Ito ang dakilang title ngayon ng aking blog.
Una sa lahat nagbabalik na ulit ako sa aking mumunting mundo at kaharian ang aking Blog.
I super miss it na talaga. Buti na lang nagkaComputer na ulit kami at makakagawa na ulit ako ng mga Love stories ko.
Mabalik sa usapan bakit nga ba I found love in a hopeless place ang title ng aking Blog.
Because this title signifies what I experienced last year. Puro na lang ba last year syempre kailangan pagusapan ang mga nakaraang taon for hindi naman natin matatakasan ang nakaraan eh.
Ang sarap kaya magreminisce...
Wala lang pag-usapan ulit natin ang nakaraan..
Dati I found love everywhere yung feeling na inlove lagi gusto ko ganoon lagi...
Well nafeel ko na rin naman ang maging inlove araw-araw pero ibang iba yun sa feeling ko ngayon.
Kung dati You and me against The world ang drama ko ngayon naman I found love in a Hopeless Place...
Siguro magtataka kayo kung inlove ba ako o chumuchurva nanaman ako. Pero sa totoo lang aminin ko na nga Oo inlove ako. Sobra sobrang inlove at this time ito na nga yata ang TRUE LOVE na sinasabi.. Kakaiba yung feeling na nadarama ko ngayon.
I found this love in a Hopeless place ang drama ko kasi syempre sa mundo ngayon medyo mahirap na nga talaga makahanap ng true love na sinasabi. Kasi iba na talaga ngayon..
Pero ito nga sinuwerte nakahanap ng ibang klase ng pagmamahal sa ganitong lugar.
Kanino ko inlove... Mamaya na Spoil`er naman oh!
Ngayon ko lang naranasan maging commited ng ganito kakaiba. Yung bang araw-araw nakakausap mo siya. Yung mga dati mong di ginagawa nagagawa mo na. Ito pa lumakas ang loob ko dahil sa kaniya. Kakaiba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Nakakayang gawin ang lahat para sa kaniya. Kakaiba talaga eh. Alam mo yun. Yung kahit sobrang hirap na ng ginagawa mo basta para sa kaniya kinakaya mo at nageenjoy ka pa. Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Ang sarap mainlove araw-araw.
Yung bang kahit pagod na pagod ka na andyan siya palagi para pasayahin ka at kausapin ka.
Paggalit ka andyan siya para pakalmahin ka.
Pagnakagawa ka ng kasalanan hindi mo na kailangan ng mahabang paliwanagan basta be sincere lang sa paghinggi ng sorry okay na.
Tapos pagnagpromise siya talagang tinutupad niya
And then kapag nahihirapan ka na andyan siya para laging tumulong.
Kakaiba talaga siya. Siya na ang the best sa lahat ng nakilala ko at nagpapasalamat ako na nakilala ko siya at sa pagmamahal na binigay niya sa akin.
Oh ano? nahihiwagaan na kayo no?
Sino hula niyo?
Sabihin ko na nga syempre si LORD ang tinutukoy ko.
Kakaiba kasi talaga yung love na binigay niya sa akin eh. Hindi maicocompare sa ibang love.
Yung presence niya talaga kakaiba eh. Kakaibang joy ang mahahanap mo sa kaniya.
Yun na nga pinalakas niya ang loob ko para kumilos at gawin ang passion ko at ito yung pagsasayaw.
Binigyan niya ako ng lakas na sumali sa Dance Ministry.
Tignan mo naman kahit wala akong kasama na sumali is sumali ako ng mag-isa dahil sa kagustuhan kong sumayaw para sa kaniya.
Hindi ko talaga maimagine na ginawa ko yun. Dati nga nakakasali lang ako sa mga ganyan kapag pinipilit eh. Pero ngayon tignan mo naman diba walang pilit pilit.
Sobra alam mo yung binigay ko na lahat ng oras ko sa kaniya. Kung titignan kulang pa nga yon sa mga ginawa niya sa buhay ko eh.
Kung hindi niya ako sinave from the past siguro sira na ang buhay ko ngayon. Kung hindi niya ako hinugot sa kamalian na yun siguro nga sira na at pariwara na ako ngayon. Pero kumilos siya sa buhay ko at inalis niya ako sa isang muntik ng maging isang pangyayari na tiyak kong pagsisisihan.
Huwag niyo ng alamin kung ano yung bagay na yun kasi It's a secret na kami lang ni GOD ang nakakaalam at matagal ko ng kinalimutan ang bagau na yun kasi tinangal na ako ni LORD dun eh.
Inalis na niya ako dun.
Grabe ang pakiramdam ko ngayon. Ang sarap I never been so inlove this way before.
Tunay nga na ang pagmamahal ni Lord can be found anywhere even in a Hopeless place kagaya ng mundo natin ngayon.
Today as I right this Blog I make a covenent kay Lord na bahala na siya sa buhay ko at siya na ang maging captain.
In the past I was the captain of my own life but now I step back and I let GOD to be the captain of my own life.
PS: yun lang muna sa ngayon...dahil pinapatulog na ako nina mama may pasok na daw bukas :) Hahahahhaa XD
No comments:
Post a Comment