Pages

Friday, January 4, 2013

Kwento sa Likod ng aking Buhay Blog


Sa tinagal-tagal kong nagbloblog. Ngayon ko lang naisipan sa tanang buhay ko na magkwento kahit kaperasong History kung paano nabuo ang aking kakaibang blog. Alam kong wala kayong paki pero gusto kong magsulat may masabi lang. Hahaha..

Paano nga ba nagumpisa ang lahat?


Sa totoo lang. Hindi ko na talaga matandaan kung kelan ako nagsimulang mag-isip na magblog at magsulat ng kung anu-ano. Pero siguro nagsimula akong magsulat nung mga oras na wala talaga akong magawa sa buhay ko o wala akong mapagkwentuhan ng mga bagay na nangyayari sa akin at hindi ko mailabas yung feelings ko para sa isang bagay.

Sa pagkakatanda ko. Una kong nakilala ang Blogger sa isa kong kaibigan. Nakita ko yung isa niyang post. Kaya naman nagtanong ako kung paano at yun naengganyo na din ako magsulat kasi pakiramdam ko magandang hobby yun at may mapapala ako sa buhay ko.

Isa pa sigurong dahilan ay dahil sa mahilig talaga ako mag-isip ng mga bagay at gustong-gusto ko ang nagsusulat. Sa katunayan. Noong elementary years ko may nasulat  na akong isang buong kwento at may sequel pa yun. ELEMENTAL.. Churvaness yung title nun. Hindi ko na kasi matandaan yung kasunod. Title pa lang mahuhulaan mo ng Fantasy yung ginawa ko at ang sipag ko pa nun kasi sulat kamay lang yun. Tuwang-tuwa ako ng mga panahon na yun kasi binabasa yun ng mga kaklase ko. Tapos nagdedemand sila kapag hindi pa ako nakakagawa ng bagong sulat.

Ngayon gustuhin ko mang ipost yung una kong kwento na yun. Hindi ko na alam kung paano kasi hindi ko alam kung nasaan na siya?


Balik tayo sa pinaguusapan natin. Ang Aking Blog. Sa totoo lang hindi talaga to ang una kong blog. Bali may original talaga akong blog at doon nagumpisa ang lahat.

Naalala ko pa yung pinakauna kong Post. It was summer at nanunuod ako ng iba't-ibang live actions kaya ganyan ang kinalabasan niyan.

Katulad ng ng sabi ko ito ang pinakauna kong blog. Well. Hindi naman talaga ganyan yung itsura niyan dati. Madami din kasing renovations ang pinagdaanan niyan hanggang sa humantong sa ganito.

<------------------------------------------

Buhay pa din siya ngayon. Kaya nga lang hindi ko na siya binubuksan at napabayaan ko na siya ng matagal na panahon. Kung bakit? Dahil sa ang blog na ito ang dami kong sinulat na kabitteran. Ang dami kong sama ng loob dito.  Sa Blog name pa lang. Halatang ang Bitter ko diyan sa breakup namin ng Ex ko. Ewan pero kapag nakikita ko tong blog na to di ko maiwasan sabihin sa sarili ko ang. "EWWWWWWWWWWWWWWWWW..YUCK! DRAMA!"
Believe me or not. Sobrang Drama talaga. Natatawa na nga lang ako kung paano ko nabuo lahat ng mga sinulat ko diyan eh. Siguro nga talagang kapag galit ang isang tao kung anu-ano ang pwede niyang magawa. Aminin ko na. EMO ako dati. Sobra.. Hindi naman ako naglalaslas pero ang daming ko kasing hinanakit sa mundo dati but well  I guess as I grow maraming nagbabago. Maraming mga nagbabago sa perspective ko sa buhay. Isa na nga yung hindi na ako EMO. Ang pangit pala kasi tignan. Kaya itong lumang blog na ito ay kahit kailan di ko na babalikan. Ang daming masasamang pangyayari dito eh.


Siguro ng dahil I'm already tired with to much drama kaya naisipan kong gumawa ng bagong Blog. Yung Blog na may kwenta talaga yung isusulat ko at hindi na puro hinanakit ko na wala namang kwenta at napakagloomy pa ng dating. Kaya ito na nga lumabas na ang pinakabago kong renovate na Blog.

