang live actions kaya ganyan ang kinalabasan niyan.

Katulad ng ng sabi ko ito ang pinakauna kong blog. Well. Hindi naman talaga ganyan yung itsura niyan dati. Madami din kasing renovations ang pinagdaanan niyan hanggang sa humantong sa ganito.

<------------------------------------------

Buhay pa din siya ngayon. Kaya nga lang hindi ko na siya binubuksan at napabayaan ko na siya ng matagal na panahon. Kung bakit? Dahil sa ang blog na ito ang dami kong sinulat na kabitteran. Ang dami kong sama ng loob dito.  Sa Blog name pa lang. Halatang ang Bitter ko diyan sa breakup namin ng Ex ko. Ewan pero kapag nakikita ko tong blog na to di ko maiwasan sabihin sa sarili ko ang. "EWWWWWWWWWWWWWWWWW..YUCK! DRAMA!"
Believe me or not. Sobrang Drama talaga. Natatawa na nga lang ako kung paano ko nabuo lahat ng mga sinulat ko diyan eh. Siguro nga talagang kapag galit ang isang tao kung anu-ano ang pwede niyang magawa. Aminin ko na. EMO ako dati. Sobra.. Hindi naman ako naglalaslas pero ang daming ko kasing hinanakit sa mundo dati but well  I guess as I grow maraming nagbabago. Maraming mga nagbabago sa perspective ko sa buhay. Isa na nga yung hindi na ako EMO. Ang pangit pala kasi tignan. Kaya itong lumang blog na ito ay kahit kailan di ko na babalikan. Ang daming masasamang pangyayari dito eh.


Siguro ng dahil I'm already tired with to much drama kaya naisipan kong gumawa ng bagong Blog. Yung Blog na may kwenta talaga yung isusulat ko at hindi na puro hinanakit ko na wala namang kwenta at napakagloomy pa ng dating. Kaya ito na nga lumabas na ang pinakabago kong renovate na Blog.

<-----------------------------------


Katulad ng una madami din tong pinagdaanang mga renovations. Ang kaiba nga lang. Mas malaman ang mga nakasulat dito kaysa sa mga sulat sa luma kong Blog. Siguro ito lang ang kaisa-isang pruweba na nagmature naman ako kahit papaano. Sa Blog na to. Puro light lang no Hard Feelings. Hindi ako nagpopost ng mga hinanakit ko dito kasi ang pangit niyang  tignan kapag may ganun kaya nakahiwalay lang yung isang blog ko ng mga hinanakit ko. At secret ko na kung anong Blog yun. Sa blog ko na to sobrang ang dami ko ng naisulat na mga kaaningan ko. Kagaya nga ng sabi ko walang hinanakit. Kasi gusto ko yung blog ko maging full with happy thoughts lang . Yung mga tunay na malaman at kapupulutan ng aral. (Meron nga bang mapupulot?) Hehehe.. Anyways. Bukod diyan sa bagong interface ng Blog ko. Gumawa din ako ng Template na akong ako. Medyo ang dami ding pinagdaanan ng template ko. Nakatatlong Trial ako.









Hanggang sa Humantong sa ganito :D














Nagpakahirap pa akong mag-isip kung saan hahanap ng Font ng SMALLVILLE para lang sa template na to. Medyo pinagtuunan ko to ng pansin. Kasi gusto ko talaga na COOL yung magiging template ko at kakaiba na babagay sa akin. Kaya ayan ang kinalabasan. Bagong Template. Bagong Interface. Lahat bago.

At kung halos puro english lahat ng post ko last year. Ngayong year naman. Magpapakapinoy na ako at magtataglish. Atleast may included na filipino. Try lang maging makata tulad ng iba.

Bago ko matapos tong post na ito may pahabol pa akong insight o sabihin na natin na sariling opinyon.

ANO ANG FEELING NA MAY BLOG KA?

