Pages

Friday, February 8, 2013

To Soar High is my GOAL

Unting panahon na lang ang nalalabi at gragraduate na ako. Tulad ng iba kong mga kaklase todo kayod na din sa paghahanap ng mga Universities o Colleges na mapapasukan. Nakailang ikot na nga ako sa U-BELT. Sa pagkakatanda ko nakatatlong balik na ako sa University Belt para maghanap at maginquire sa iba't-ibang colleges. Pero sa ngayon nakakatatlo pa lang akong test. Sa UP, FEU- EAC at NU. Sa kasawiang palad hindi ako pumasa sa UP. Nakakadepress? Oo naman. Kahit na ba sabihin kong ayoko naman talaga mag-aral sa UP, nakakadepress pa din na malaman mong hindi ka nakapasa. Pero ayos lang. Ganun naman talaga ang buhay. Kung di para sayo hindi mo makukuha. Ayun nga sa FEU-EAC naman. Okay na ako dun. Pumasa naman ako kahit wala akong tulog ng nagtest ako dun.

 Pumasa din ako dun. Sa NU naman nararamdaman ko ang COOLNESS. Well ang ibig kong sabihin is that pakiramdam ko at home ako. BULLDOGS kasi sila. Siguro dahil mahilig ako sa aso kaya ang gaan ng pakiramdam ko. Ewan ko pero palagay ako sa mga tao dun kasi parang ang simple lang nilang lahat at walang ere sa katawan. Kahit nung una ay di ko pansin ang NU, masasabi kong NU ang second choice ko pagdating sa mga Universities.

Marami pa sana akong gustong puntahan na universities. Gusto ko pa sanang magcollect and select ang problema hindi naman ako ganoon kayaman na kayang kumuha ng entrance exam sa lahat ng universities. Tsaka kahit naman kumuha pa ako ng mga entrance exam sa ibang Univ. Isa lang naman ang tinitibok ng puso ko at gusto kong abutin.

Gaya nga ng sabi ko kahit gaano kadami pa ang pagtestan ko at kahit makapasa pa ako sa lahat ng puntahan ko isa lang talaga ang University na babalikbalikan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at napili ko tong school na to pero hindi ko kasi maexplain eh. Ang weird na kung weird pero iba yung pakiramdam ko eh. Alam mo yung parang tinatawag ka niya. Weird diba? Pero pakiramdam ko kasi talaga tinatawag ako ng University na yun. Pakiramdam ko may something sa kaniya na hindi ko maexplain. Basta kakaiba. Kakaibang kakaiba. Pati ako nawewerduhan sa nararamdaman ko.

Meron ngang amazing na nagcoconect sa akin sa Adamson. Naalala ko pa na pinangako ko sa sarili ko nung araw na magtetest kami sa NU na kahit nasa UBELT ang Adamson ay hinding-hindi ako pupunta dun maliban na lang kung magpapasa na ako ng Form at magtetest na ako. WEIRD nanaman diba. Pero hanggang ngayon ay pinapangako ko pa din yun sa sarili ko.Gusto ko kasing masurprise kung ano nga ba talaga ang itsura niya sa personal. Another thing na nangyari ay yun nga on our way to LETRAN. Huminto yung bus ng Adamson malapit sa amin. Hindi ko naman inaakala na makikita ko yung bus nila sa lugar na yun na sakay yung mga basketball players nila. Sobrang nganga pero sobrang saya ko din ng araw na yun. Pakiramdam ko kasi magkaconnect talaga kami ng ADAM.



Hindi ko na maalala kung saan ko unang narinig ang Adamson University pero ang natatandaan ko lang simula ng marinig ko yung school na yun. Hindi na ako natigil dun at lagi ko lang yun bukang bibig. Wala akong particular na rason kung bakit gusto ko dun. Hindi ko gusto dun dahil kasama siya sa UAAP. Hindi din dahil may scholarship at lalong hindi rin dahil andun si Brondial. Sinusunod ko lang yung intuition ko. 

Dumating pa nga sa point na ginusto ko na lang mag FEU pero yung intuition ko sinasabi na huwag at magAdamson ako. Ang tagal ko ding pinagisipan at tinimbang yung nararamdaman ko pero pati puso ko Adamson ang sinisigaw. 