<-----------------------------------


Katulad ng una madami din tong pinagdaanang mga renovations. Ang kaiba nga lang. Mas malaman ang mga nakasulat dito kaysa sa mga sulat sa luma kong Blog. Siguro ito lang ang kaisa-isang pruweba na nagmature naman ako kahit papaano. Sa Blog na to. Puro light lang no Hard Feelings. Hindi ako nagpopost ng mga hinanakit ko dito kasi ang pangit niyang  tignan kapag may ganun kaya nakahiwalay lang yung isang blog ko ng mga hinanakit ko. At secret ko na kung anong Blog yun. Sa blog ko na to sobrang ang dami ko ng naisulat na mga kaaningan ko. Kagaya nga ng sabi ko walang hinanakit. Kasi gusto ko yung blog ko maging full with happy thoughts lang . Yung mga tunay na malaman at kapupulutan ng aral. (Meron nga bang mapupulot?) Hehehe.. Anyways. Bukod diyan sa bagong interface ng Blog ko. Gumawa din ako ng Template na akong ako. Medyo ang dami ding pinagdaanan ng template ko. Nakatatlong Trial ako.









Hanggang sa Humantong sa ganito :D














Nagpakahirap pa akong mag-isip kung saan hahanap ng Font ng SMALLVILLE para lang sa template na to. Medyo pinagtuunan ko to ng pansin. Kasi gusto ko talaga na COOL yung magiging template ko at kakaiba na babagay sa akin. Kaya ayan ang kinalabasan. Bagong Template. Bagong Interface. Lahat bago.

At kung halos puro english lahat ng post ko last year. Ngayong year naman. Magpapakapinoy na ako at magtataglish. Atleast may included na filipino. Try lang maging makata tulad ng iba.

Bago ko matapos tong post na ito may pahabol pa akong insight o sabihin na natin na sariling opinyon.

ANO ANG FEELING NA MAY BLOG KA?

Feeling na may Blog. Nako.. Walang kapantay at sobrang sarap. Yung pakiramdam na halos bawat araw kung pwede ay may masusulat ka mas maganda. Yung feeling na kakaiba. Masasabi ko lang na sobrang ang sarap magblog kasi katulad ko sa pagbloblog ko mas naging comfortable ako sa sarili ko. Marami akong nalalaman sa sarili ko na capable o may kakayahan pala akong gawin lahat ng bagay. At katulad ng Camera nakakapagkeep ka ng mga memories about sa kung ano ba talaga yung nararamdaman mo sa isang particular na bagay.

Sa pagbloblog. Natutunan kong maging malaya sa lahat. Malaya in the sense of wala kasing nangengealam kung anong gusto mong sabihin. Tsaka wala kang pakialam kung may babasa o wala basta free ka lang na isulat lahat ng nararamdaman mo. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nailalabas mo lahat ng hindi ka nahihiya sa mga pinagsususulat mo. Masarap sa pakiramdam na makasulat ng malaya at mailabas mo lahat ng nararamdaman mo in the sense na hindi naman masyadong madrama light lang.

Ayun. Sa totoo nga feeling ko hindi ako mabubuhay ngayon ng walang blog. Well. Yeah may wattpad ako para magsulat ng kung anu-ano pero hindi naman applicable yun para sa mga blog related topics kasi basta hindi ko lang feel kasi iba yung galawan dun. Mas importante pa din sa akin ang blog ko kahit may Wattpad na ako. Dito kaya ako unang nagsulat ng romance stories ko. At hanggang ngayon andito pa din yun.


.............................................................................

Sa makatwid ang sarap ng may blog sa buhay mo. Sobrang sarap at nakakagaan ng feelings kahit walang pakialam yung iba sa sinusulat mo. Dahil sa blog parang bigla akong nagkaroon ng sarili kong mundo. Yung mundo na ako lang talaga ang nakakaintindi at nakakaalam na may ganu pala talaga. Kaya naman. Hindi ko ipagpapalit tong blog ko kahit kailan. Boyfriend ko na din kaya ito. Ahaahahah >_<


Ang sarap ng my BLOG <3










Wednesday, January 2, 2013

Goodbye Memories of 2012. Hello Memories of 2013

 Here we go again. Another year just passed. 2012 has come to it's end. 


Well sa nakaraang taon. Maraming mga bagay ang nangyari sa aking buhay. May mga magaganda.Malulungkot. Exciting at mga kakaibang pangyayari. Syempre meron din namang mga pangyayari na sobrang nakapagdulot sa akin ng Kainte-internal Hemorage na Kabadtripan.