Feeling na may Blog. Nako.. Walang kapantay at sobrang sarap. Yung pakiramdam na halos bawat araw kung pwede ay may masusulat ka mas maganda. Yung feeling na kakaiba. Masasabi ko lang na sobrang ang sarap magblog kasi katulad ko sa pagbloblog ko mas naging comfortable ako sa sarili ko. Marami akong nalalaman sa sarili ko na capable o may kakayahan pala akong gawin lahat ng bagay. At katulad ng Camera nakakapagkeep ka ng mga memories about sa kung ano ba talaga yung nararamdaman mo sa isang particular na bagay.

Sa pagbloblog. Natutunan kong maging malaya sa lahat. Malaya in the sense of wala kasing nangengealam kung anong gusto mong sabihin. Tsaka wala kang pakialam kung may babasa o wala basta free ka lang na isulat lahat ng nararamdaman mo. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nailalabas mo lahat ng hindi ka nahihiya sa mga pinagsususulat mo. Masarap sa pakiramdam na makasulat ng malaya at mailabas mo lahat ng nararamdaman mo in the sense na hindi naman masyadong madrama light lang.

Ayun. Sa totoo nga feeling ko hindi ako mabubuhay ngayon ng walang blog. Well. Yeah may wattpad ako para magsulat ng kung anu-ano pero hindi naman applicable yun para sa mga blog related topics kasi basta hindi ko lang feel kasi iba yung galawan dun. Mas importante pa din sa akin ang blog ko kahit may Wattpad na ako. Dito kaya ako unang nagsulat ng romance stories ko. At hanggang ngayon andito pa din yun.


.............................................................................

Sa makatwid ang sarap ng may blog sa buhay mo. Sobrang sarap at nakakagaan ng feelings kahit walang pakialam yung iba sa sinusulat mo. Dahil sa blog parang bigla akong nagkaroon ng sarili kong mundo. Yung mundo na ako lang talaga ang nakakaintindi at nakakaalam na may ganu pala talaga. Kaya naman. Hindi ko ipagpapalit tong blog ko kahit kailan. Boyfriend ko na din kaya ito. Ahaahahah >_<


Ang sarap ng my BLOG <3










Wednesday, January 2, 2013

Goodbye Memories of 2012. Hello Memories of 2013

 Here we go again. Another year just passed. 2012 has come to it's end. 


Well sa nakaraang taon. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay. May mga magaganda.Malulungkot. Exciting at mga kakaibang pangyayari. Syempre meron din namang mga pangyayari na sobrang nakapagdulot sa akin ng Kainte-internal Hemorage na Kabadtripan.

Pero kahit sobrang dami ng Kabadtripan na nangyari sa akin. Okay lang masaya pa din naman. Buhay pa din naman ako. Pero nais kong isa-isahin ang mga memorable na bagay na nangyari sa buhay ko.

Unahin na natin ang di na ako SPJ :((((

Hindi naman literal na natangal ako sa SPJ. Tinangal na yung section namin. Magkakasama pa din naman kami ang kaso nga lang iba na pangalan ng section namin at hindi na lang kami 35. 71 na kami at tinatawag na kaming Einstein.

Ang dami ko pang drama tungkol dito. Ang dami ko kayang post na pinaiyak yung mga kaklase ko kasi bawat entry ko pinopost ko sa group namin. Syempre ang unang umiiyak si Mayor. Ang Mother
 Poodle ng masa na si Jaynus.Mahal na mahal niya kasi talaga kami.


Sa pagkakatanda ko nga eh. Medyo mga dalawang entry ata yung nasulat ko dahil sa pagdadalamhati ko ng BONGA!


PANGALAWA MGA BONGANG AWAY..