Sa totoo hindi pa ako nakakapagtest sa Adamson. Pero nakapili na ako ng date at yun ay February 23. Di ko alam pero. Pagkakita ko ng date na yun sa schedule nila. Ginusto ko agad na sa ganoong date magtake ng exam. Pakiramdam ko kasi Lucky Date ang Feb. 23.

Wala pang kasiguraduhan ang pagpasok ko sa Adamson. Sa totoo lang kinakabahan ako na excited at malakas din ang pakiramdam ko na papasa naman ako. Makakaya kong pumasa! ALAM KO! Kaya ko.
Tsaka malakas ang kutob ko na papasa ako. Ang lakas ng kumpyansa ko eh.

Ewan pero ang goal ko talaga ngayon ay makapasa sa ADAMSON! Gusto kong maging FALCON! At alam ko namang hindi ako bibiguin ng school na to. Kapag di siguro ako nakapasa dun lang ako madedepressed ng sobra. T_T .Pero naniniwala ako na papasa ako at next year. Unti-unti na akong magsosoar high na parang isang FALCON na patungo sa aking pangarap :))

Saturday, February 2, 2013

One smile and you blew my heart away.

Back to my old hobby. Ang labasan ng saya ng buhay ko.


One of the best day at tsaka one of the most depressing day tong araw na ito.Contradicting no?Pero syempre gusto ko munang unahin kung bakit masaya itong araw na ito. Masaya kasi kahit papaano. Nagsamasama nanaman kami ng mga hitad kung kaklase. Hindi man kumpleto pero atleast masaya pa din kasi nagsamasama nanaman kami at nagkulitan ng walang humpay. Ang saya lang kasi nagtest kami ngayon sa NU. Laptrip nga lang ang pagpunta namin dun kasi sobrang looban ang NU. Ang tinding LOOBAN. Ahahaha. Kung tutuusin pagbumaba ka sa arch of century ng UST. Dun sa katapat na kalye na yun pwede ka na dumaan. Napalayo pa kami. Mga adik lang.Narealize lang namin yun ng makita namin yung pinanggalingan namin. AHAHAHA.. Bangagers lang.

Aaminin ko wala naman kasi talaga sa List ng gusto kong pasukan ang NU. Grinab ko lang yung opportunity kasi libreng test. Pero hindi ko inaasahan na sobrang ang babait ng tao. Down to Earth lahat. Alam mo yun. Hindi mo mararamdaman yung Aura ng pagiging mataas nila. Sobrang COOL lang. Ganun yung pakiramdam ko sa kanila. Ang bait din nung proctor namin kasi tinuturuan niya pa kami nung ibang mga sagot. Tapos kinukwentuhan pa niya kami and ang pinakadabest ay hinayaan niya kaming magikot sa University nila. Ang bait sobra ng mga tao :))

Kung NU lang talaga ang tinitibok ng puso ko. Nag NU na ako kaso iba talaga eh.

Anyways. Dumako na tayo sa highlights ng aking kwento. Yun pagtapos ng NU kumain muna kami then naglibot na sa buong University Belt. On our way. Ako yung unang nakakita ng Bus sa Adamson. (mukhang tinatawag na ako ah. AHAHAHA. Joke :)) ) Di natuwa ako kasi nakita ko yung Bus nila. And to my surprise hayuup. Laman nun puro varsity ng ADAMSON. Di nga nga na ako at may isa akong hinihintay na makita. Syempre yung team Captain nila My very own John Rodney Brondial. Nakita ko siyang pumasok sa loob ng Bus nila and guess what lumingon siya sa way namin tapos nagsmile. Takte. Laglag puso ko nakalimutan ko pa bigla pangalan niya sa sobrang pagkabigla ko. STAR STRUCK ANG PEG.

Sayang di nakapagpapiktyur kaya sana kapag araw na ng pagpunta ko ng Adamson. Makita ko si ROADKNEE ko. Para makapagpapiktyur na ako. Bahala na. Basta may picture! HOHOHO.

Isa pang star struck is yung hindi mo inaasahan na makikiata mo yung dancer na crush mo sa FB sa Intramuros na naglalakad. SIOMAI! Hindi ko maexplain kong maganda ba siya o pogi eh. Kasi mukha siyang babae pero lalaki siya. Ang tangkad pa niya at ang ganda ng fashion sense niya. Ang hirap iexplain. Grabe. Basta ang pogi niyaaaaaaaaaaaa <3


Ang daming unexpected things ang nangyari ngayon sobra! Ang ganda ng araw ko :))