Here we go again. Another year just passed. 2012 has come to it's end.
Well sa nakaraang taon. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay. May mga magaganda.Malulungkot. Exciting at mga kakaibang pangyayari. Syempre meron din namang mga pangyayari na sobrang nakapagdulot sa akin ng Kainte-internal Hemorage na Kabadtripan.
Pero kahit sobrang dami ng Kabadtripan na nangyari sa akin. Okay lang masaya pa din naman. Buhay pa din naman ako. Pero nais kong isa-isahin ang mga memorable na bagay na nangyari sa buhay ko.
Unahin na natin ang di na ako SPJ :((((
Hindi naman literal na natangal ako sa SPJ. Tinangal na yung section namin. Magkakasama pa din naman kami ang kaso nga lang iba na pangalan ng section namin at hindi na lang kami 35. 71 na kami at tinatawag na kaming Einstein.
Ang dami ko pang drama tungkol dito. Ang dami ko kayang post na pinaiyak yung mga kaklase ko kasi bawat entry ko pinopost ko sa group namin. Syempre ang unang umiiyak si Mayor. Ang Mother
Poodle ng masa na si Jaynus.Mahal na mahal niya kasi talaga kami.
Sa pagkakatanda ko nga eh. Medyo mga dalawang entry ata yung nasulat ko dahil sa pagdadalamhati ko ng BONGA!
PANGALAWA MGA BONGANG AWAY..
Ewan ko pero sobrang bonga at ang daming away ang naganap sa taong ito. Andyan yung nag-away kami SPJ VS. SHAKESPEARE. Katulad ng sabi ko pinag-isa na kasi kami at Einstein na yung section namin. Syempre dahil sa tagal na naming magkakasama ng mga hitad kong tropa sobrang close na namin sa isa't-isa kaya nung nahalo kami feeling namin hindi na kami makagalaw katulad ng dati. Hindi namin alam kung ano yung ikikilos namin. Tsaka di din kami sanay na may ibang kasama at ibang pakikibagayan. Muntik na ngang humantong sa paghihiwalayin sana kami. Pero syempre nagbati din kaming lahat. Kailangan eh. Para sa ikatatahimik ng buong school. Lakas kasi ng dating ng section namin eh. Sikat na sikat >_<
PANGATLO : BYE CHOO
Ito yung bagay na nakakamiss. Yun nga umalis si Choo di naiwan na lang kaming 2 ni Emerald dito. Kulang na ang Choowariwups. Pero kahit wala naman na si Choo. Hindi pa din naman namin siya kinalimutan. Lagi pa nga namin siyang kinakausap ng sobraaaaa.. Binabalitaan pa din namin siya ng mga latest happening sa mundo ng North Fairview. Nakakamiss oo. Pero saglit lang naman yun eh. Alam namin na babalik din siya dito..
PANGATLO : I HAVE MY BABOYS
Ito ang pinakamasayang samahan sa lahat na nangyari ngayong taon. Hindi to aksidente o pinlano basta bigla na lang kaming nagsama-sama. Hindi ko alam kung paano naganap pero naging sobrang close kami ng mga taong to.At lumikha kami ng Union ng mga BABOY >_<
Corny man pero sila yung halos nagbigay ng saya at kulay sa buhay ko ngayong taon. Marami kasi kaming mga kalokohang pinagagagawa.
Merong mga araw na pinaguusapan namin na hindi pumasok at matulog sa kaniya-kaniyang bahay. Merong isang beses na nagsayang kami ng pera para sa walang kwentang pelikula kaya nanghinayang kaming lahat. Andyan yung nagbabalak kaming magcutting. Hehehe. Salbahe namin no? Andyan din yung ang dami naming mga overnayts na pinagagagawa.Marami din kaming mga nilalait na tao. Hehehe. Ganun talaga XD. Madami din kaming pinagdaanang hirap pero ito buo pa din ang mga taba namin at hindi nababawasan. Well sila na ang masasabi kong BEST GIRLFRIENDS ever sa Tanang Buhay ko bukod sa CHOOWARIWUPS syempre. Kaya para sa mga Baboy kong MAHAL <3 I LOVE YOU GUYS! HAPPY NEW YEAR. Tayo ay sabay-sabay magpapayat.
PANG-APAT : NATALO MAN KAMI NANALO PA DIN
Dahil nga 4th year kami. Kami na ang pinanlalaban sa Journ. Ewan ko ba kung anong problema namin pero para kaming mga adik. Nung una hindi namin sineryoso ang lahat kaya yun. Wala. BOKYA. TALO kami. Well hindi naman kami totally talo. Second Place pa naman kami pero masakit lang nga kasi dati laging 1st yung school namin sa District. Sobrang ang daming nambatikos sa amin kaya lungkot na lungkot kami na tipong katapusan na ng mundo.Kaya nagako kami na mananalo kami pagdating sa Division.