Ewan ko pero sobrang bonga at ang daming away ang naganap sa taong ito. Andyan yung nag-away kami SPJ VS. SHAKESPEARE. Katulad ng sabi ko pinag-isa na kasi kami at Einstein na yung section namin. Syempre dahil sa tagal na naming magkakasama ng mga hitad kong tropa sobrang close na namin sa isa't-isa kaya nung nahalo kami feeling namin hindi na kami makagalaw katulad ng dati. Hindi namin alam kung ano yung ikikilos namin. Tsaka di din kami sanay na may ibang kasama at ibang pakikibagayan. Muntik na ngang humantong sa paghihiwalayin sana kami.  Pero syempre  nagbati din kaming lahat. Kailangan eh. Para sa ikatatahimik ng buong school. Lakas kasi ng dating ng section namin eh. Sikat na sikat >_<

PANGATLO : BYE CHOO 

Ito yung bagay na nakakamiss. Yun nga umalis si Choo di naiwan na lang kaming 2 ni Emerald dito. Kulang na ang Choowariwups. Pero kahit wala naman na si Choo. Hindi pa din naman namin siya kinalimutan. Lagi pa nga namin siyang kinakausap ng sobraaaaa.. Binabalitaan pa din namin siya ng mga latest happening sa mundo ng North Fairview. Nakakamiss oo. Pero saglit lang naman yun eh. Alam namin na babalik din siya dito..


PANGATLO : I HAVE MY BABOYS 

Ito ang pinakamasayang samahan sa lahat na nangyari ngayong taon. Hindi to aksidente o pinlano basta bigla na lang kaming nagsama-sama. Hindi ko alam kung paano naganap pero naging sobrang close kami ng mga taong to.At lumikha kami ng Union ng mga BABOY >_< 

Corny man pero sila yung halos nagbigay ng saya at kulay sa buhay ko ngayong taon. Marami kasi kaming mga kalokohang pinagagagawa.
Merong mga araw na pinaguusapan namin na hindi pumasok at matulog sa kaniya-kaniyang bahay. Merong isang beses na nagsayang kami ng pera para sa walang kwentang pelikula kaya nanghinayang kaming lahat. Andyan yung nagbabalak kaming magcutting. Hehehe. Salbahe namin no? Andyan din yung ang dami naming mga overnayts na pinagagagawa.Marami din kaming mga nilalait na tao. Hehehe. Ganun talaga XD. Madami din kaming pinagdaanang hirap pero ito buo pa din ang mga taba namin at hindi nababawasan. Well sila na ang masasabi kong BEST GIRLFRIENDS ever sa Tanang Buhay ko bukod sa CHOOWARIWUPS syempre. Kaya para sa mga Baboy kong MAHAL <3 I LOVE YOU GUYS! HAPPY NEW YEAR. Tayo ay sabay-sabay magpapayat.



PANG-APAT : NATALO MAN KAMI NANALO PA DIN

Dahil nga 4th year kami. Kami na ang pinanlalaban sa Journ. Ewan ko ba kung anong problema namin pero para kaming mga adik. Nung una hindi namin sineryoso ang lahat kaya yun. Wala. BOKYA. TALO kami. Well hindi naman kami totally talo. Second Place pa naman kami pero masakit lang nga kasi dati laging 1st yung school namin sa District. Sobrang ang daming nambatikos sa amin kaya lungkot na lungkot kami na tipong katapusan na ng mundo.Kaya nagako kami na mananalo kami pagdating sa Division.


Hindi nga kami nagkamali. Nanalo nga kami. Hindi lang nanalo sobra pa. 1st Time ng school namin na magfirst place sa Division. Not to mention Birthday ko pa nun! Swerteeeeeeee <3 Kaya sa sobrang tuwa namin nagcutting kaming lahat. AHAHAHAHA. Ang EPIC lang kasi naman eh. Hindi naman kami inaway nung guard pinabayaan lang naman niya kaming umalis kaya umuwi kami lahat at nagmovie marathon na lang.


PANGLIMA : NAGKACRUSH AKO SA APPLE.

Di ko alam pero nabaliw lang ako ng mga araw na yan. Na tipong namumula agad ako kapag nakikita ko si Apple o di naman kaya ayaw kong makita. Nakakahiya eh. Diyahe... Hehehe. Ang dami kong nakakatuwang experience sa pagkakacrush ko kay Apple.Ilang beses ko siyang nabanga. Nung una yung nagtest kami sa FEU. Pangalawa nung naghoghost hunting kami sa adbans. Para talaga akong tanga. Yoko na nga.. STOP IT. STOP IT..