Pero kahit sobrang dami ng Kabadtripan na nangyari sa akin. Okay lang masaya pa din naman. Buhay pa din naman ako. Pero nais kong isa-isahin ang mga memorable na bagay na nangyari sa buhay ko.

Unahin na natin ang di na ako SPJ :((((

Hindi naman literal na natangal ako sa SPJ. Tinangal na yung section namin. Magkakasama pa din naman kami ang kaso nga lang iba na pangalan ng section namin at hindi na lang kami 35. 71 na kami at tinatawag na kaming Einstein.

Ang dami ko pang drama tungkol dito. Ang dami ko kayang post na pinaiyak yung mga kaklase ko kasi bawat entry ko pinopost ko sa group namin. Syempre ang unang umiiyak si Mayor. Ang Mother
 Poodle ng masa na si Jaynus.Mahal na mahal niya kasi talaga kami.


Sa pagkakatanda ko nga eh. Medyo mga dalawang entry ata yung nasulat ko dahil sa pagdadalamhati ko ng BONGA!


PANGALAWA MGA BONGANG AWAY..

Ewan ko pero sobrang bonga at ang daming away ang naganap sa taong ito. Andyan yung nag-away kami SPJ VS. SHAKESPEARE. Katulad ng sabi ko pinag-isa na kasi kami at Einstein na yung section namin. Syempre dahil sa tagal na naming magkakasama ng mga hitad kong tropa sobrang close na namin sa isa't-isa kaya nung nahalo kami feeling namin hindi na kami makagalaw katulad ng dati. Hindi namin alam kung ano yung ikikilos namin. Tsaka di din kami sanay na may ibang kasama at ibang pakikibagayan. Muntik na ngang humantong sa paghihiwalayin sana kami.  Pero syempre  nagbati din kaming lahat. Kailangan eh. Para sa ikatatahimik ng buong school. Lakas kasi ng dating ng section namin eh. Sikat na sikat >_<

PANGATLO : BYE CHOO 

Ito yung bagay na nakakamiss. Yun nga umalis si Choo di naiwan na lang kaming 2 ni Emerald dito. Kulang na ang Choowariwups. Pero kahit wala naman na si Choo. Hindi pa din naman namin siya kinalimutan. Lagi pa nga namin siyang kinakausap ng sobraaaaa.. Binabalitaan pa din namin siya ng mga latest happening sa mundo ng North Fairview. Nakakamiss oo. Pero saglit lang naman yun eh. Alam namin na babalik din siya dito..


PANGATLO : I HAVE MY BABOYS 

Ito ang pinakamasayang samahan sa lahat na nangyari ngayong taon. Hindi to aksidente o pinlano basta bigla na lang kaming nagsama-sama. Hindi ko alam kung paano naganap pero naging sobrang close kami ng mga taong to.At lumikha kami ng Union ng mga BABOY >_< 

Corny man pero sila yung halos nagbigay ng saya at kulay sa buhay ko ngayong taon. Marami kasi kaming mga kalokohang pinagagagawa.
Merong mga araw na pinaguusapan namin na hindi pumasok at matulog sa kaniya-kaniyang bahay. Merong isang beses na nagsayang kami ng pera para sa walang kwentang pelikula kaya nanghinayang kaming lahat. Andyan yung nagbabalak kaming magcutting. Hehehe. Salbahe namin no? Andyan din yung ang dami naming mga overnayts na pinagagagawa.Marami din kaming mga nilalait na tao. Hehehe. Ganun talaga XD. Madami din kaming pinagdaanang hirap pero ito buo pa din ang mga taba namin at hindi nababawasan. Well sila na ang masasabi kong BEST GIRLFRIENDS ever sa Tanang Buhay ko bukod sa CHOOWARIWUPS syempre. Kaya para sa mga Baboy kong MAHAL <3 I LOVE YOU GUYS! HAPPY NEW YEAR. Tayo ay sabay-sabay magpapayat.



PANG-APAT : NATALO MAN KAMI NANALO PA DIN

Dahil nga 4th year kami. Kami na ang pinanlalaban sa Journ. Ewan ko ba kung anong problema namin pero para kaming mga adik. Nung una hindi namin sineryoso ang lahat kaya yun. Wala. BOKYA. TALO kami. Well hindi naman kami totally talo. Second Place pa naman kami pero masakit lang nga kasi dati laging 1st yung school namin sa District. Sobrang ang daming nambatikos sa amin kaya lungkot na lungkot kami na tipong katapusan na ng mundo.Kaya nagako kami na mananalo kami pagdating sa Division.