Hindi nga kami nagkamali. Nanalo nga kami. Hindi lang nanalo sobra pa. 1st Time ng school namin na magfirst place sa Division. Not to mention Birthday ko pa nun! Swerteeeeeeee <3 Kaya sa sobrang tuwa namin nagcutting kaming lahat. AHAHAHAHA. Ang EPIC lang kasi naman eh. Hindi naman kami inaway nung guard pinabayaan lang naman niya kaming umalis kaya umuwi kami lahat at nagmovie marathon na lang.
PANGLIMA : NAGKACRUSH AKO SA APPLE.
Di ko alam pero nabaliw lang ako ng mga araw na yan. Na tipong namumula agad ako kapag nakikita ko si Apple o di naman kaya ayaw kong makita. Nakakahiya eh. Diyahe... Hehehe. Ang dami kong nakakatuwang experience sa pagkakacrush ko kay Apple.Ilang beses ko siyang nabanga. Nung una yung nagtest kami sa FEU. Pangalawa nung naghoghost hunting kami sa adbans. Para talaga akong tanga. Yoko na nga.. STOP IT. STOP IT..
PANG-APAT : Nagkaroon ako ng instant Anak. Tatlo pa >_<
Batang Fairvians on the go yun. Ang kyukyut nung mga bata. Tuwang-tuwa sila sa isang simpleng regalo sa mga laruan at kung anu-ano pa. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong ka sa kanila. Sobraaaaa..
PANGLIMA : DALAWANG TEACHER NA NAGBIGAY SA AKIN NG INTERNAL HEMORAGE NA KABADTRIPAN.
Ewan pero siguro sa tanang buhay ko. May isang teacher ako na never ko makakalimutan. Hindi dahil sa paborito ko siya or paborito ko ang subject niya. Kundi dahil hindi ko paborito ang subject niya at ayoko din sa kaniya. Hindi ko na lang sasabihin pero lagi siyang tamang hinala. Nakakabadtrip lang talaga siya. Kung may Death Note nasa unang listahan ko na siya. Pangalawa yung hindi nagtuturo sa amin at bias pa. Parehas ko sila di makakalimutan.
PANGANIM : NAGING BEST IN AEROBICS AKO.
Hayuup lang. Wala kayo sa akin atleast nagkaaward ako sa MAPEH. Best in Aerobics ako eh. Kakaiba. Malamang ako gumawa nung step namin eh. Pero well magaling talaga ako. (Ang kapal ng mukha ko.)
PANGPITO: NAGING INSTANT WRITER NA AKOOOOOO
Ayun tuwang-tuwa ako sa buhay ko. Ang dami kong readers sa Wattpad sa ginagawa kong story at dumadami pa siya. Nakakatuwa lang kasi habang binabasa ko yung mga sulat ko parang hindi naman ako yung nagsulat nun. Kakaiba lang kasi parang inspired ako. Well inspired nga ako sa mga readers ko syempre. Napapanaginipan ko pa nga yung mga gusto kong scenes eh. Kakaiba. San ka pa?
PANGWALO: NAKAPASA AKO SA FEU
Ano pa nga ba ang aasahan. Lahat naman pumapasa sa FEU eh. Pero okay lang natutuwa lang ako. Sana kapag nagtest ako sa ADM. Pumasa din ako. Gusto ko talaga dun. Pramise. Sobra. Sobra. Kapag nakapasok ako dun mag-aaral ako ng mabuti. PRAMISEEEEEEEEEEE..
Siguro nagtataka kayo kung ano yung pangsiyam at pangsampu no? Well wala na. Wala na akong maisip eh. Yan lang naging memorable sa akin. Well bukod sa nanalo kami sa Physics Carol. Yun. Masaya naman napaytunayan namin na hindi namin kailangan ng Physics Teacher kasi may English, Filipino, Values at MAPEH Teacher naman kami :P
Well 2012 left me so many memories and lesson in life that I can use in the near future.Well hindi lang to ang mga memories at mga pangyayari na iniwan sa akin ng 2012. Sobrang dami kung tutuusin at ayoko ng ilahad pa ang lahat. Kasi nobela na nga to hahaba pa. Yun lang. At salamat 2012 sa lahat. At Hello 2013. Please be good to me.
No comments:
Post a Comment