PANG-APAT : Nagkaroon ako ng instant Anak. Tatlo pa >_<

Batang Fairvians on the go yun. Ang kyukyut nung mga bata. Tuwang-tuwa sila sa isang simpleng regalo sa mga laruan at kung anu-ano pa. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong ka sa kanila. Sobraaaaa..


PANGLIMA : DALAWANG TEACHER NA NAGBIGAY SA AKIN NG INTERNAL HEMORAGE NA KABADTRIPAN.

Ewan pero siguro sa tanang buhay ko. May isang teacher ako na never ko makakalimutan. Hindi dahil sa paborito ko siya or paborito ko ang subject niya. Kundi dahil hindi ko paborito ang subject niya at ayoko din sa kaniya. Hindi ko na lang sasabihin pero lagi siyang tamang hinala. Nakakabadtrip lang talaga siya. Kung may Death Note nasa unang listahan ko na siya. Pangalawa yung hindi nagtuturo sa amin at bias pa. Parehas ko sila di makakalimutan.


PANGANIM : NAGING BEST IN AEROBICS AKO.

Hayuup lang. Wala kayo sa akin atleast nagkaaward ako sa MAPEH. Best in Aerobics ako eh. Kakaiba. Malamang ako gumawa nung step namin eh. Pero well magaling talaga ako. (Ang kapal ng mukha ko.)



PANGPITO: NAGING INSTANT WRITER NA AKOOOOOO

Ayun tuwang-tuwa ako sa buhay ko. Ang dami kong readers sa Wattpad sa ginagawa kong story at dumadami pa siya. Nakakatuwa lang kasi habang binabasa ko yung mga sulat ko parang hindi naman ako yung nagsulat nun. Kakaiba lang kasi parang inspired ako. Well inspired nga ako sa mga readers ko syempre. Napapanaginipan ko pa nga yung mga gusto kong scenes eh. Kakaiba. San ka pa?


PANGWALO: NAKAPASA AKO SA FEU

Ano pa nga ba ang aasahan. Lahat naman pumapasa sa FEU eh. Pero okay lang natutuwa lang ako. Sana kapag nagtest ako sa ADM. Pumasa din ako. Gusto ko talaga dun. Pramise. Sobra. Sobra. Kapag nakapasok ako dun mag-aaral ako ng mabuti. PRAMISEEEEEEEEEEE..


Siguro nagtataka kayo kung ano yung pangsiyam at pangsampu no? Well wala na. Wala na akong maisip eh. Yan lang naging memorable sa akin. Well bukod sa  nanalo kami sa Physics Carol. Yun. Masaya naman napaytunayan namin na hindi namin kailangan ng Physics Teacher kasi may English, Filipino, Values at MAPEH Teacher naman kami :P


Well 2012 left me so many memories and lesson in life that I can use in the near future.Well hindi lang to ang mga memories at mga pangyayari na iniwan sa akin ng 2012. Sobrang dami kung tutuusin at ayoko ng ilahad pa ang lahat. Kasi nobela na nga to hahaba pa. Yun lang. At salamat 2012 sa lahat. At Hello 2013. Please be good to me.


Sunday, December 30, 2012

Ayokong Magboyfriend pero I want to be in love

Isang kalokohang sulat nanaman ng isang batang bored sa buhay niya...


Well. Ewan ko ba kung bakit naiisip ko tong mga bagay na to pero basta. Isusulat ko lang para naman may magawa akong kapakipakinabang sa buhay ko. Napansin ko lang kasi ngayon bukod sa pambansang T-shirt na NEVER GIVE UP  ay kaliwat kanan din ang mga magsing irog na magkakasama. Kahit saan ako lumingon may nakikita akong couple. Uso din kasi. Well hindi naman sa Bitter ako or anything napansin ko lang kasi ngayon na sobrang dali ng mainlove yung mga kasame age ko ngayon. Sa sobrang daling mainlove sobrang dali din masaktan at mabroken hearted. Hindi to based sa experience ha. Based to sa observation pero aaminin ko nabroken hearted din naman ako minsan kaso baby pa ako nun kaya kalimutan na natin.