Hindi nga kami nagkamali. Nanalo nga kami. Hindi lang nanalo sobra pa. 1st Time ng school namin na magfirst place sa Division. Not to mention Birthday ko pa nun! Swerteeeeeeee <3 Kaya sa sobrang tuwa namin nagcutting kaming lahat. AHAHAHAHA. Ang EPIC lang kasi naman eh. Hindi naman kami inaway nung guard pinabayaan lang naman niya kaming umalis kaya umuwi kami lahat at nagmovie marathon na lang.


PANGLIMA : NAGKACRUSH AKO SA APPLE.

Di ko alam pero nabaliw lang ako ng mga araw na yan. Na tipong namumula agad ako kapag nakikita ko si Apple o di naman kaya ayaw kong makita. Nakakahiya eh. Diyahe... Hehehe. Ang dami kong nakakatuwang experience sa pagkakacrush ko kay Apple.Ilang beses ko siyang nabanga. Nung una yung nagtest kami sa FEU. Pangalawa nung naghoghost hunting kami sa adbans. Para talaga akong tanga. Yoko na nga.. STOP IT. STOP IT..


PANG-APAT : Nagkaroon ako ng instant Anak. Tatlo pa >_<

Batang Fairvians on the go yun. Ang kyukyut nung mga bata. Tuwang-tuwa sila sa isang simpleng regalo sa mga laruan at kung anu-ano pa. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong ka sa kanila. Sobraaaaa..


PANGLIMA : DALAWANG TEACHER NA NAGBIGAY SA AKIN NG INTERNAL HEMORAGE NA KABADTRIPAN.

Ewan pero siguro sa tanang buhay ko. May isang teacher ako na never ko makakalimutan. Hindi dahil sa paborito ko siya or paborito ko ang subject niya. Kundi dahil hindi ko paborito ang subject niya at ayoko din sa kaniya. Hindi ko na lang sasabihin pero lagi siyang tamang hinala. Nakakabadtrip lang talaga siya. Kung may Death Note nasa unang listahan ko na siya. Pangalawa yung hindi nagtuturo sa amin at bias pa. Parehas ko sila di makakalimutan.


PANGANIM : NAGING BEST IN AEROBICS AKO.

Hayuup lang. Wala kayo sa akin atleast nagkaaward ako sa MAPEH. Best in Aerobics ako eh. Kakaiba. Malamang ako gumawa nung step namin eh. Pero well magaling talaga ako. (Ang kapal ng mukha ko.)



PANGPITO: NAGING INSTANT WRITER NA AKOOOOOO

Ayun tuwang-tuwa ako sa buhay ko. Ang dami kong readers sa Wattpad sa ginagawa kong story at dumadami pa siya. Nakakatuwa lang kasi habang binabasa ko yung mga sulat ko parang hindi naman ako yung nagsulat nun. Kakaiba lang kasi parang inspired ako. Well inspired nga ako sa mga readers ko syempre. Napapanaginipan ko pa nga yung mga gusto kong scenes eh. Kakaiba. San ka pa?


PANGWALO: NAKAPASA AKO SA FEU

Ano pa nga ba ang aasahan. Lahat naman pumapasa sa FEU eh. Pero okay lang natutuwa lang ako. Sana kapag nagtest ako sa ADM. Pumasa din ako. Gusto ko talaga dun. Pramise. Sobra. Sobra. Kapag nakapasok ako dun mag-aaral ako ng mabuti. PRAMISEEEEEEEEEEE..


Siguro nagtataka kayo kung ano yung pangsiyam at pangsampu no? Well wala na. Wala na akong maisip eh. Yan lang naging memorable sa akin. Well bukod sa  nanalo kami sa Physics Carol. Yun. Masaya naman napaytunayan namin na hindi namin kailangan ng Physics Teacher kasi may English, Filipino, Values at MAPEH Teacher naman kami :P


Well 2012 left me so many memories and lesson in life that I can use in the near future.Well hindi lang to ang mga memories at mga pangyayari na iniwan sa akin ng 2012. Sobrang dami kung tutuusin at ayoko ng ilahad pa ang lahat. Kasi nobela na nga to hahaba pa. Yun lang. At salamat 2012 sa lahat. At Hello 2013. Please be good to me.