Ilang months na din ba akong hindi nakakapagblog. Sa tingin ko ang tagal na din eh. Nahinto nung summer. Ang dami ng mga pangyayari na nangyari sa aking buhay at hindi ko man lang nairecord sa aking pinakamamahal na blog. Well oh well. Ganun talaga may mga pagbabagong nagaganap at lahat ng pagbabagong yun ay nakakaerna. Saan na nga ba ako maguumpisa? Maguumpisa ako sa pagkapula ng aking magandang buhok XD
RED HAIRED ACE
Matagal ko ng gustong maging pula ang kulay ng buhok ko at nagkatutoo na siya nung summer. Kaya naman tuwang tuwa ako at feel na feel ko ang pula kong buhok feeling ko ang ganda ganda ko. LOL! Ayun nung una akala ko hindi babagay sa akin. Mukha kasi akong basang sisiw nung pinapatuyo ko na yung kakukulay ko lang na buhok pero anyways masaya naman ako sa buhay ko niyan XD Feel na feel ko talaga siya promise at ngayon namimiss ko na siya. Bakit? Eh kasi naman bawal sa amin ang may kulay ang buhok kaya naman pinakulayan ko ulit at bumalik na siya sa pagiging Black =.=. Haayy. Buong akala ko kapag nagcollege na ako okay na yung red na buhok, hindi naman pala. SAKLAP.
BLACK HAIRED ACE
Kaya yan kinailangan kong magpaalam sa kaniya at magkulay ulit ng black. Hayaan mo sa susunod na bakasyon. Ibang kulay na din yan. BLUE naman. Jk! Bagay kaya sa akin ang blue? Sersyoso ko dito. LOL! Brown lang pala. Di ko keri ang Blue. Mamaya iba maging itsura ko XD
Anyways next na pangyayari sa buhay ko ay ang una kong concert at unang beses ko na paggawa ng COSMIC Shirt. Well sobrang nakakanindig balahibo na makita mo ng LIVE ang pagtugtog ng CN BLUE. Yung pakiramdam na dati Youtube ka lang pero nung June 15, 2013 memorize ko pa. Ay nagkita na kami ng harapan. Grabeee di ko keri. Tili ako ng tili at hanggang ngayon ay humihingi pa din ako ng tawad sa mga nasa likuran ko na nahahampas ko ng lightsticks. Alam kong di niyo naman to mababasa kasi di niyo ko kilala pero sorry pa din po. AHHAHAHAHA XD
As what I am saying Meron din namang masasayang nangyayari sa buhay ko sa ilang months na to pero meron ding nakakatakot. Nakakatakot in the sense na first time kong maaksidente at take note sa Highway pa. Sumadsad kasi yung motor namin on the way na papasok ako ng school at take note may test pa kami nun. Sobrang nagulantang ako sa nangyari at hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yon. Natrauma nga ata ako ng sobra. Kasi kapag dumadaan ako dun sa pinangyarihan nung accident napapapikit ako kasi ayaw kong makita yung mismong lugar. Still creepy para sa akin. Hanggang ngayon naaalala ko pa din na tumalsik kami sa motor. Yung duguan si Papa at yung masakit kong mga sugat. Nasira din pala yung paborito kong pantalon nun. Pero sa kabila ng injuries ko ng araw na yun. Hindi nga ako nakapasok nakapunta naman ako sa CONCERT NG MGA PINAKAMAMAHAL KONG MGA BOYFRIEND. Oh ha! San ka pa injured na nga KPOP pa din. Huheuheuehu~ Ewan ko pero parang narelease ang stress ko sa mga oras na yun at panandalian kong nakalimutan yung pagkakaaksidente namin.
Kita pa yung galos ko sa right arm ko. Huheuheuehu. At Oo yan ang itsura ko nung Krep. LOL! Diyan lang ulit ako nagpalda ng ganyan at nagstockings pa. ANG KAPAL ng mukha ko no.Take note alasdose na ng umaga yan. At nasa Cubao pa kami. Huheuheuehu~ Isa pa yung sintas ko ang ganda niyan. Naka E at X yan di kinaya yung O eh kasi maliit lang yung sapatos ko. Kasing liit ko XD
Anyways ang ganda talaga namin kapag di kita ang mukha. May ganitong shot din kami sa BLUE MOON eh di kita yung mukha XDD Ganda ng Shirt namin no? Kami lang yung may design na ganyan nung concert the rest puro Bias shirt na.
At dumaan na ang aking birthday. Yaaan mga reaglo nila sa akin. WAHAHAHAHA. Parang pang childrens parteeh kasi pulos mga BEAR. Pero seriously tuwang tuwa ako sa mga bear na itey. Kasi nemeeen. Kakulay ni Kai yung isa at yung isa naman kamukha ni Sehun. Kaya ang mga pangalan nila ay hango sa mga tatay nila. Yung Brown pangalan niya ay Kkamjonginie at yung white naman ay si Sehunna. Aliw na aliw ako sa mga anak kong yan. Kaya ito yung mga pinagagagawa ko sa kanila. Wahahahahaha.Napaka4d ko talagang tao XD
Yan si Kkamjonginieee kasama ang kaniya napakagwapong ULIKBANG TATAY <3 Pogi noooo? Kaso mana ang height sa akin. -------------------------------------------->
As of now 1 year old pa lang yan pero Ulzzang Bear na.
And here's Sehunna. Actually alam ko lalaki tong si Sehunna eh. Ewan ko diyan bakit naisipan niyan magpalda, Binuklat niya pa talaga yung Eurorong Album para magpiktyur sila ng kaniyang Ama.Nagrarumpumpum daw siya ng mga oras na yaaan. IDOL niya si Krystal Jung.
Ang mga sususnod na pangyayari ay pawang rated SPG di joke lang. Sunod na pangyayari sa buhay ko ay sa wakas! Sa wakas! Nakapunta na din ako sa isang KPOP Convention. Ang tagal ko ng pinangarap makapunta dito at nakapunta na nga kami. May bago pa ko fwend si JB. Ang nakakalokang Lalaki. Huheuheuehu~ Kawawa sa amin si Ariannabells nung pinalabas ang malalanding Super Junior. Hampas abot niya sa amin eh. Sa gitna kasi umupo. XD At isa pang sa wakas. Nakapagpapiktyur na din kami sa napakagandang mga MR. E <3 Sa wakaaaaaaaaaaaaaaaas! Pero sayang hindi ako nakapagpapiktyur sa CRAS ko. Hihihihi. Medyo malandii.
Shemale Barbie as Krystal Jung (Mister E covering f(x) )
Kuya Lyndon
Kuya Robie as Luna (Mister E covering f(x) )
Joshuel Bautista as Kris (NEO covering EXO)
JC Marasigan as Taemin ( Shawolites covering SHINee)
Neb as Sulli (Mister E covering f(x) )
Nicky Song as Kai (EXZONE covering EXO)
At ito ang mga nakakaernang pangyayari sa buhay ko. Alam kong di niyo babasahin pero wala akong pake basta masaya ako. XDDD
Next blog post ko about naman sa collge life ko yun lang. Jaljayoooooooooooo!
No comments:
Post a Comment