Anyways. Balik sa sinasabi ko marami na ngang magboyfriends ngayon pero ni minsan hindi ako naingit sa kanila. Ewan. Ang weird ko lang talaga. I wanna be inlove pero ayoko magkaboyfriend. Sobrang Weird no? Dunno. Pero yun lang naiisip ko. Well hindi naman ako sobrang sawi sa naging unang boyfriend ko at hindi din naman ako natrauma na magkaboyfriend. It seems like mas masaya lang na single and free and ready to mingle ka sa opposite sex. Yung wala kang commitment to anything. Walang magagalit or magseselos kapag may kasama nor kausap kang iba. Inshort SINGLE with BIG LETTERS. Yeah. Masarap magkaboyfriend kasi naranasan ko na din naman yan kasi may magbibigay sayo ng extra care yung nagpapahalaga sayo , yung may date ka lagi na tinatandaan and you make super extra efforts mapasaya mo lang siya. Ganun. Masarap kaya sa feelings yun.

Pero kahit gaano kasarap yun. Ayoko muna ng relationship na more than friends. Hanggang Friends lang talaga masaya na ako. Pero katulad nga ng sinasabi ko I want to be in love. I want to be in love with someone without the hassle of entering a relationship.I want to have someone na magcacare sayo, magtetext. MagPPM at kung ano pang kilig na bagay na mararamdaman mo. Ang weird ko lang talaga. Hehehehe. 

Well habang sinusulat ko to I suddenly came up with the term Pseudo- Relationship, and came up researching about it at may nakita akong cool blog about dun. Habang binabasa ko yun I suddenly realize things. Mukhang ito ang hanap ko. It was like I want a Pseudo- relationship. Kasi tugma lahat sa sinasabi ko ngayon. Ewan? Pero umandar nanaman kasi ang kawerduhan ko.Masukista ata ako. Di ko alam?

I know maraming iba't-ibang negative sides ang isang Pseudo- Relationship. Andyan yung side na hindi ka pwedeng umasa kasi nga wala kang matinding kapit sa partner mo, wala kayong steady commitment kumbaga lahat partial lang. Next is that hindi ka pwedeng mainlove ng todo kasi nga when you love deeply with your Pseudo-partner. PATAY KA! Why? Because you are not sure kung may gusto siya sayo or wala kang kasiguraduhan if the feeling is mutual sa huli mainlove ng todo kawawa. Pangatlo aasa ka ng aasa. Aasa kang pwedeng maging kayo kahit alam mo na ang sagot ay isang malaking NO. With BIG AND BOLD LETTERS.

Yan ang mahirap sa ganitong relationship. Sobrang HARD mas HARD pa sa bato. Sabi nga sa blog ni "ahstij ahstij"


Pero kahit naman ganun pwede ka namang hindi masaktan. Paano? Well just enjoy the moment before it lasts. Kung anong nangyayari sayo ngayon enjoy mo na lang. Pakasaya. Ganun. Alam kong mahirap pero dunno. Minsan talaga iba ang trip ng mga tao at lalo na ako na sobra-sobra ang kawerduhan.

Lahat ng tao may iba't-ibang kasiyahan. Well ewan ko pero I think ito talaga yung parang swak sa akin. Don't want any relationship but I just wanna be in love. Oo na sa mga nakakabasa nito. YES I'M WEIRD. Ito ako eh. WEIRD na tao. Pero anyways. I just wanna be in love without the hassle of commitment or any relationship. Pero willing pa rin ako maghintay para sa guy na para sa akin but in the moment I just wanna have some fun and take some challenging risks.

P.S. Wala akong ka PSEUDO-RELATIONSHIP. Talagang wala lang akong magawa kaya nagsulat ako ng ganito :>